Korina Sanchez claps back at basher who called her “bruha”

by Arniel C. Serato
Jan 4, 2021
Korina Sanchez bruha
Korina Sanchez to her new basher: "1 follower? Nag-sarado ka na ng tindahan troll.”
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Bago dumating ang Bagong Taon, may humabol pang basher si Korina Sanchez na nakatikim ng malutong na “bruha” mula sa TV5 anchor.

December 29, 2020, nag-post si Korina sa Instagram ng isang “Uber charming restaurant” na kanyang nadiskubre sa Tagaytay.

Isang netizen ang nagkomento ng pang-asar kay Korina.

Sabi nito: “bruha is in the house. wheres your broom?”

Continue reading below ↓

Hindi ito pinalusot ng 56-year-old TV personality.

Tugon ni Korina sa netizen: “Nawawala ang broom ko. Padala ka saken.

“Diba ikaw Yung bruha supplier dahil ikaw ang pinaka bruha sa lahat?

“1 follower? Nag sarado ka na ng tindahan troll (thumbs down emoji)”

BRUHA SLAYER

Mayo ng taong 2020 nagsimulang sumagot sa mga bashers si Korina.

Continue reading below ↓

Dito na rin niya sinimulang tawagin ang kanyang bashers na “bruha.”

September 2020, nagsimula nang bansagan ng netizens si Korina bilang “bruha slayer” na tila aprubado naman ng broadcaster.

Aminado siyang ang pagbasura ng Kongreso sa franchise application ng ABS-CBN ang isa sa mga dahilan kung bakit pumatol siya sa bashers.

Below the belt na raw kasi masyado ang komento ng mga ito laban sa dating istasyong pinaglilingkuran.

Pahayag naman niya kay Vice Ganda sa Gabing Gabi Na Vice vlog noong October 2020, kinikilatis daw niya ang kanyang bashers. Kung trolling lamang daw ang ginagawa ng mga ito ay talagang papatulan niya.

Aniya, “Alam mo, dapat pagka merong nagba-bash sa 'yo, ginawa ko nang ugali na titingnan ko yung profile pic.

“Yung profile pic, yung kanilang one-liner, yung kadalasan, 'yan, troll 'yan.

“At kung troll, wala halos follower at iilan lang ang post.

"Pagka ganun, nilalaro ko na lang sila. Para maaliw nang konti ang mga followers ko.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez to her new basher: "1 follower? Nag-sarado ka na ng tindahan troll.”
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results