Inamin ni Gerald Anderson na pangarap niya ang lumagay sa tahimik at magkaroon ng sariling pamilya.
Isa raw iyon sa naging "motivation" niya para mas mag-ipon, ayusin ang kanyang finances, at palaguin ang kanyang investments.
Natutunan daw kasi niya nitong pandemya na mahalaga ang paghandaan ang kanyang kinabukasan.
Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kasama sa paghahanda ni Gerald ay pagpasok na rin sa isang relasyon.
Sino nga ba ang babaeng pinakamalapit sa puso niya ngayon?
"Agad-agad!" napahalakhak na bungad ni Gerald.
Pinaalala namin kay Gerald na tinanong siya ng malapit niyang kaibigan na si Joe Vargas kung "taken" na ba siya.
Nakangiting komento ni Gerald, "Ano sinagot dun?"
Sinabi ng PEP.ph na nakalusot si Gerald sa tanong dahil na-shoot niya ang hamon sa kanyang free throw sa basketball.
Nasa mechanics kasi ng Q&A sa vlog ni Joe na pwedeng hindi sagutin ni Gerald ang tanong kapag na-shoot nito ang bola nang maglaro sila sa pag-aaring gym ng aktor.
"Yun nga. I guess, para sagutin ko yun, kailangan dalawin mo ako sa Third Floor. Gawin natin challenge."
Hirit ng PEP.ph, "O, sige nga, Gerald. Call 'yan, ha?"
Sagot ni Gerald, "Sige. Tara."
Hindi kailang matagal nang nauugnay si Gerald kay Julia Barretto, na naging leading lady niya sa pelikulang Between Maybes noong 2019.
Sa presscon ng kanyang endorsement ngayong Biyernes ng hapon, March 5, 2021, hindi sinagot ni Gerald ang tungkol sa kanyang relationship status.
Pero makalipas lamang ang ilang sandali, lumabas ang pre-taped interview sa kanya ng TV host na si Boy Abunda tungkol sa pag-amin niyang sila na ni Julia.
Tungkol sa pagpapamilya, nasa isip na raw ni Gerald iyon, pero hindi naman daw ibig sabihing minamadali na niya.
Paliwanag niya sa PEP.ph: "Gusto ko na magkapamilya. Malapit na dun. But, there's always a right time para sa lahat ng iyan."
"Is it the right time? I don't think so.
"Andami ko pa dapat matutunan."
Hindi raw siya sasabak sa isang bagay nang hindi siya lubusang handa rito.
"Andami ko natutunan during the pandemic.
"I'm just trying to, kumbaga sa giyera, kung ako sundalo, gusto ko ready'ng-ready na ako sumabak.
"I'm just taking my time. We'll see. Malalaman niyo din 'yan."
Nakapanayam ng PEP.ph si Gerald sa digital conference kunsaan inilunsad siya bilang bagong endorser ng multivatimins supplement na rogin-E.
Ginanap ang digicon nitong hapon ng Biyernes, March 5.
"andami nagagalit sa akin dahil sa love life ko."
Bukod sa pag-iipon para sa kanyang future family, sinagot ni Gerald ang tanong ng isa pang reporter kung paano niya hinaharap kapag siya ay napupuntirya ng bashers dahil sa kanyang personal na buhay.
Sabi ni Gerald, "Siguro yung sa mga intriga na darating...
"Lalo na ngayon sa social media, andali-dali sa Facebook magbigay ng comment, kahit sobrang sakit.
"Na parang hindi ko ma-imagine kung kaya ko mag-type ng ganun kasamang comment para sa ibang tao.
"Pero kailangan may perspective ka rin."
Sa puntong ito ay tinukoy ni Gerald na kung anu-ano ang ibinatong masasakit na salita tungkol sa kanyang love life.
"Sobrang binash ako. Sobrang nagalit sa akin sa social media dahil sa love life ko.
"Minsan, nakahiga ako sa kama, minsan inisip ko, andami nagagalit sa akin dahil sa love life ko.
"Maraming tao diyan na mas malala. Nangungarakot... Alam mo yun?"
NOT HIS GOAL TO CHANGE OTHER PEOPLE'S OPINION OF HIM
Pinaalalahanan daw ni Gerald ang sarili na hindi siya dapat magpaapekto dahil wala naman siyang tinatapakang ibang tao.
Aniya, "So, parang pag ganun inisip mo, mababawasan.
"Nagagalit dahil sa love life ko, dahil hindi nag-work relationship ko...
"Kailangan may perspective ka.
"Kahit ano sabihin ko naman, hindi magbabago binigay na judgment ng ibang tao."
Mas nais na lang daw ni Gerald na tutukan ang sariling buhay.
"Hindi ko 'yan goal sa buhay na parang, 'Sana mag-iba isip niyo sa akin.'
"Kailangan tuloy ang buhay."
Diin pa ni Gerald, "Wala ako tinatapakan na tao. I'm just trying to live life, provide for my family, enjoy life.
"So, pag may perspective ka, malalampasam mo naman.
"Things happen in your life for a reason. You have to realize saan ka rin nagkamali and move forward in your life."
CELEBRATING HIS 32ND BIRTHDAY
Sa Linggo, March 7, ang ika-32 kaarawan ni Gerald.
Sa punto ng buhay niya ngayon, nagpapasalamat lang daw si Gerald dahil masaya siya sa personal na buhay at pati sa trabaho niya.
Sabi ni Gerald sa PEP.ph: "Ever since mataas standards ko sa sarili ko.
"No one will ever push me more than I push myself...
"So you always have to give your best no matter what you do.
"Ganun din sa personal life ko, improving."
