Fans kilig over Dominic Roque's birthday greeting to Bea Alonzo

by Arniel C. Serato
Oct 18, 2020
Bea Alonzo celebrates her 33rd birthday on October 17, 2020. And among the people who greeted her is Dominic Roque, the actress' rumored boyfriend.
PHOTO/S: Courtesy: @dominicroque on Instagram

Kinikilig ang mga celebrities at netizens sa pagbati ni Dominic Roque, 30, sa napapabalitang girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Nagdiwang ang aktres ng kanyang ika-33 kaarawan kahapon, October 17, 2020.

Sa Instagram post ni Dominic, makikita ang larawan nila ni Bea na nakatingin sa isa't-isa.

Hindi nakasaad kung kailan at saan kuha ang larawan.

Ang sabi lang ni Dominic sa caption, "Happy Birthday [face throwing a kiss emoji]."

Continue reading below ↓

Naka-tag si Bea sa post, at nag-react siya sa birthday greeting ni Dominic.

Aniya, "@dominicroque umabot! [face with tears of joy emoji]."

Samantala, ilan pang celebrities ang naki-join sa pagbati kay Bea.

Karamihan ay nag-drop ng red heart emojis.

Continue reading below ↓

Pati ang netizens ay kinilig din.

Continue reading below ↓

ARE THEY OFFICIALLY IN A RELATIONSHIP?

Wala pang pormal na pag-amin mula sa dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Pero, nitong nakaraang July 2020 lamang, panibagong clue na naman ang ibinigay ni Dominic na lalong nagpalakas sa hinalang may namamagitan sa kanila ni Bea.

Larawan ito ng dalawa na kuha sa kanilang biyahe sa Tokyo, Japan.

Hindi kita ang mga mukha nilang dalawa.

Caption ni Dominic dito: “tila ako’y nabighani… [heart emoji]"

Continue reading below ↓

Noong November 2019, nag-post din si Dominic ng larawan ng biyahe niya sa Japan.

Kasama niya si Bea at isang katrabaho mula sa Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN na nangangalaga sa career nila.

Tugma ang mga outfits nina Dominic at Bea sa dalawang posts, kaya nakumpirmang si Bea nga ang kasama ni Dominic sa July 2020 post nito.

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, ang tinutukoy ni Dominic sa kanyang caption na “tila ako’y nabighani” ay walang iba kundi si Bea.

Kung ita-tap ang photo, makikitang naka-tag si Bea rito.

Noon pa man, simula nang maglabasan ang mga clues na ito ukol sa gumagandang ugnayan ng dalawa, maraming fans ang masaya para sa kanila.

Pareho kasi silang single.

Ang huling nakarelasyon ni Bea ay si Gerald Anderson, ngunit naghiwalay sila noong July 2019.

Kaya isang taon at tatlong buwan nang single si Bea.

Wala namang napapaulat na karelasyon si Dominic.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo celebrates her 33rd birthday on October 17, 2020. And among the people who greeted her is Dominic Roque, the actress' rumored boyfriend.
PHOTO/S: Courtesy: @dominicroque on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results