PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Billy Crawford responds kindly to "maghihiwalay din kayo" comment of basher

Billy Crawford reiterates that relationship with Coleen Garcia is God-centered.
by Arniel C. Serato
Published Oct 27, 2020
Billy Crawford to netizen wishing ill on his relationship with wife Coleen Garcia: "Wag kang mag alala ipag dadasal namin ng asawa ko ang kabutihan mo.”
PHOTO/S: Courtesy: @billycrawford on Instagram

Imbes na magalit, positibo ang naging sagot ni Billy Crawford sa negatibong komento ng isang netizen sa larawan nila ng kanyang anak na si Baby Amari.

Noong October 24, nag-post ang Masked Singer Pilipinas host ng larawan nila ng one-month-old nilang anak ng asawang si Coleen Garcia.

Sabi ni Billy sa caption: “Our greatest strength lies in our most gentle moments!
Thank You Jesus for Your favor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento rito ang isang basher na "maghihiwalay" rin daw si Billy at ang ina ng kanyang anak "kapag sinubok kayo ng panahon."

Hindi naman nagpaapekto si Billy. Sa halip, isang positibong mensahe ang sagot ng TV host-singer.

Aniya, "first of all pag ang Panginoon ang na sa gitna ng relationship mo nothing can stop it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Second Etong panahon natin ng pandemia nag iisip ka pa ng dagdag negatibo sa mundo.”

Ipagdadasal din daw ni Billy ang pamilya ng basher.

“May God guide you and keep you and your family safe from harm.

“Wag kang mag alala ipag dadasal namin ng asawa ko ang kabutihan mo.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“PARA SA PAMILYA”

Mahalaga para kay Billy ang kanyang pamilya. Katunayan, ito ang dahilan kung bakit umalis siya sa ABS-CBN at lumipat sa TV5.

Nadiskaril ang karamihan sa talents at empleyado ng ABS-CBN matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application nito noong July 10, 2020.

Kailangan daw kasi ni Billy ng pagkakakitaan upang matustusan ang pangangailangan ng asawa at anak.

September 25 inanunsiyo ng TV5 na isa nang Kapatid si Billy mula sa pagiging Kapamilya.

Dalawang shows kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya ng network: ang Masked Singer Pilipinas at Lunch Out Loud.

Sa isang post niya sa Instagram tungkol sa kanyang ihu-host na Masked Singer Pilipinas, isang follower ni Billy ang kaagad nagpaabot ng pagbati.

Sagot ng 38-year-old TV host, “same here :) it’s for my family :)”

Mahigit dalawang taon nang kasal sina Billy at Coleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford to netizen wishing ill on his relationship with wife Coleen Garcia: "Wag kang mag alala ipag dadasal namin ng asawa ko ang kabutihan mo.”
PHOTO/S: Courtesy: @billycrawford on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results