Vice Ganda on relationship with Ion Perez: "Di ko sasayangin."

by Arniel C. Serato
Feb 16, 2021
Vice Ganda Ion Perez Valentine's 2021
Vice Ganda, Ion Perez celebrate Valentine's Day 2021 in still unknown beach paradise. The TV host-comedian uploaded two photos of him and Ion with caption: "Di ko sasayangin.”
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram

Sa isang beach paradise muli nag-celebrate ng Valentine’s Day ang magsing-irog na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Noong Linggo ng gabi, February 14, ibinahagi ng It’s Showtime host sa kanyang Instagram ang mga larawang kuha sa mula sa kanilang Valentine’s Day celebration ng boyfriend.

Makikita sa dalawang larawan ang magandang view ng sunset sa kanilang bakasyon.

Sa unang larawan, nakatayong magkaharap ang magkarelasyon habang magkadugtong ang kanilang mga kamay na ginawa nilang hugis puso.

ion perez, vice ganda form heart sign

Continue reading below ↓

Sa ikalawang larawan, nakatayo ang mag-partner sa unahan ng tila isang yate habang nakasandal at nakaakbay si Vice kay Ion.

ion perez, vice ganda on a yatch

Simpleng mensahe ni Vice sa caption, “Di ko sasayangin.”

Nagkomento rito ang kasamahan nina Vice at Ion sa It's Showtime na si Jhong Hilario.

Sabi nito: “Mas perfect heart shape yung 2nd pic. Happy hearts day VI!”

Continue reading below ↓

jhong hilario comments on vice and ion photos

Sabi naman ni Divine Lee, “Tandaan mo ang chat natin kagabi! Pausok! Hahaa!”

divine lee comments on vice and ion beach photos

Continue reading below ↓

Noong 2020, sa Amanpulo nagdiwang ng Araw ng mga Puso sina Vice at Ion.

Ang naturang beach island paradise na matatagpuan sa Pamalican Island, Palawan ang isa sa pinakamahal na beach resorts sa Pilipinas.

“OUR LOVE IS UNIQUE AND SPECIAL”

Pagkatapos ng kanilang tila pulo’t gatang bakasyon noon sa Palawan, diretso naman si Vice sa Japan noong February 11, 2020.

Naiwan si Ion sa Pilipinas dahil sa trabaho, kaya si Vice lang at ilang kaibigan ang lumipad sa Japan.

Eksaktong Araw ng mga Puso last year, nagbahagi naman ng kanyang emosyunal na mensahe si Vice sa Instagram para sa boyfriend.

Sabi niya, “Our love doesn’t have to be the same with yours.

“Every love is unique and special.

“Love is not supposed to be mediocre.

“Happy Valentines Day!!!”

Dalawang taon at apat na buwan na ang relasyon nina Vice at Ion.

October 25 ang kanilang anibersaryo, at ngayong 2021 ay ipinagdidiwang nila ang kanilang third anniversary.

Continue reading below ↓

Si Ion ang kauna-unahang boyfriend ng komedyante na lumantad sa publiko.

Kahit binatikos at kinutya noong una na pera lang diumano ang habol ni Ion kay Vice, pinasinungalingan ito ng binata.

Maganda raw ang intensiyon niya kay Vice at mahal niya ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda, Ion Perez celebrate Valentine's Day 2021 in still unknown beach paradise. The TV host-comedian uploaded two photos of him and Ion with caption: "Di ko sasayangin.”
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results