PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former beauty queen Jewel May Lobaton still longing for her sons with ex-husband Senator Koko Pimentel

"Yung bond ng isang biological mom, the real mom will never be broken."
by Glenn Regondola
Published Dec 23, 2020
jewel may lobaton children
Bb. Pilipinas-Universe 1998 Jewel May Lobaton on her sons with ex-husband Senator Koko Pimentel: "Yung bond ng isang biological mom, the real mom will never be broken. Kahit ano pa ‘yan. At pag nagkita kami, and I’m hoping na magkita kami, walang mawawala. Mahal ko sila, at mahal na mahal din nila ako."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Inamin ni Bb. Pilipinas-Universe 1998 Jewel May Lobaton na matagal na niyang hindi nakakasama ang dalawang anak na lalake mula sa dating asawang si Senator Koko Pimentel.

January 2018 nang ma-grant ang annulment na kanilang kasal matapos silang official na maghiwalay noong 2012.

Pagkatapos nilang maghiwalay ay pinakasalan ni Senator Pimentel si Kathryna Yu noong October 2018. Mayroon na silang isang supling.

Samantala, si Jewel naman ay nag-concentrate sa kanyang negosyo at mayroon na rin siyang sariling buhay.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jewel sa product launch ng kanyang beauty-and-wellness business na Jewel Beauty Strong sa Grand Hyatt Manila, Makati City, noong December 21, muli siyang nagpahayag ng pangungulila sa mga anak.

Saad ng dating beauty queen, "A lot of things have changed in me.

“Parang napakaano ko na ngayon, napaka-strong. It’s really strong kasi dahil sa pinagdaanan ko.

“Then, I came out to be able to do something more for others.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang sabi ko, 'Lord, I have to give a tap on my shoulder, on my back. On my heart.’

“Nakayanan ko, nakayanan ko siya, dahil hindi ako yung taong nag-give up.”

Hindi itinanggi ni Jewel na nangungulila siya sa kanyang mga anak na nasa poder ng dating asawa.

“I am very inspired for the children that I have. Hindi ko pa rin nakikita.

“But I hope one day, as I do this forward, I would be able to reach them. So, yun,” saad niya.

Ibig bang sabihin nito ay malungkot ang selebrasyon ng Pasko niya sa taong ito?

Sagot ni Jewel, “Hindi naman, no naman.

“Kasi naman, basta… masaya ako, e. Basta, masaya lang talaga ako.

“I have a family, I have someone who loves me.”

Hindi naman daw naputol ang communication niya sa kanyang mga anak.

Diin ng beauty queen-enterpreneur, “Oo, I find a way. I find a way kahit bawal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"One time, we bumped into each other sa mall.

“Malungkot, pero kailangang lampasan mo yung lungkot, kasi I’m doing this for them.

“So, kailangang lampasan, lampasan, lampasan every day.

“I miss them, and I love them. What I’m doing is for them.”

Kumusta ang mga anak niya kay Senator Pimentel?

Nakangiting sagot ni Jewel, “A, their okey.

“Actually, the last time we accidentally had a meet up… alam mo kasi, yung bond ng isang biological mom, the real mom, will never be broken. Kahit ano pa ‘yan.

“At pag nagkita kami, and I’m hoping na magkita kami, walang mawawala.

“Mahal ko sila, at mahal na mahal din nila ako.

“Mga bata pa so they can do anything.”

Kaya nga raw naisipan niyang magnegosyo ng isang beauty product, para mas lalo siyang maging abala at makatulong na rin sa mga empleyado niyang naapektuhan ng pandemya.

Saad ni Jewel, “Na-displaced, ang daming nangyari sa akin nung pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Part of displacement is this one. You’ve got to focus.

"Mahirap ang pandemic. Pero dahil sa pandemic, naging busy ako dito sa Jewel Beauty Strong, so I am blessed."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bb. Pilipinas-Universe 1998 Jewel May Lobaton on her sons with ex-husband Senator Koko Pimentel: "Yung bond ng isang biological mom, the real mom will never be broken. Kahit ano pa ‘yan. At pag nagkita kami, and I’m hoping na magkita kami, walang mawawala. Mahal ko sila, at mahal na mahal din nila ako."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results