Valentine Rosales gets birthday message from Kim Chiu; netizens remember his quote "pag lasing...nagiging Kim Chiu"

by Rachelle Siazon
Feb 16, 2021
Valentine Rosales gets his birthday wish to be greeted by Kapamilya actress Kim Chiu: "WAAAAAAAAA!!!! Sobrang sayaaaa kooo!!! Thank you @prinsesachinita!!! Best Birthday/Valentines Gift ever!!!!"
PHOTO/S: @valentinersls / @chinitaprinsesa Instagram

Natupad ang hiling ni Valentine Rosales na makatanggap ng birthday greeting mula sa Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Si Valentine ang isa sa 12 respondents na sinampahan ng reklamong rape with homicide ng pamilya ni Christine Dacera.

Kasabay ng Araw ng mga Puso noong February 14, Linggo, ang kaarawan ni Valentine.

Nag-tweet si Valentine na sana ay batiin siya ni Kim, na kanyang peg sa pagiging "sweet."

Sabi niya, "SANA I GREET MANLANG AKO NG HAPPY BIRTHDAY OR HAPPY VALENTINES NI KIM CHIU."

kim chiu greets valentine rosales

Continue reading below ↓

Sinamahan iyon ni Valentine ng shy, heart, at praying emojis.

Nakarating kay Kim ang hiling ni Valentine.

Kinabukasan, February 15, nag-tweet si Kim ng sweet birthday greeting para kay Valentine.

Tweet ni Kim: "Hi VALENTINE! happy birthday and happy valentines sayo! Face throwing a kiss hihihi stay sweet as you are!"

Tila napatili si Valentine nang matanggap ang mensahe ni Kim.

Puno ng happy emojis ang kanyang tweet back kay Kim.

Ani Valentine: "WAAAAAAAAA!!!! Sobrang sayaaaa kooo!!! Thank you @prinsesachinita!!! Best Birthday/Valentines Gift ever!!!!

"MY GOSH!!!! AYOKO NAAA SOBRANG NA TOUCH AKO!!!! Iloveyou
@prinsesachinita."

valentine rosales happy over kim chiu's birthday greeting

Continue reading below ↓

Ni-repost din ito ni Valentine sa kanyang Instagram.

Dagdag na mensahe ni Valentine para kay Kim, "This will be forever for keeps."

valentine rosales reposted kim chiu greeting on instagram

"PAG LASING... NAGIGING SWEET"

Hindi kaila na naging viral ang quote ni Valentine nang ikumpara niya ang sarili kay Kim para ipunto kung paano siya kumilos kapag siya ay lasing.

Continue reading below ↓

Kasagsagan iyon ng debate ng netizens kung kayang pumatol ng gay man sa babae kapag ito ay lasing.

Kaugnay iyon ng reklamong rape with homicide na isinampa ng pamilya Dacera laban sa labindalawang companions ni Christine na nagsagawa ng New Year's Eve party mula December 31, 2020 hanggang January 1, 2021.

Sa panayam ng media noong January 7, nanindigan si Valentine na hindi niya magagawang gahasain si Christine.

Nilinaw rin niyang siya ang tipo ng gay na "paminta." Ito ay gay lingo na hango sa salitang "pa-men," na maaaring tumukoy sa closet gay o kaya ay iyong hindi ganoon ka-open sa kanyang sexual orientation.

Sabi noon ni Valentine: "And sabi, pag bakla naimpluwensiyahan ng alcohol, nagiging ano, lalaki?

"Ako po, yung una, lalaki po ako, yun nga po, paminta-paminta.

"Pag nalasing na po ako, nagiging pa-sweet na, nagiging Kim Chiu."

top 5 valentine date

Sa kabilang banda, masaya ring ibinahagi ni Valentine na ipinagdiwang niya ang kanyang birthday at Valentine's Day kasama sina Gregorio "Gigo" de Guzman, Rommel Galido, John Paul "JP" dela Serna, at Clark Rapinan.

Continue reading below ↓

Ang tawag nila sa kanilang grupo ay "Top 5" boys.

Sila ang huling magkakasamang naiwan sa Room 2209 nang matagpuan nilang walang malay sa bathroom ang kaibigang si Christine Dacera noong January 1, 2021.

Caption ni Valentine (published as is): "Who needs a Valentines date when you have 5 Sweet boys to always make you smile iloveyou guys so much thanks for always being here for me this is the best Birthday Gift Eve."

Kalakip nito ang group picture nilang lima kasama ng dalawa pang mga kaibigan.

valentine rosales with Gigo de Guzman, Rommel Galido, JP dela Serna,Clark Rapinan

Continue reading below ↓

VALENTINE rosales DISOWNED BY FATHER

Si Valentine ay Filipino-Taiwanese na ang tunay na pangalan ay Alain Dayanan Chen.

Noong February 2, inihayag ni Valentine sa panayam ng DZRH na itinakwil siya ng kanyang ama dahil sa pagsasapubliko ng kanyang sexual orientation nang madawit siya sa insidenteng pagkamatay ni Christine.

Pinalayas daw siya sa kanilang bahay at napilitan siyang makitira muna ngayon sa bahay ng kanyang tiyahin.

"Kasi nga po, umamin na po ako sa tunay kong kasarian. Hindi po niya matanggap, e," pahayag ni Valentine.

Natanggal din si Valentine sa trabaho dahil sa pagkakasangkot niya sa iniimbestigahang insidente ng pagkamatay ni Christine.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagdinig sa Makati Prosecutor's Office sa reklamo ng pamilya Dacera na diumano'y may naganap na pang-aabuso at "foul play" na naging sanhi ng pagpanaw ng 23-year-old flight attendant na si Christine.

Naninindigan naman ang grupo nina Valentine, JP, Rommel, Clark, at Gigo na hindi totoo ang mga akusasyong ibinibintang sa kanila.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valentine Rosales gets his birthday wish to be greeted by Kapamilya actress Kim Chiu: "WAAAAAAAAA!!!! Sobrang sayaaaa kooo!!! Thank you @prinsesachinita!!! Best Birthday/Valentines Gift ever!!!!"
PHOTO/S: @valentinersls / @chinitaprinsesa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results