Daniel Padilla thanks Kathryn Bernardo for surprise party: “Sa iyo nanggagaling ang lakas at inspirasyon ko.”

by Jet Hitosis
Oct 13, 2020
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla
Kapamilya actor Daniel Padilla thanks girlfriend actress Kathryn Bernardo for preparing a surprise party to congratulate him on the success of his digital concert last Sunday, October 11: "Maraming salamat sa oras at pag mamahal na ibinibigay mo saakin."
PHOTO/S: @bernardokath, @supremo_dp on Instagram

May pa-surprise party si Kathryn Bernardo para sa reel-and-real life partner niyang si Daniel Padilla pagkatapos ng digital concert ng aktor nitong Linggo, October 11.

Todo-pasasalamat naman si Daniel, 25, sa 24-year-old Kapamilya actress na pinaghuhugutan daw niya ng “lakas at inspirasyon.”

Matagumpay na nairaos nitong Linggo ang Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience ni Daniel.

Napanood ito sa events website ng ABS-CBN, ang ktx.ph.

Guests ni Daniel ang actor-singer na si Ian Veneracion at ang kapatid na si Jose Carlito "JC" Padilla.

Si Daniel ay anak ng TV host-actress na si Karla Estrada sa aktor na si Rommel Padilla.

Anak naman ni Karla si JC kay Naldy Padilla, ang lead singer ng ‘90s OPM band na Orient Pearl.

Continue reading below ↓

Kinanta ni Daniel ang hit song nila ni Moira dela Torre at Himig Handog 2019 winner na “Mabagal.”

Nagpaka-versatile din si Daniel sa pag-awit ng “Antukin” at “Balisong” ng Rivermaya, “Abot Kamay” ng Orange and Lemons, at "One" ng U2.

Inawit din niya ang Andy Williams classic hit na “Moon River”, at inialay iyon sa girlfriend na si Kathryn, na kasama niya sa studio.

KATHRYN THROWS A SURPRISE PARTY

Pagkatapos ng digital concert, sinorpresa ni Kathryn si Daniel sa isang intimate party kasama ang “biggest fandom” ng aktor.

Ito ay ang pamilya at malalapit na kaibigan ng magkasintahan.

Ipinost ni Kathryn sa Instagram nitong Lunes ng gabi ang mga litratong kuha sa surprise party.

Iyon ang naisip na paraan ng Kapamilya actress upang i-congratulate si Daniel sa tagumpay ng kauna-unahang digital performance nito.

Caption ni Kathryn: “Our intimate surprise party last night with @supremo_dp’s biggest fandom—our family and friends—was a success!

Continue reading below ↓

“Congratulations, love! THAT WAS SUCH AN AMAZING PERFORMANCE!”

Sa comment ni Daniel, nagpasalamat siya kay Kathryn sa “oras at pag mamahal na ibinibigay mo saakin.”

Sinabi rin ni Daniel na ang longtime girlfriend ang pinanggagalingan ng kanyang “lakas at inspirasyon.”

Sabi pa ni Daniel kay Kathryn: “Mahal kita. [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Bumati rin kay Daniel ang ilang kapwa celebrities, gaya nina Ruffa Gutierrez, Moira, Erich Gonzales, Yeng Constantino, Ria Atayde, at ang kapatid ni Daniel na si Roanna Padilla.

May special mention din sila kay Kathryn sa pagiging “supportive” girlfriend nito kay Daniel.

Continue reading below ↓

CONCERT PERFORMER

Ito ang unang beses na nagdaos ng digital performance si Daniel, bagamat ilang beses na siyang nag-concert sa nakalipas na mga taon.

Eksaktong dalawang taon na ngayong Martes, October 13, ang nakalipas nang idaos ang huling concert ni Daniel, ang D4 Daniel Padilla Back In The Araneta noong October 13, 2018.

Sa Mall of Asia Arena naman nagtanghal ang Kapamilya heartthrob noong 2015, para sa Most Wanted.

Sa Big Dome rin idinaos ang una at ikalawang concerts ni Daniel, ang Daniel Live: A Birthday Concert noong 2013 at DOS: Daniel On Stage noong 2014.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Daniel Padilla thanks girlfriend actress Kathryn Bernardo for preparing a surprise party to congratulate him on the success of his digital concert last Sunday, October 11: "Maraming salamat sa oras at pag mamahal na ibinibigay mo saakin."
PHOTO/S: @bernardokath, @supremo_dp on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results