Marco Gumabao recounts how he refused two-million peso indecent proposal

by Bernie V. Franco
Nov 9, 2020
Marco Gumabao on receiving an indecent proposal worth PHP2 million: “Actually, medyo inaway ko siya kasi medyo bastos siya. At nakilala ko na siya dati sa isang event."
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram

Dalawang milyong piso kapalit ng pagpo-pose nang nakahubad.

Isa raw ito sa indecent proposals na natanggap ni Marco Gumabao mula sa isang taong hindi niya pinangalanan.

Binasa at sinagot ng 26-anyos na aktor ang ilang tanong mula sa netizens sa isang YouTube vlog noong November 7, Sabado.

Usisa ng isang netizen kung may natanggap na bang indecent proposal ang aktor.

Kinumpirma ng aktor na meron, at inilahad ang isang proposal na hindi niya nagustuhan dahil nabastusan daw siya.

“May mga nakuha na ako dating mga indecent proposal, pero siguro yung pinaka nabastusan ako, yung pinaka hindi ko talaga nagustuhan, kung paano niya sinabi sa akin.

“Gusto niya akong mag-pose nang nude para sa isang photo shoot.”

Tinanong pa raw ni Marco ang taong tinutukoy niya kung para saan ang photo shoot.

May mga sexy photo shoot naman kasi si Marco para sa mga brand, kagaya ng isang clothing brand.

“Sabi ko, ‘Bakit? Para saan? Brand ba ito? Para saang magazine ba ito?’

Continue reading below ↓

“Sinabi niya sa akin, ‘Hindi, personal shoot lang.’

“Parang sabi ko, ‘Ah, okay.’ So, medyo gets ko na ang gustong sabihin ng taong iyon.”

Hinindian daw ng aktor ang offer, pero nagpumilit pa rin ang taong kausap niya.

“'Tapos nang sinabi ko sa kanya na parang hindi ko ginagawa yung ganoon, bigla siyang nag-offer.

“Sabi niya, ‘I’ll pay you two million pesos.’

"'Tapos sabi ko, ‘Alam mo, kahit gustuhin ko man tanggapin yung two million pesos mo, hindi ako ganoon kaya, wala…'

“Actually, medyo inaway ko siya kasi medyo bastos siya. At nakilala ko na siya dati sa isang event.

“Na-off talaga ako sa kanya. Sabi ko, ‘Nope.’”

Mensahe niya sa taong ito, “Eks, eks ka sa akin.”

CRIED BECAUSE OF LOVE

Sinagot din ni Marco ang tanong kung napaiyak na ba siya ng isang babae.

Pagkumpirma ni Marco, “Oo. Sa totoo lang, hindi talaga ako masyadong iyakin.

“Pero recently, parang medyo naging iyakin ako. Hindi naman siya iyak dahil heartbroken or dahil nabasted ako.

Continue reading below ↓

“Parang naiyak ako because of love.”

Hindi na nag-elaborate si Marco tungkol sa paksang ito.

Samantala, nito ring Sabado, kasabay na lumabas ng video ni Marco ang YouTube video ni Julia Barretto.

Guest ni Julia sa kanyang vlog si Marco.

Dito ay pinag-usapan na nagtapat noon ng pagtatangi si Marco kay Julia, mga bandang 2015.

Bagamat pinuri ni Julia ang pagtatapat ni Marco, hindi pa raw handa noon ang aktres na may pinagdaanang heartbreak.

Noong 2018 naman, kumalat sa social media ang video kung saan makikitang very sweet sina Marco at Janella Salvador habang nasa isang restobar.

Bagamat hindi nakikita ang kanilang mga kamay, mahihinuhang tila magkahawak kamay sina Janella at Marco sa ilalim ng lamesa.

Kitang kita rin ang closeness ng dalawa at magkadikit habang nag-uusap nang masinsinan.

Pero hindi nagtagal ay naglabas ng pahayag ang dalawa at nilinaw na magkaibigan lang ang kanilang turingan.

Continue reading below ↓

(Marco Gumabao and Janella Salvador's paparazzi photos that went viral in 2018)

Sa ngayon ay nali-link si Julia kay Gerald Anderson, habang karelasyon na ni Janella si Markus Paterson.

Napaulat din dito sa PEP.ph ang tungkol sa pagbubuntis ni Janella sa anak nila ni Markus.

Samantala, walang pang napapaulat na karelasyon ngayon si Marco.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao on receiving an indecent proposal worth PHP2 million: “Actually, medyo inaway ko siya kasi medyo bastos siya. At nakilala ko na siya dati sa isang event."
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results