Sunud-sunod ang intrigang kinahaharap ngayon ni Derek Ramsay matapos ang hiwalayan nila ni Andrea Torres.
May kinalaman ito sa magkasunod na sightings ni Ellen Adarna sa bagong gawang bahay ni Derek sa Ayala Alabang, Muntinlupa.
Kagabi, January 18, spotted muli si Ellen sa bahay ni Derek habang ini-interview ang aktres ng TV5 anchors na sina MJ Marfori, Jove Francisco, Chiqui Vergel, at Marga Vargas.
Ang panayam ay para sa promo ng upcoming sitcom nina Ellen at John Estrada, ang John En Ellen.
Ang rason ni Ellen kung bakit nasa bahay siya ni Derek ay dahil magkapitbahay sila ng aktor.
Noong January 11, isang dinner party ang hinost ni Derek para sa mga kaibigan sa showbiz na sina Ruffa Gutierrez, Ellen, at ilan pang personalities.
Nilagyan ito ng malisya ng netizens dahil parehong single sina Derek at Ellen.
Last quarter ng 2020 pumutok ang hiwalayan nina Derek at Andrea, samantalang taon na mula nang maghiwalay si Ellen at ang aktor na si John Lloyd Cruz.
Sa kanyang Instagram ngayong araw, January 19, nag-post si Derek ng isang photo message para sa mga taong marahil nakarinig na ng intriga sa kanya.
Nakasulat ang mensahe sa larawan ng Hollywood actor na si Brad Pitt mula sa isang pelikula.
Mababasa rito: “Whatever you hear about me please believe it.
“I no longer have time to explain myself. You can also add some if you want.”
Wala siyang inilagay na caption ukol dito.

"WAG KASI BABAERO"
Marami ang naghayag ng suporta sa post na ito ng aktor.
May isang netizen ang nagsabing i-block na raw ng aktor ang mga taong may harsh comments laban sa kanya.
Pero para sa aktor, karapatan nila iyon at hindi naman daw ito nakakaapekto sa kanya.
Sabi ng netizen, "u need to start blocking people making rude and inappropriate comments D"
Tugon ni Derek, "@annemarie.lopez25 let them be. They have the right to express their opinion"

Pagtatanggol pa ng isa, "@ramsayderek07 but they don’t have the right to insult you"
Sagot ni Derek, "@wellarsh17 true. Let’s be understanding nalang."

Biro ng isa pang netizen, "Wag kasi babaero (laughing emoji)"
Sagot ng aktor, "(laughing emoji) Wag ka kasi mag assume"

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
