John Lloyd Cruz’s photo with Ben&Ben’s Paolo Guico excites fans over a possible “collab”

by Jet Hitosis
Feb 13, 2021
Paolo Benjamin Guico, John Lloyd Cruz
Ben&Ben singer Paolo Benjamin Guico (left) on February 12 tweets his selfie with Kapamilya actor John Lloyd Cruz (right). His caption reads: "may dumalaw sa ben&ben house."
PHOTO/S: @PaoloBenjamin_ on Twitter

Malaking palaisipan sa netizens kung ano ang sinadya ni John Lloyd Cruz sa bahay ng lead singers ng indie folk-pop band na Ben&Ben.

Ang kambal na sina Paolo Benjamin Guico at Miguel Benjamin Guico ang lead singers at guitarists ng Ben&Ben.

Sila ang nagpasikat ng mga kantang “Maybe The Night,” “Kathang Isip,” “Leaves,” “Ride Home,” at maraming iba pa.

Nitong Biyernes, February 12, ipinost ni Paolo sa Twitter ang selfie niya kasama si John Lloyd.

Ang laki ng pagkakangiti ng 37-year-old Kapamilya superstar, na nakasuot ng white shirt, na may nakasabit na sunglasses sa harapan, brown cap, at may black string bag sa likuran.

Caption ni Paolo (published as is): “may dumalaw sa ben&ben house.”

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD cruz-BEN&BEN COLLAB

Sa comments section, maraming Twitter followers ni Paolo ang nag-usisa kung bakit magkasama sila ni John Lloyd.

At ang Ben&Ben pa talaga ang dinayo ng Kapamilya actor.

Dahil hindi sinagot ng singer ang mga nanghihingi ng detalye tungkol sa dahilan ng pagbisita ng multi-awarded actor, nagkani-kanya tuloy ng Ispekulasyon ang netizens.

Posible raw kayang may collaboration si John Lloyd sa Ben&Ben?

Curious na tanong ng isang Twitter user, magko-collab daw ba ang banda at ang aktor para sa “Movie? MV? Vlog? Movie Soundtrack?”

netizens speculate on possible John Lloyd Cruz, Ben&Ben collab

Continue reading below ↓

netizens speculate on possible John Lloyd Cruz, Ben&Ben collab

netizens speculate on possible John Lloyd Cruz, Ben&Ben collab

Continue reading below ↓

netizens speculate on possible John Lloyd Cruz, Ben&Ben collab

Ang isang obvious na fan ni John Lloyd, may request kay Paolo: “Sana po kayo kumanta ng soundtrack ng comeback movie nya.”

fan wishes Ben&Ben to sing JLC comeback movie

Continue reading below ↓

Tinutukoy ng fan ang kumpirmado nang reunion movie nina John Lloyd at Bea Alonzo.

No Goodbyes ang titulo ng balik-tambalan nina John Lloyd at Bea.

Kinumpirma mismo ni Olivia Lamasan, managing director ng ABS-CBN Films, na sisimulan na ang produksiyon ng No Goodbyes sa “first quarter” ng 2021.

BEN&BEN COLLABORATIONS

Kung sakali, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng collab ang Ben&Ben sa kapwa celebrities.

Sa music video ng kanta nilang “Sa Susunod na Habang Buhay,” itinampok ang reel-and-real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Para sa international single ng Ben&Ben na “Doors,” nakipagtulungan naman sila sa Grammy-winning sound engineer na si Miles Walker.

Sa larangan ng negosyo, noong nakaraang taon ay nakisosyo ang Guico twins sa veteran actor-TV host na si Edu Manzano para sa franchise ng isang restaurant sa Quezon City.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ben&Ben singer Paolo Benjamin Guico (left) on February 12 tweets his selfie with Kapamilya actor John Lloyd Cruz (right). His caption reads: "may dumalaw sa ben&ben house."
PHOTO/S: @PaoloBenjamin_ on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results