NBI extracts urine samples from Christine Dacera’s remains

by Arniel C. Serato
Jan 12, 2021
Christine Dacera NBI investigation
Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra gives update on Christine Dacera (above photo) case: "I was informed that the NBI was able to extract about 100 (milliliters) of urine from the subject’s body. It could provide a lot of information to the forensic team."
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram

Nakakuha ang National Bureau of Investigation (NBI) ng 100 milliliters (ml) urine samples mula sa katawan ng namayapang flight attendant na si Christine Dacera.

Isinagawa ng NBI ang second autopsy sa mga labi ni Christine sa General Santos City, noong Sabado, January 9, isang araw bago ang libing ng dalaga noong Linggo, January 10.

Sa ulat ng Philippine News Agency (PNA) ngayong araw, January 12, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na malaki ang magiging tulong ng urine samples sa imbestigasyon ng ahensiya sa kamatayan ni Christine.

Saad ng DOJ head, “I was informed that the NBI was able to extract about 100 (milliliters) of urine from the subject’s body.

“It could provide a lot of information to the forensic team.

“The results of the laboratory examination may come out in a few days.”

Sa paunang autopsy na ginawa ng Crime Laboratory Office ng Southern Police District sa mga labi ni Dacera, lumabas na ang sanhi ng pagkamatay ng dalaga ay “ruptured aortic aneurysm."

Continue reading below ↓

Si Christine ay natagpuang wala nang buhay sa isang kuwarto sa City Garden Grand Hotel, sa Makati City, noong January 1, 2021.

Unang idineklara ng Makati Police na “rape-slay” ang nangyari kay Dacera matapos sampahan ang 11 respondents ng provisional rape with homicide sa Makati Prosecutor’s Office.

Sinabi rin noon ni Philippine National Police Chief General Debold Sinas na “case closed” na ito.

Dahil dito, nabatikos nang husto ang pamunuan ng PNP dahil sa kanilang ura-uradang pronouncements.

Wala pa rin umanong matibay na ebidensiya ang pulisya laban sa respondents kaya inutusan ng Makati Prosecutor’s Office ang PNP na magsagawa pa ng malawakang imbestigasyon upang maging pulido ang kaso.

DEPARTMENT ORDER NO. 006

Dahil sa pangyayari, nag-isyu si Secretary Guevarra ng Department Order No. 006 sa NBI noong Huwebes, January 8, “to conduct an investigation on the death of Christine F. Dacera, who died on 1 January 2021 in Makati City and, if evidence warrants, to file the appropriate charges against all persons involved and found responsible for any unlawful act in connection therewith.”

Continue reading below ↓

Kahapon, January 11, sinabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na mayroon silang nakalap na “very encouraging evidence” sa kaso.

Ayon kay Lavin, may krimeng naganap noong New Year’s Eve party na idinaos ni Dacera at ilang mga kaibigang lalaki simula gabi ng December 31, 2020 hanggang madaling-araw ng January 1, 2021.

Mga bandang alas-dose ng tanghali noong Bagong Taon nang matuklasan ng mga kasamahan ni Dacera ang kanyang walang buhay na katawan sa bathtub ng Room 2209.

Labing-isang respondents ang nakatakdang sumalang sa preliminary investigation ng Makati Prosecutor’s Office bukas, January 13.

Sila ay sina John Paul Halili, Gigo de Guzman, Valentine Rosales, John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, at Ed Madrid.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra gives update on Christine Dacera (above photo) case: "I was informed that the NBI was able to extract about 100 (milliliters) of urine from the subject’s body. It could provide a lot of information to the forensic team."
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results