Crisha Uy recalls ex-boyfriend who told her "hindi na kita mahal"; is it Joem Bascon? 

by Rachelle Siazon
Jan 5, 2021
Tampok ng usap-usapan sa social media ang pagkaungkat ng nakaraan ng dating magkasintahang Crisha Uy at Joem Bascon. Sa isang vlog, naalala ni Crisha ang isang ex-boyfriend na bigla na lamang bumitiw sa kanilang relasyon.
PHOTO/S: @crishauy Instagram / Noel Orsal for PEP.ph

Inamin ni Crisha Uy na ang "biggest fear" niya sa pakikipagrelasyon ay yung malamang ang kanyang kasintahan ay "hindi ka na mahal bigla, yung ayaw na niya."

Naranasan na raw kasi niyang masabihan ng dating boyfriend na wala na itong nararamdaman para sa kanya.

Balik-tanaw ni Crisha, "Yes, sinabi niya talaga, 'Hindi na kita mahal.'"

Nagulat daw si Crisha nang marinig ang mga katagang iyon sa kanyang nobyo noon.

Nagmakaawa ba siya sa kanyang boyfriend na maging sila pa rin?

Sagot ni Crisha, "Hindi, e. Hindi siya nagmakaawa... Sinabi ko lang baka pwedeng ayusin."

Kaswal na sinabi ito ni Crisha sa vlog ng kanyang kaibigang DJ-vlogger na si Klariz Magboo, aka Gandang Kara.

December 29, 2020 ang petsa ng vlog kunsaan sinagot nina Crisha at Klariz ang mga piling tanong mula sa kanilang followers sa social media.

Sa mga sumunod na salita ni Crisha, tila lubusan na niyang natanggap ang pagkabigo noon sa pag-ibig.

Continue reading below ↓

Aniya, "Pero alam mo, mabuti rin minsan na maghiwalay kasi meron pang better person for you."

Nanindigan din si Crisha na "imposible" na mapagod siyang magmahal dahil naniniwala siyang "kaya tayo nabubuhay ay para magmahal."

Si Crisha ay isang YouTube vlogger na dating longtime girlfriend ng aktor na si Joem Bascon.

VIRAL REACTIONS OF NETIZENS TO CRISHA'S PAST WITH JOEM

Ilang araw matapos ang vlog nina Crisha at Klariz, naungkat ang breakup nina Crisha at Joem.

Pagpasok kasi ng Bagong Taon, noong January 1, 2021, nakumpirmang nagkabalikan sina Joem at ex-girlfriend nitong si Meryll Soriano.

Sa pamamagitan ng Instagram post, inanunsiyo ni Meryll ang pagkakaroon nila ni Joem ng newborn baby.

Ito ang unang pagkakataong umamin si Meryll tungkol sa kanila ni Joem isang taon mula nang lumabas ang balitang sila na uli.

Bunsod nito, napaisip daw ang netizens na si Meryll ang pumalit kay Crisha sa puso ni Joem.

Continue reading below ↓

Marami sa kanila ay pinanood muli ang vlog ni Crisha noong January 10, 2020.

Todo-luha roon si Crisha habang madamdaming isinalaysay ang pagtatapos ng relasyon nila ng aktor.

Ilan sa mga bagong comments sa January 2020 vlog ni Crisha:

Continue reading below ↓

May iba ring netizens ang nagbahagi ng kanilang opinyon tungkol sa pagkasawi ni Crisha sa pag-ibig noon.

Nag-viral pa ang isang mensahe ng netizen na masakit isiping sa tagal nina Crisha at Joem ay nauwi lang sa wala ang kanilang relasyon.

May mga nagpayo rin naman kay Crisha na bigo man siya noon sa pag-ibig, pasasaan ba at mahahanap din niya ang tamang lalaki para sa kanya.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

CRISHA UY AND JOEM BASCON'S BREAKUP

Ano nga ba ang dahilan ng hiwalayan noon nina Crisha at Joem?

November 23, 2019 nang naiulat sa PEP Troika ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa hiwalayan nina Joem at Crisha.

Kasabay nito ang bali-balitang pagbabalikan nina Joem at Meryll Soriano, pero walang direktang kumpirmasyon mula sa mga ito.

Ayon sa PEP Troika, isang malapit kay Joem ang nagsabing "labas" si Meryll sa kung anumang dahilan ng breakup nina Joem at Crisha.

Makalipas ang halos isang buwan, noong December 17, 2019, inamin ni Joem na siya ang nag-initiate na tuldukan ang walong taong pagsasama nila ni Crisha.

Sa panayam ng PEP.ph at ibang reporters, sabi ni Joem: "Kasi kapag pinilit, lalo na on my side, siguro mas gugulo pa. Mas magiging magulo.

"So, I guess, hanggang doon ko lang talaga kaya at hindi na i-continue...

"Hanggang dun lang talaga."

Nanindigan din noon si Joem na hindi third party ang dahilan ng breakup nila ni Crisha.

Continue reading below ↓

Ani Joem, walang ibang dapat sisihin kundi siya lamang.

January 10, 2020, sa pamamagitan ng kanyang vlog, naluluhang idinetalye ni Crisha ang kanyang saloobin tungkol sa pagtatapos ng walong taong relasyon nila ni Joem.

Hindi na raw siya mahal ng nobyo.

Sabi ni Crisha: "Mahirap sabihin, pero wala na tayong magagawa if he fell out of love.

"Hindi ko naman pwedeng pilitin yung tao na hindi na ako mahal.

"Mahirap tanggapin, pero kailangan mong tanggapin."

Aminado si Crisha na lumikha ng kontrobersiya ang hiwalayan nila ni Joem.

Pero giit ni Crisha, ayaw niyang panghimasukan pa kung nakahanap man agad ng bagong pag-ibig si Joem.

"Kung may minahal siya agad pagkatapos, it's not really my business anymore.

"Kasi dun lang ako sa parte ng buhay niya na involved ako...

"If you see him na may kasamang iba, it's not my concern anymore."

Umalis si Crisha sa lugar na tinirhan nila noon ni Joem, at lumipat ng panibagong tahanan para magsimulang muli.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, tikom ang bibig ni Crisha kung may bago nang nagpapatibok ng kanyang puso.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok ng usap-usapan sa social media ang pagkaungkat ng nakaraan ng dating magkasintahang Crisha Uy at Joem Bascon. Sa isang vlog, naalala ni Crisha ang isang ex-boyfriend na bigla na lamang bumitiw sa kanilang relasyon.
PHOTO/S: @crishauy Instagram / Noel Orsal for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results