John Lloyd Cruz & Ellen Adarna: The love affair that inspired a superstar’s hiatus

by Jet Hitosis
Jan 18, 2021
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna showbiz history
After more than three years of being inactive in the entertainment industry, former lovers John Lloyd Cruz (left) and Ellen Adarna (right) are both set to stage a showbiz comeback this 2021. They have a two-year-old son named Elias Modesto.
PHOTO/S: @akosiigan, @maria.elena.adarna on Instagram

Mahigit isang taon ang pinalipas ni Ellen Adarna bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na ikuwento ang dahilan ng breakup nila ni John Lloyd Cruz.

Inamin ni Ellen, 32, sa panayam sa kanya ng Preview.ph ngayong January 2021, na naapektuhan ng dinaranas niya noong depression ang pagsasama nila ng 37-year-old actor.

Kinailangan pa raw ng aktres na sumailalim sa healing program upang maresolba ang “many issues” na nakasira sa pakikitungo niya noon kay John Lloyd.

“I was just really the problem,” pag-amin ni Ellen.

“How I viewed it, my thinking pattern was the problem.”

Tumagal ng dalawang taon ang romantic relationship nina John Lloyd at Ellen.

Nagbunga iyon ng isang anak na lalaki, si Elias Modesto, na two years old na ngayon.

LIFE-CHANGING ROMANCE

Hindi tukoy ang petsa kung kailan nagsimula ang espesyal na pagtitinginan nina John Lloyd at Ellen, na naging laman ng mga balita noong unang bahagi ng 2017.

Continue reading below ↓

Simula’t sapul kasi ay naging mailap ang dalawa sa pagbabahagi ng pinakamahahalagang detalye sa kanilang relasyon.

Gaya rin ng kung kailan ito nagtapos noong kalagitnaan ng 2019.

Sa kabila ng hindi pagsasapubliko ng mga detalye, mahihinuhang espesyal ang namagitan sa kanila.

Naging dahilan kasi ito upang mabago ang pananaw sa buhay ni John Lloyd—na piniling talikuran ang kanyang superstar status kapalit ng simpleng buhay sa probinsiya, sa piling ni Ellen.

Binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyong nagdulot ng marahil ay pinakamalaking pagbabago sa mga buhay nina John Lloyd at Ellen.

THE SITCOM

October 2016 nang nagsimulang maging malapit sa isa’t isa sina John Lloyd at Ellen.

Nag-guest kasi noon si Ellen sa weekly sitcom ng ABS-CBN na pinagbibidahan ng aktor, ang Home Sweetie Home.

Gumanap si Ellen bilang si Tanya, isang dalagang nagpapatulong sa karakter ni John Lloyd (Romeo) para makahanap ng mapapasukang trabaho.

Kalaunan, naging mainstay sa show si Ellen. Ilang beses tinangka ni Tanya na mabaling sa kanya ang atensiyon ni Romeo mula sa asawang si Julie (Toni Gonzaga).

Continue reading below ↓

Ellen Adarna as Tanya, John Lloyd Cruz as RomeoJohn Lloyd and Ellen in a scene from Home Sweetie Home

Nang mga panahong iyon, nobyo pa ni Ellen ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Sebastian “Baste” Duterte—na ngayon ay incumbent vice mayor na ng Davao City.

Si John Lloyd naman, mag-iisang taon na noong hiwalay sa kapwa Kapamilya star na si Angelica Panganiban.

Continue reading below ↓

SIGHTINGS AFTER THE DENIAL

Makalipas ang ilang buwan, malakas na ang ugong ng mga balitang may espesyal daw na namamagitan kina John Lloyd at Ellen.

Gayunman, itinanggi ito ni Ellen sa harap ng entertainment media sa press conference para sa ikatlong anibersaryo ng Home Sweetie Home noong January 31, 2017.

Pinabulaanan ng sexy actress na nililigawan siya ni John Lloyd.

Makalipas lang ang anim na araw, February 6, isang source ng PEP.ph ang nagsabing namataang magkasama ang dalawa sa lobby ng EDSA Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City.

Sa report ng PEP Alerts, sinabing “tila nakapambahay lang daw si John Lloyd, habang naka-shorts naman pero naka-heels si Ellen.”

Pagsapit ng March, sa Paoay, Ilocos Norte naman naispatan sina John Lloyd at Ellen kasama ang kanilang mga kaibigan.

Noon ay single na uli si Ellen matapos ang hiwalayan nila ni Baste noong December 2016.

VIRAL: CEBU GETAWAY

Unang linggo ng September 2017, isinama ni Ellen si John Lloyd sa kanyang probinsiya, ang Cebu.

Continue reading below ↓

Ang kanilang biyahe sa Bantayan Island sa bayan ng Santa Fe ang nagmistulang kumpirmasyon sa balitang may namamagitan nga sa dalawa.

Galing sa Instagram posts ng isang common friend, kumalat sa social media ang mga litrato nina John Lloyd at Ellen habang magkasamang nagpapahinga sa dalampasigan.

Mismong si Ellen ay nag-post sa Instagram ng mga litrato niya kasama si John Lloyd, kung saan magkahawak-kamay silang naglalakad sa beach.

Ellen Adarna and John Lloyd Cruz in Bantayan Island

Continue reading below ↓

Gayunman, mas nakapukaw ang atensiyon ng netizens at lumikha ng kontrobersiya ang nag-viral na mga litrato at videos na nagpapakita sa naiibang imahe ni John Lloyd.

Ang matinee idol na paboritong pilahan sa takilya ng marami, nakuhanan ng pictures at videos habang sumasayaw, kumakanta, at gumagawa ng mga bagay na kakatwa para gawin ng isang katulad niya.

Tulad halimbawa ng litrato ng aktor na nasa aktong naglalaro ng kutsilyo habang katabi si Ellen sa isang bangko.

John Lloyd cruz and ellen adarna sightings

Continue reading below ↓

Sa isa pang larawan, nakatalungko at parang bata na nagtatago si John Lloyd sa ilalim ng kalan malapit kay Ellen, na nagsasalin naman ng inumin.

JOHN LLOYD HAVING “NO REGRETS”

Higit sa pagtataka, nagpahayag ng pagkabahala ang maraming fans ni John Lloyd sa kanyang ikinikilos.

May ilang nag-uusisa kung ano ang maaaring nakaimpluwensiya sa aktor upang bigla na lang nitong ipagwalang-bahala ang respetadong imahe na mahigit isang dekada nitong pinakaingat-ingatan.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, nagpaliwanag si John Lloyd (published as is): “diz iz mi lerning. very humbling but i do apologize to the little boys & girls. no regrets babies just life revealing its raw beauty.”

Sa sumunod na mga linggo, pinili ng aktor na manatili sa Cebu kasama si Ellen.

Iyon na marahil ang pinakamatagal na pagbabakasyong ginawa ng lagi nang abalang Kapamilya big star.

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna vacation in Cebu

Continue reading below ↓

At kung pagbabasehan ang mga litratong kuha tuwing magkasama sina John Lloyd at Ellen, hindi maipagkakailang nagmamahalan sila.

Wala nang kailangan pang kumpirmahin sa tunay na estado ng kanilang espesyal na pagtitinginan.

Hanggang sa ibinahagi ni John Lloyd ang isang litrato nila ni Ellen habang magkayakap at hinahalikan siya ng aktres.

Ipinost iyon ni John Lloyd sa Instagram noong September 24, 2017.

Caption niya: “Sobrang baduy neto pero this girl really did something good to my soul. i'll always be grateful.”

Ellen Adarna kissing John Lloyd Cruz in selfie

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD GOES ON “INDEFINITE LEAVE”

Pagsapit ng October 6, 2017, ginawa nang opisyal ng aktor ang kanyang pagbabakasyon.

Naglabas ng pahayag ang Star Magic, ang talent management agency ni John Lloyd, at inanunsiyong naka-"indefinite leave of absence" muna ang aktor mula sa kanyang mga showbiz commitments.

john lloyd cruz indefinite leave of absence

Kasunod nito, itinuluy-tuloy ni John Lloyd ang pagbabakasyon kasama si Ellen.

Continue reading below ↓

Pero sa pagkakataong ito, Europe naman ang nilibot ng magkasintahan.

Namasyal sila sa Casablanca sa Morocco, dumalo sa wedding ng isang kaibigan sa Paris, France, at nag-skiing sa Switzerland.

ELLEN’S PREGNANCY

Nasa Europe pa noon sina John Lloyd at Ellen nang pinag-usapan sa social media ang Facebook post ng dating broadcaster na si Jay Sonza.

Mistulang blind item ang pagkaka-post ni Jay tungkol sa pagbubuntis daw ng pamangkin nitong si “Elena,” na nagbabakasyon noon sa Morocco.

Kaagad na iniugnay ng netizens kina John Lloyd at Ellen ang post na iyon ni Jay.

Gayunman, itinanggi ni Ellen na buntis siya at nilinaw na hindi niya kamag-anak ang dating broadcaster.

Ellen Adarna and John Lloyd Cruz in Europe

Continue reading below ↓

Makalipas ang mahigit isang buwan, November 18, 2017 nang kumpirmahin ng PEP.ph sa isang report na totoong nagdadalantao si Ellen.

Ayon sa source ng PEP.ph, ang aktres mismo ang nagbabalita sa malalapit na kaibigan ng tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Gayunman, hindi kinumpirma ng sinuman kina Ellen at John Lloyd ang balitang magkakaanak na sila.

HOT STORIES

ELLEN’S FAMILY WELCOMES JOHN LLOYD

January 3, 2018, o apat na buwan simula nang ma-link sa isa’t isa, opisyal nang kinumpirma ni Ellen ang romantic relationship nila ni John Lloyd.

Ito ay matapos na i-post ni Ellen sa Instagram ang litrato ng kanyang immediate family kasama si John Lloyd.

Kuha ang picture sa bahay ng mga Adarna sa Cebu.

Sa iba pang litrato ni John Lloyd kasama ang pamilya ni Ellen, mahihinuhang kaagad na nakapalagayang-loob ng aktor ang mga Adarna.

Nang sumunod na buwan, lumutang naman ang balitang nagpaplano nang magpatayo ng sariling bahay sina John Lloyd at Ellen.

Continue reading below ↓

Sabay kasing ipinost sa Instagram ng magkasintahan ang ginawa nilang ocular visit sa isang hindi pa developed na property sa hindi tinukoy na lugar.

Ang binisita nilang lugar ay nakatunghay sa kabundukan at sa makapal na kakahuyan.

Maikling “mine. yours” lang ang caption ni John Lloyd sa post niyang iyon.

Si Ellen, isinulat na caption ang “Our Future view,” kalakip ang ilang house emojis.

ellen adarna, john lloyd cruz property

Continue reading below ↓

SECRET WEDDING RUMORS

Nang sumunod na linggo, kumalat naman ang balitang lihim daw na nagpakasal sina John Lloyd at Ellen sa isang simbahang Katoliko sa Quezon City noong February 15, 2018.

Walang reaksiyon dito ang sinuman sa magkasintahan.

Sa halip, bumiyahe sila papuntang Japan.

Namataan sila at nakuhanan pa ng litrato sa Mactan Airport sa Cebu.

Sa mga kuhang pictures, kapansin-pansin ang maluwag na dark T-shirt at pants na suot ni Ellen.

Bagamat hindi mapipigurahan ang baby bump ng aktres sa suot nito, hindi maikakailang nadagdagan ang kanyang timbang.

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna with baby bump

Continue reading below ↓

THE “PAPARAZZI” CONTROVERSY

May 4, 2018 nang i-post ni Ellen sa kanyang Instagram Story ang video ng isang dalagitang ayon sa aktres ay kumukuha raw ng video nila ni John Lloyd habang pare-pareho silang kumakain sa isang ramen restaurant sa Makati City.

Caption ni Ellen sa video: "Oo yan ha... you know the feeling...uncomfy noh? When you PAP us, We PAP you too! #nasa resto eh [ramen emoji] its a tie.”

Mariin namang itinanggi ng dalagita na nag-video siya sa magkasintahan.

Iginiit ng menor de edad na kinukuhanan lamang niya ng picture ang sariling pagkain at hindi nga raw niya napansin na naroroon din sa restaurant ang celebrity couple.

Dahil dito, hiniling ng ina ng dalagita na magpalabas ng public apology si Ellen sa pagsasapubliko ng aktres ng alegasyon nito laban sa isang menor de edad.

Nang hindi nag-public apology si Ellen, naghain ang mga magulang ng dalagita ng cybercrime at child abuse complaints laban sa aktres sa Pasig City Prosecutor's Office pagsapit ng May 15, 2018.

Continue reading below ↓

CYBERCRIME, CHILD ABUSE CHARGES

Tanging mga abogado ni Ellen ang dumalo sa lahat ng pagdinig sa mga kasong kinakaharap niya.

Hindi kailanman sinipot ng aktres ang mga ito.

Sa katunayan, si John Lloyd pa ang kumatawan kay Ellen sa second hearing ng kaso noong June 11, 2018.

Sa third hearing noong June 25, 2018, sinabi ng lead counsel ng aktres, si Atty. Rene "Rebo" Saguisag Jr., na hindi pinapahintulutan ng mga doktor ang pagbibiyahe ni Ellen mula sa Cebu.

Ayon sa abogado, maselan daw kasi ang ipinagbubuntis ng aktres.

Iyon ang unang beses na kinumpirma ng kampo ni Ellen na nagdadalantao nga siya sa anak nila ni John Lloyd.

ELLEN GIVES BIRTH TO ELIAS

Pagsapit ng June 27, 2018, kumalat sa social media ang mga ulat na isinilang ni Ellen ang isang baby boy sa Chong Hua Hospital sa Cebu.

Hindi naglabas ng official statement ang sinuman kina John Lloyd o Ellen tungkol sa panganganak ng aktres.

Continue reading below ↓

Gayunman, tinawag ni John Lloyd na "fake news" ang isang report ng isang respetadong news website na bininyagan ang anak nila ni Ellen sa mismong ospital.

July na nang kumpirmahin ng TV5 reporter na si MJ Marfori ang panganganak ni Ellen.

Sa parehong ulat, sinabing Elias Modesto ang pangalan ng baby.

Ipinangalan ang sanggol sa ama ni Ellen na pumanaw 25 araw bago isilang si Elias.

JOHN LLOYD WRITES POEM FOR SON

October 1, 2018 nang ipinost ni John Lloyd sa Instagram ang isang handwritten poem na isinulat niya “para kay Elias.”

Iyon ang unang pagkakataong isinapubliko ng aktor ang tungkol sa anak nila ni Ellen.

Sa isang bahagi ng tula, mababasa ang: “Mangmang pagdating sa 'yo

“Sa iisang tunog mong taglay,

“Sa kaaya-ayang sorpresa ng paglapit mo,

“Sa imahe ng kalayaan na tiyak iwinawaksi mo,

“Sa perpektong hubog ng iyong galaw,

“Sa lupa,

“Sa ere,

“Sa tubig…”

Nagkomento si Ellen sa post na ito ni John Lloyd: "We love you papa.”

Continue reading below ↓

John Lloyd Cruz poem for son Elias

JOHN LLOYD ENJOYING SIMPLE LIFE

Sa sumunod na mga buwan, patuloy na sinubaybayan ng publiko ang buhay ni John Lloyd—isang aktor na tinalikuran ang kasikatan para mamuhay nang simple sa Cebu kapiling si Ellen at ang anak nilang si Elias.

Iyon ay kahit pa may isang taon na noong hindi aktibo sa showbiz si John Lloyd.

Continue reading below ↓

Naging laman ng mga balita ang mga litrato ng Kapamilya A-lister habang ginagawa ang sari-saring aktibidad ng isang ordinaryong tao.

Tulad halimbawa ng pagkain ng street food at balut, pagbili ng durian, pagpunta sa supermarket, pagbisita sa sementeryo, pagpapagupit sa barberya, pagkain sa isang pares house, at kahit ang pagsakay sa pampasaherong jeepney.

John Lloyd Cruz riding a jeepney

Continue reading below ↓

John Lloyd inside a passenger jeepney

Mayroon ding mga litrato ang aktor kasama sina Ellen at Elias habang nagbabakasyon sa isang beach sa Pilipinas at naglilibot sa Tokyo Disneyland sa Japan.

THE BREAKUP

Pagsapit ng August 2019, o mahigit isang buwan pagkatapos mag-celebrate ng first birthday ang anak nilang si Elias, lumutang ang mga balitang naghiwalay na sina John Lloyd at Ellen.

Sa report ng PEP.ph noong August 5, sinabi ng isang reliable source na nagkakalabuan na ang dalawa bago pa man nag-birthday si Elias noong June 27.

Iniulat ng ibang news outlet na si Ellen daw ang nakipaghiwalay kay John Lloyd.

Isang matinding away raw ang naging dahilan ng kanilang breakup.

Gaya ng dati, walang pagtanggi o pag-amin ang kampo ng sinuman kina John Lloyd at Ellen tungkol sa balitang hiwalay na sila.

Kung gaano nila kinumpirma noong 2017 ang kanilang relasyon sa pamamagitan lamang ng social media posts, ganoon din ang naging paraan nila ng “pag-amin” sa kanilang breakup.

Continue reading below ↓

Bagamat nanatili sa Cebu si John Lloyd, lagi na siyang nag-iisa kapag natityempuhan at nakukuhanan ng litrato ng netizens.

Sa panig naman ni Ellen, hindi na rin nakakasama si John Lloyd sa mahahalagang okasyon ng pamilya Adarna.

Wala rin ang aktor sa mga pictures na ibinabahagi ng aktres sa kanyang social media followers.

Pagsapit ng last quarter ng 2019, naging usap-usapan ang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd.

At pagsapit nga ng December ng taong iyon, napanood ang aktor sa isang pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2019, ang Culion.

Gayunman, cameo lamang ang role ni John Lloyd sa Culion, na pinagbidahan nina Iza Calzado at Jasmine Curtis-Smith.

ELLEN BACK TO DATING GAME

Sa pagbungad ng taong 2020, ginulat ni Ellen ang kanyang Instagram followers sa isa sa ipinost niyang mga litrato noong January 24 ng taong iyon.

Kuha ang pictures habang nagbabakasyon ang aktres sa Spain kasama ang ilang non-showbiz friends.

Continue reading below ↓

Agaw-pansin kasi ang isa sa mga litrato, kung saan makikitang kayakap ni Ellen ang isang lalaking foreigner.

Maliban sa pagkaka-tag ng account ng isang @doncarlemuss, wala nang iba pang impormasyon na ibinigay si Ellen tungkol sa lalaking kasama niya sa litrato.

Ellen Adarna, Carlos LemusEllen and Carlos

ELLEN reveals that she was "stuck in a black hole"

Makalipas ang dalawang buwan, sa Instagram post ni Ellen noong March 15, 2020, inamin niyang halos tatlong taon siyang inalipin ng depression.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Ellen: “I did mental training coz i was stuck in this black hole for almost 3 years.”

Hindi raw kasi umeepekto kay Ellen ang mga oral medicines na inireseta sa kanya ng doktor.

Dahil dito, nagpasya siyang sumailalim sa isang 14-day retreat sa Bali, Indonesia, na naging malaking tulong daw sa kanya.

Ellen Adarna 14-day retreat in Bali, Indonesia

Continue reading below ↓

Sa post na iyon ni Ellen, isang netizen ang lakas-loob na nag-usisa kung ano ang naging dahilan para mauwi sa hiwalayan ang relasyon ng aktres kay John Lloyd.

Sagot ni Ellen: “only god can answer this question.”

netizen speculates on ellen and john lloyd cruz breakup; ellen replies

Kasunod ng pagkumpirmang iyon ni Ellen sa breakup nila ni John Lloyd, inamin ng aktres na mayroon siyang long-distance romantic relationship sa isang banyaga.

Continue reading below ↓

Bagamat hindi pinangalanan ni Ellen ang kanyang boyfriend, ang Spanish guy na si Carlos Lemus ang lagi nang laman ng social media posts ng aktres noong mga panahong iyon.

Ginawa ni Ellen ang pag-amin nang mag-guest siya sa radio podcast ni Mo Twister noong April 3, 2020.

CO-PARENTING FOR ELIAS

Kung pagbabasehan ang social media activities at interviews kay Ellen, wala siyang intensiyong ilihim ang mga detalye tungkol sa kanyang personal na buhay.

Kahit pa ang tungkol kay John Lloyd at sa anak nilang si Elias.

Isang halimbawa ang pagsagot niya sa pag-uusisa ng isang netizen, na nagkomento sa kanyang “mumbod” post noong April 28, 2019.

Ibinunyag ni Ellen sa netizen na co-parenting sila ni John Lloyd sa pagpapalaki sa kanilang anak.

Iyon ang dahilan kaya mas madalas na nasa Cebu kaysa Metro Manila ang aktor.

Ayon kay Ellen, dalawang beses kada linggo ay nakakasama ni John Lloyd si Elias.

Continue reading below ↓

Sabi ni Ellen sa netizen tungkol sa set-up nila ni John Lloyd para kay Elias: “he [Elias] stays with me.

“He sleeps over his dads place twice a week because we co parent.”

netizen asks about ellen adarna co parenting status with john lloyd cruz; ellen replies

Sa mga sumunod na buwan, regular na nagpo-post si Ellen ng mga bonding activities nila ng anak na si Elias.

Continue reading below ↓

Siya rin ang kasama ng paslit nang magdiwang ito ng second birthday habang umiiral pa ang quarantine.

Sa kasagsagan naman ng COVID-19 pandemic, ilang beses na nakuhanan ng netizens ng litrato ang mga pagtulong na ginagawa ni John Lloyd sa maliliit na komunidad sa Cebu.

Naroong mag-alok siya ng tulong sa mga opisyal ng Barangay Guadalupe sa Cebu City para maayudahan ang mahihirap sa kanilang lugar.

Namahagi rin ang aktor ng food packs sa mga frontliners at vitamins naman sa mga batang residente.

SHOWBIZ COMEBACK

December 2020 nang makumpirma ang matagal nang pinakaaabangang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd.

Isang pelikula ng balik-tambalan niya kay Bea Alonzo ang nakatakdang gawin ni John Lloyd ngayong 2021.

No Goodbyes ang titulo ng Bea-John Lloyd film, na ididirehe ni Cathy Garcia-Molina.

John Lloyd Cruz, Bea Alonzo reunion movie

Continue reading below ↓

Bea and John Lloyd

Samantala, tulad ni John Lloyd ay balik-showbiz na rin si Ellen.

Unang linggo ng January 2021 nang simulan ni Ellen ang taping para sa pagbibidahan niyang sitcom.

Kasalukuyan siyang naka-lock-in taping sa Antipolo City, Rizal.

Sa TV5 mapapanood ang bagong project ni Ellen, ang John En Ellen, kung saan makakatambal niya si John Estrada.

Ellen Adarna with John Estrada in John en Ellen

Continue reading below ↓

Ellen and John

Co-stars nila sina Ronaldo Valdez, Long Mejia, at Angelina Cruz.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After more than three years of being inactive in the entertainment industry, former lovers John Lloyd Cruz (left) and Ellen Adarna (right) are both set to stage a showbiz comeback this 2021. They have a two-year-old son named Elias Modesto.
PHOTO/S: @akosiigan, @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results