Julia Montes shows support for Coco Martin's new project

by Rachelle Siazon
Feb 6, 2021
Julia Montes helps promote upcoming digital movie of rumored boyfriend Coco Martin.
PHOTO/S: @montesjulia08 / CTTO via @mr.cocmartin Instagram

Simple ang pagpakita ng suporta ni Julia Montes, 25, sa bagong proyektong pagbibidahan ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin, 39.

Sa kanyang Instagram Stories noong February 2, nag-post si Julia ng video ng trailer ng Love or Money, ang pelikulang pinagbibidahan nina Coco at Angelica Panganiban.

julia montes ig story: Coco martin movie Love or Money trailer

Tanging caption ni Julia ay promo ng playdate ng pelikula sa March 12.

Continue reading below ↓

julia montes ig story: Coco martin movie Love or Money trailer

Hindi kaila sa publiko na matagal nang nauugnay sina Julia at Coco.

Walang direktang kumpirmasyon mula sa kanila, pero kinakikiligan ng kanilang avid fans ang mga pagkakataong nagpapahiwatig si Julia ng pagsuporta sa mga proyekto ng aktor.

Consistent din si Julia sa pag-post ng litrato ni Coco sa tuwing kaarawan ng Kapamilya actor, tulad noong November 1, 2020.

Continue reading below ↓

julia montes greeting on coco martin birthday

JULIA AND HER DIAMOND RING

Noong buwan ng October at November 2020, napansin ng mapanuring netizens ang diamond ring na suot ni Julia sa ilan sa kanyang Instagram photos.

Kung minsan ay nakatago ang diamond stone at tanging ang white gold band ring lang ang makikitang nakasuot sa left ring finger ni Julia.

Continue reading below ↓

Pero may mga pagkakataon ding nakalabas ang diamond stone sa mga litratong pinu-post niya sa Instagram.

Bunsod nito, may ibang netizens ang napatanong kung engaged na raw ba si Julia, dahil karaniwang style ng engagement ring ang ring band na may malaking diamond stone.

Karaniwan ding sa left ring finger isinusuot ang isang engagement ring.

Tikom ang bibig ni Julia ukol dito.

julia montes engagement ring

Continue reading below ↓

REPORTED PREGNANCY

Hanggang ngayon ay wala ring direktang kumpirmasyon mula kay Julia o kay Coco tungkol sa balitang mayroon silang anak.

December 2018 nang maging usap-usapan ang pagbubuntis umano ni Julia at sinasabing si Coco ang ama. Dalawang buwan pa lamang noon mula nang matapos ang afternoon primetime series ni Julia na Asintado.

Dinenay ni Coco ang isyu noon.

Noong April 2019, naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kumpirmasyon mula sa ilang showbiz insiders tungkol sa panganganak ni Julia sa Manila.

Ito ay matapos ang ilang buwang pananatili ni Julia sa Germany kasama ng German father niyang nakabase roon.

Lumipas ang panahon at nagbalik-trabaho si Julia sa ABS-CBN weekly series na 24/7 noong February 2020. Na-suspend iyon dahil sa hindi inaasahang COVID-19 pandemic.

Si Coco ay nanatili ring pribado sa usaping love life. Mas pinipili niyang tutukan ang trabaho sa teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano, na patuloy na umeere sa A2Z, cable channels, at digital platforms ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Noong December 2020, naging tampok ng usap-usapan ang feeding bottle na kita sa litrato ni Coco habang naghahanda ito ng ilulutong roasted pig.

Makikita iyon sa isang fan account sa Instagram.

Nabuhay ang mga katanungan ng netizens hinggil sa napabalita noong pagkakaroon ng anak nina Coco at Julia.

Pero walang pahayag si Coco hinggil dito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Montes helps promote upcoming digital movie of rumored boyfriend Coco Martin.
PHOTO/S: @montesjulia08 / CTTO via @mr.cocmartin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results