Kim Chiu: "Utang na loob ko na may bahay akong maayos, napapakain yung pamilya ko, all because of ABS-CBN."

by James Patrick Anarcon
Oct 8, 2020
Kim Chiu on reaping new blessings after undergoing trials this 2020: “Thankful din ako na yung pagkabilog na yun ay within this year, kasi may ibang bilog, ang tagal, ang tagal bago umikot."
PHOTO/S: Screengrab from U-Turn Zoom Presscon

Malaki raw ang utang na loob ni Kim Chiu sa ABS-CBN.

Ito ang dahilan kung bakit hindi niya naisip na lumipat ng ibang istasyon kahit pa na matindi ang pinagdadaanan ng kanyang home network ngayon.

Noong July 10, 2020, tuluyang ibinasura ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN.

Dahil sa pagpapatigil ng broadcast operations ng ABS-CBN, ilang libong empleyado ang natanggal kasabay ng pagkansela ng mga kontrata at programa ng network.

Maraming ABS-CBN talents ang pinayagan at nagdesisyong magtrabaho sa mga kalabang network.

Sa virtual press conference ng pelikulang U-Turn kagabi, October 7, naikuwento ni Kim kung bakit siya nagdesisyong manatili sa ABS-CBN.

Nagkaroon daw siya ng realizations habang nakapirmi sa kanyang tahanan nang ipatupad ang ECQ mula March 15 hanggang May 31, 2020.

Sabi niya, “Di ba, nasa bahay lang tayo simula noong March hanggang May ba yun?

“Ang haba ng inilagi ko sa bahay, and doon ko na-realize na itong bahay na ito, hindi ko naman ito mabubuo kung nasa Cebu lang ako, kung di ako sumali sa Pinoy Big Brother, kung di ako nagka-show sa teleseryes ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"Hindi naman ako makikilala ng tao."

Ayon kay Kim, utang na loob daw niya sa ABS-CBN ang lahat ng napundar niya ngayon.

“Siguro, utang na loob ko na may bahay akong maayos, napapakain yung pamilya ko, all because of ABS-CBN.”

Pagkatapos nito ay bahagyang naging emosyunal si Kim.

Tuluy-tuloy ang proyekto ni Kim simula nang bumalik sa produksyon ang mga programa ng ABS-CBN, na ipinapalabas sa Kapamilya Channel.

Bumalik siya sa taping ng Love Thy Woman noong June 2020.

Nang matapos ang serye noong Setyembre, bumalik siya sa shooting ng pinagbibidahang pelikulang U-Turn.

Pagkatapos nito, noong September 28, pumasok siya bilang host ng It’s Showtime.

Kabilang din siya sa regular performers ng weekly show na ASAP Natin ‘To.

Simula October 10, 2020 naman, mapapanuod na muli sa free TV ang mga programa ni Kim sa pamamagitan ng A2Z Channel 11.

Ito ay matapos na magkaroon ng partnership ang ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network, Inc.

Continue reading below ↓

“ANG BUHAY AY BILOG”

Sa parehong press conference, kinamusta naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim tungkol sa mga nangyayari sa kanyang buhay ngayon.

Pagkatapos kasi ng maraming pinagdaanan noong unang bahagi ng 2020, tila nagiging maayos ang lahat para sa kanyang career.

Nakangiting sagot ni Kim sa PEP.ph, “Paano ba? Hahaha!

“Goes to show that ang buhay ay bilog. Hindi laging nasa baba, hindi laging nasa taas.

“Thankful din ako na yung pagkabilog na yun ay within this year, kasi may ibang bilog, ang tagal, ang tagal bago umikot.

“So with faith, with trust, I think kaagapay ko yung mga nangyayari sa akin papunta sa taas ulit kasi parang masyado lang maraming nangyayari."

Hirit niya sa mga pagsubok na naranasan niya nitong 2020, “Dyusko, tigilan niyo na ako! Hahaha!”

Saad pa ni Kim, hindi siya pinabayaan ng Diyos sa mga nangyari sa buhay niya.

“Alam ko naman na yung mga problema hindi naman binibigay sa atin kapag alam ng Diyos na hindi natin kaya.

Continue reading below ↓

“So sabi Niya, kaya ko naman daw, strong girl. Strong girl Kim Chiu 2020, let’s do it!

“Parang ano naman yun, e, kung marami mang masamang nangyayari, mas marami pa ring magagandang nangyayari.”

ON NEAR-DEATH EXPERIENCE, BASHERS

Noong March 4, 2020, nalagay sa peligro ang buhay ni Kim nang paulanan ng bala ang sinasakyan niyang van sa Quezon City.

Hindi naman nagtamo ng sugat si Kim sa nangyaring pamamaril.

Pero naakusahan pang “publicity stunt” at “fake” lamang ang nangyaring pamamaril sa kotse ni Kim.

Matinding bashing ang natanggap ni Kim sa social media dahil sa kanyang viral “classroom” quote nang magsalita siya sa #LabanKapamilya Facebook Live noong May 8.

Subalit pagkatapos nito ay masasabing marami ring magandang nangyari sa karera ni Kim.

Bukod sa naging hit ang kanta niyang “Bawal Lumabas,” na inspired sa kanyang “classroom” quote, nakabalik siya sa taping ng Love Thy Woman.

Kahit na hindi ipinapalabas ang Love Thy Woman sa free TV, ilang beses itong naging number one sa Top 10 TV shows ng iWant. Meron din itong mahigit 50,000 viewers sa Kapamilya Online Live.

Continue reading below ↓

Binansagan din si Kim na ASAP Queen of the Dance floor nang mag-perform siya sa ASAP Natin ‘To noong Linggo, October 4.

Ipinakilala rin si Kim bilang “Millennial Horror Queen” sa press conference ng U-Turn, na ipapalabas sa October 30 sa online platforms ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on reaping new blessings after undergoing trials this 2020: “Thankful din ako na yung pagkabilog na yun ay within this year, kasi may ibang bilog, ang tagal, ang tagal bago umikot."
PHOTO/S: Screengrab from U-Turn Zoom Presscon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results