New witness in Christine Dacera case comes forward

by Arniel C. Serato
Jan 15, 2021
Jake Esteron Christine Dacera case
The National Bureau of Investigation (NBI) operatives led by Deputy Director Ferdinand Lavin (leftmost) fetched another person of interest in Tacloban City, Leyte today, January 15. Jake Esteron (center, in NBI jacket) is allegedly one of the occupants in Room 2207 of City Garden Grand Hotel in Makati where Christine Dacera was found lifeless on January 1, 2021.
PHOTO/S: Courtesy: SMNI News on Facebook

Umabot na sa labintatlo (13) ang bilang ng persons of interest na kabilang sa mga nasa Room 2207 noong New Year’s Eve party ng grupo nina Christine Dacera.

Isang lakaki ang lumitaw upang maging saksi umano sa kaso ng pagkamatay ng 23-year-old flight attendant.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Ferdinand Lavin, nagpasundo pa raw ang lalaki sa Tacloban City, Leyte, ngayong araw din.

"Yeah, personally nagpasundo ito sa kanila sa Tacloban. Ito ay lumalabas na panglabing-tatlo ito, sa Room 2207," pahayag ni Lavin sa panayam ng PTV News ngayong araw.

Sabi pa ng NBA deputy director, tumawag daw ang abugado ng lalaki at nag-request na sunduin ang kanyang kliyente dahil natatakot umano ito.

Dagdag ni Lavin, "Malaking tulong ito. Titingnan namin yung consistency ng kanilang statements."

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na panayam ng SMNI News, sabi ni Lavin, "Well at least it completes the picture ‘no, in so far as 2207 is concerned.

“We have accounted for them. Lahat sila, nandiyan na.”

JAKE ESTERON

Sa ulat ng SMNI ay pinangalanan nila ang lalaking magiging saksi sa Christine Dacera case.

Ito ay kinilalang si Jake Esteron.

Sa Facebook account ni Jake, mababasa sa kanyang information sheet na "freelance actor" at "model" siya sa ABS-CBN at GMA.

Sabi pa sa report ng SMNI: "Lulan ng Philippine Airlines flight PR-2986, kasama ni Esteron na lumapag sa NAIA - Terminal 2 ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pangunguna ni Deputy Director Ferdinand Lavin."

SMNI News on Jake Esteron

Continue reading below ↓

Sasailalim din daw si Esteron sa regular procedures katulad ng pagkuha ng kanyang salaysay, drug test, at lie detector test.

Ngayon araw, isinagawa ang lie-detector test sa labindalawang iba pang persons of interest sa opisina ng NBI. Kabilang dito ang basketball player na si Justin Rieta.

Isa si Rieta sa persons of interest na pumunta sa NBI kahapon, January 14, para sa imbestigasyon sa kamatayan ni Dacera.

Continue reading below ↓

Hindi naman tinukoy ng NBI ang labing-isa pang persons of interest.

DEVELOPING STORY

Gumugulong pa rin hanggang sa ngayon ang imbestigasyon ng Makati PNP at NBI sa kaso ni Christine.

May nakuhang urine samples ang NBI sa second autopsy sa katawan ni Dacera, pero kasalukuyan pa itong isinasailalim sa confirmatory tests.

Hinihintay pa rin ng dalawang ahensiya ang laboratory tests ng Makati Medical Center kay Dacera noong isinugod ito doon noong nakaraang January 1, 2021.

Nagsagawa na rin ng unang preliminary hearing ang Makati Prosecutor’s Office noong January 13.

Sa January 27 gagawin ang second preliminary investigation ng Prosecutor’s Office.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The National Bureau of Investigation (NBI) operatives led by Deputy Director Ferdinand Lavin (leftmost) fetched another person of interest in Tacloban City, Leyte today, January 15. Jake Esteron (center, in NBI jacket) is allegedly one of the occupants in Room 2207 of City Garden Grand Hotel in Makati where Christine Dacera was found lifeless on January 1, 2021.
PHOTO/S: Courtesy: SMNI News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results