Sharon Cuneta on retiring from showbiz: “I’m not just gonna instantly disappear!”

by Arniel C. Serato
Oct 13, 2020
Sharon Cuneta: "I've been getting ready to retire for another 2 decades."
PHOTO/S: Noel Orsal

Tila urong-sulong si Sharon Cuneta sa kanyang planong pagre-retire sa showbiz.

Sa kanyang Instagram post kagabi, October 12, sinabi ng 54-year-old singer-actress na may mga kontrata at pangako pa siyang nais tuparin.

Pero dahil walang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang COVID-19 pandemic, naghahanda na raw siya sa kanyang retirement.

Saad ni Sharon sa kanyang post, “Kids, please don’t be sad! I still have a few promises & contracts to fulfill.

“Just seeing as, we don't know yet when this pandemic is leaving or when a vaccine is gonna be discovered, I am preparing for my retirement.

“I am semi-retired as it is!"

Sinabi ni Sharon noong 2015 na kung balakin niyang mag-retire sa showbiz, baka sa U.S. siya maninirahan.

Noong September 2019, sinabi naman ni Sharon na semi-retired na siya sa showbiz dahil apat na dekada na siyang nasa industriya.

Muli niyang binanggit ang tungkol sa pagreretiro sa showbiz nito lamang October 10, 2020.

Continue reading below ↓

Saad niya sa kanyang post, “Kids, it's almost time. Mama's tired. I love you! On my way to retirement…”

"GETTING READY TO RETIRE"

Sa kanyang Instagram post kagabi, inilahad ng Megastar na nagplano na siyang iwanan ang mundong kanyang kinagisnan nang nagpakasal sila ni Senator Francis Pangilinan taong 1996.

Saad niya, “I planned to retire after I got married to Kiko at 30, but I've always taken my cues from God.

“I wed in the middle of shooting Madrasta then so many other things followed, so I knew it wasn't time yet.

“Don't worry about me -- my parents always prepared me for this!

“And I've been getting ready to retire for another 2 decades.”

Paglilinaw ni Sharon, hindi siya mawawala na parang bula dahil tinatanaw niyang malaking utang na loob sa publiko ang kanyang karera.

Pero apela niya, “please ready yourselves.”

Pagtatapos ng Megastar, “I’m not just gonna instantly disappear!

Continue reading below ↓

"I owe you that much. But please ready yourselves, okay?

"I love you. God bless you all.”

JUDY ANN SANTOS ASKS SHARON ABOUT THEIR MOVIE

Nagkomento sa kanyang post ang matalik na kaibigan ni Sharon at kapwa aktres na si Judy Ann Santos.

Tanong ni Judy Ann, “Ate!! Paano na ang pelikula nating tatlo ni regine!!!??!”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Judy Ann na "Regine" ay ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Tugon niya, “@officialjuday Tara! Kulitin na natin! Hahaha!

“Miss you so much sis ko.

“I love you @reginevalcsid.”

Dagdag pa ni Sharon, “@officialjuday Pano yan sa bahay mo na lang?! Ngek! Hahaha!”

Hindi na sumagot si Judy Ann at wala ring komento si Regine.

Continue reading below ↓

Nagkasama sina Sharon at Judy Ann sa pelikulang Magkapatid noong 2012.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: "I've been getting ready to retire for another 2 decades."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results