Ex-lovers Bea Alonzo, Gerald Anderson write same caption in Instagram posts

by Arniel C. Serato
Feb 8, 2021
Bea Alonzo Gerald Anderson twinning captions Instagram
Netizens wonder if Gerald Anderson stalked ex-girlfriend Bea Alonzo's Instagram account.
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo / @andersongeraldjr on Instagram

Nagkataon lang ba o may kumopya ng caption?

Ito marahil ang tanong ng maraming netizens na nakabasa at nakakita ng magkaibang posts pero parehong caption ng ex-couple na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Noong January 7, nag-post si Bea sa Instagram ng larawan niya na naka-scarf at orange sunglasses.

Sabi niya sa caption: “Trust the timing of your life”

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Kahapon, February 7, o eksaktong isang buwan makalipas ang post ni Bea, si Gerald naman ang nag-post ng kanyang mga larawan na kuha sa pagmamay-ari niyang private resort sa Zambales.

Caption niya rito: “Trust the timing of your life”

Coincidence o nagkataon lamang?

Komento ng isang netizen sa post ni Gerald, naghihintay lang ba ang aktor ng right timing para aminin sa wakas ang relasyon nila ni Julia Barretto?

netizen mentions julia barreto in the issue

Continue reading below ↓

Sumagot naman ang isang netizen sa naturang komento. Ayon dito, kasama raw ni Gerald si Julia sa resort ng aktor.

Aniya, “actually he is with Julia there.. seing them together im from that place where he built his resort”

netizen claims gerald was with julia

Komento pa ng isa, “Gaya gaya amp HAHAHAHA”

netizen calls gerald anderson gaya-gaya

Continue reading below ↓

Dagdag ng isa pa, baka raw nang-stalk si Gerald sa account ni Bea.

netizen calls gerald a stalker of bea alonzo

Matagal nang usap-usapang may relasyon talaga sina Gerald at Julia, pero hindi pa nila ito inaamin sa publiko.

Si Julia ang itinuturong third party sa hiwalayan nina Bea at Gerald noong July 2019.

BEA-DOMINIC RIGHT TIMING?

Sa kaso ni Bea, naghihintay rin lang ba siya ng tamang timing upang aminin na ang totoong relasyon nila ni Dominic Roque?

Continue reading below ↓

Nitong nakaraang linggo, spotted sina Bea at Dominic na magkasamang nagbakasyon sa Amanpulo, Palawan.

Pero hindi pa rin sila nagpu-post ng larawan nilang magkasama sa nasabing world-class resort.

February 2020, spotted din sina Bea at Dominic na magkasama sa isang family gathering.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens wonder if Gerald Anderson stalked ex-girlfriend Bea Alonzo's Instagram account.
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo / @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results