Gretchen Barretto calls Claudine, Inday, Jay-Jay "my family"

by Arniel C. Serato
Oct 16, 2020
Gretchen Barretto tells her family she hopes to join them "next time." In photo are mom Inday (leftmost) and Gretchen's siblings Claudine (holding a cake) and Jay-Jay (second from right).
PHOTO/S: Courtesy: @gretchenbarretto / @claubarretto on Instagram

Ginunita ni Claudine Barretto ang unang anibersaryo ng kamatayan ng amang si Miguel Barretto kahapon, October 15.

Sa mga ibinahaging larawan ni Claudine, makikitang kasama niya sa pagdiriwang ang inang si Inday Barretto, kapatid na si Jay-Jay Barretto, at ilang kaanak.

Sabi niya sa caption, “1st year Death anniversary of my Dad.

Continue reading below ↓

“we terribly miss u Dad. its been 1year already & its hurts more & more each day.

“we luv u Daddy,forever & always, jjbarretto.”

Walang post sa Instagram si Gretchen Barretto ukol sa kamatayan ng ama.

Pero nagkomento siya sa post ni Claudine.

Unang komento ni Gretchen, “Hello my family.”

Continue reading below ↓

Nangako siyang sasama sa mga kapamilya sa ibang pagkakataon.

Sabi niya (published as is): “Ill join you next time.”

Sa hiwalay na Instagram post, ang pamangkin nilang si Julia Barretto ay nagbahagi ng mensahe para sa namayapang lolo.

Maiksing caption niya, “One year in heaven ???? I love you so much 9/29 you are in my thoughts everyday and I miss you so so much.”

Continue reading below ↓

Kahapon, October 15, nauna nang inalala nina Marjorie at Dani Barretto ang death aniversay ni Miguel.

THE FEUD AT THE WAKE

Hindi makakalimutan ng tao ang kamatayan at burol noon ng Barretto patriarch dahil sa gulong nangyari sa Heritage Memorial Chapels sa Taguig City.

Noong gabi ng October 16, 2019, nagkaroon ng engkuwentro ang magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine sa lamay.

Continue reading below ↓

Magkakampi noon sina Gretchen at Claudine laban kay Marjorie.

Nadamay sa gulo ang anak ni Jay-Jay na si Nicole nang pigilan umano nito si Gretchen na hablutin si Marjorie.

Nang sumunod na gabi, October 17, 2019, balitang nagkasakitan naman ang magkapatid na Marjorie at Claudine.

Diumano, dawit sa kumprontasyon ang anak ni Marjorie na si Julia.

still divided?

Hanggang ngayon, tila hindi pa rin naayos ang gusot nina Gretchen at Claudine laban kay Marjorie.

Sina Gretchen, Claudine, at Jay-Jay ang mahihinuhang may patuloy na komunikasyon.

Mukhang maayos din ang relasyon ni Gretchen sa inang si Inday mula nang magkapatawaran sila noong nakaraang taon.

Naulila ni Miguel Barretto ang kanyang maybahay na si Inday.

Pito ang kanilang mga anak—sina Mito, Michelle, Jay-Jay, Gia, Gretchen, Marjorie, at Claudine.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto tells her family she hopes to join them "next time." In photo are mom Inday (leftmost) and Gretchen's siblings Claudine (holding a cake) and Jay-Jay (second from right).
PHOTO/S: Courtesy: @gretchenbarretto / @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results