Muling ipinaramdam ni Jake Zyrus ang kanyang pagmamahal sa fiancée na si Shyre Aquino.
Sa kanyang Instagram kagabi, December 10, nag-post ang 28-year-old transman singer ng larawan nila ni Shyre.
Nilapatan niya ito ng caption sa salitang Cebuano.
Saad ni Jake, “Gihigugma ko ikaw [Minamahal kita].”

Tumugon naman dito ang nurse na girlfriend ng singer.
Sabi ni Shyre, “Gihigugma pud tika [Minamahal din kita].”

Si Shyre ay ipinakilala ni Jake sa publiko sa pamamagitan ng Instagram post noong August 2017.
Ayon sa singer, na dating nakilala sa pangalang Charice Pempengco, malaki ang naging bahagi ni Shyre upang tuluyan siyang mag-come out bilang transgender man.
Mensahe pa niya noon tungkol kay Shyre, "You deserve all these good comments. They don't even know who you really are as a person.
"To all of you, this woman makes me feel good about myself.
"She's the reason I stopped hating myself because of what other people think/say about me.
"Other than her outer beauty, her inner beauty is one of the many reasons why I adore her.
"She's patient, funny and humble. Thanks for complimenting her. It makes me feel very proud. She's a really good human being."
MARRIAGE, BABY PLANS
Kinumpirma ni Jake na engaged na sila ni Shyre noong November 2018.
Noong panahong iyon, nagsasama na ang dalawa sa iisang bubong.
Sabi pa niya tungkol sa kanilang engagement, “If somebody asked, of course, we say [yes]. Pero actually, this is the first time I confirmed [it]."
Hindi nagbigay ng detalye si Jake kung ano ang petsa ng kanilang engagement. Nais daw kasi niyang gawing pribado kahit papano ang kanilang love life.
Paliwanag niya, “Sa akin naman, I think, give that information sa amin. Kasi, we enjoy na parang may mga information na hindi alam ang ibang tao.
“Yun ang iba sa relationship na ito… and I enjoy it very much, and I realized it’s so much that it makes me feel so happy.
"So, parang masaya ako na alam niyo, but I’m also happy that we have some things na sa amin lang.”
Sa isa pang panayam, sinabi ni Jake na si Shyre na ang “the one” para sa kanya.
Aniya, “Yung relationship namin, totally different from the past.
"Kasi, usually, di ba, when you’re in a relationship, like, first year, pabebe ka pa.
"But I believe, actually, first month pa lang ng relationship namin, talagang naging kumportable na ako sa kanya.
"Parang sa bahay pa lang, parang naisip ko na—sinabi ko sa kanya yun, actually—na, ‘Bakit ganun? Parang one month pa lang tayo, pero parang taon na kita kilala?’ Dun ko na-realize.
“Plus, everything was like perfect timing.
“She came into my life na before ako nag-transition and she was there with me all the time…
“Actually, nung nag-top surgery ako, siya yung nag-alaga sa akin.”
Handa rin ba silang sumailalim sa in-vitro vertilization (IVF) para magkaroon ng sariling anak?
“In all honesty, wala pa kami doon,” pag-amin ni Jake.
“Kumbaga, parehong desisyon namin… We always talk about that kasi isa sa pinakaimportante sa relationship, we always have to be open with each other.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
