PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo says no more 'love adventures' for her

Bea Alonzo willing to give up career, money for love.
by Bernie V. Franco
Published Mar 8, 2021
Bea Alonzo asked if she is willing to give up career and money for love. "Only if he's worth it."
PHOTO/S: YouTube (Bea Alonzo)

“If he’s worth it.”

Ito ang sagot ni Bea Alonzo, 33, nang matanong kung handa ba niyang iwan ang lahat para sa pag-ibig.

“Are you willing to leave everything behind for the one you love?” tanong sa kanya ng former leading man na si Ian Veneracion sa video na in-upload sa YouTube Channel ng aktres noong March 6.

Hindi muna nakasagot si Bea.

Handa bang ipagpalit ni Bea ang kanyang career, pera, lifestyle para sa simple at “boring” na buhay, sundot ni Ian.

“Only if he’s worth it… or maybe not,” ani Bea, na sinundan niya ng tawa.

Pero seryoso niyang pagpapatuloy: “I would. For love? I would. If he’s worth it.”

Ano ba ang criteria ni Bea ng “worth it.”

“If I’m 100 percent sure that he will love me for the rest of my life,” sagot ng aktres.

Ayon kay Ian, mahirap ang criteria na ibinigay ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam daw ito ni Bea pero kung talagang mahal siya ng lalaki, hindi siya papipiliin.

Saad ng aktres, “Oo nga e, I don’t know. I don’t know.

“Unang-una, he’s not worth it if he’s willing to let me choose between the two— between him or the things I care about.”

May binasang tanong si Bea para kay Ian, pero mas nauna pang sagutin ito ni Bea.

Ang tanong: “Are you willing to give up your love for coffee in exchange in finding out who your soulmate is?”

“I think this is for me,” sagot agad ng aktres.

“Of course. Coffee lang naman ‘yan, ‘no. Mas nakakabuhay ang pag-ibig. Char!” bungisngis ni Bea.

Singit ni Ian, ayaw raw niyang malaman.

Sabat naman ni Bea, "Ako, gusto ko, para wala nang ano… para diretso na, alam na. Walang nang games."

Katuwiran ni Ian, masisira raw ang "adventure."

Sundot ni Bea, “Parang sumobra na ako sa adventure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayoko na ng more adventures. Dinaig ko na si Dora,” pagtukoy niya sa sikat na cartoon character na si Dora The Explorer, na mahilig sa adventures.

BEA ON LOVE AT FIRST SIGHT

Nahuli na ba si Bea na nakikipaghalikan sa isang karelasyon?

“Never. Magaling ako sa ganyan. Hahaha! Magaling ako magtago,” sabi ng aktres.

Naniniwala naman ba siya sa love at first sight?

“Yes, I do,” sagot niya bilang isa raw siyang “hopeless romantic.”

Pagbabahagi pa ni Bea, “But I really do. I think that happened to me.

“Di naman siya love at first sight. Parang meron lang something dun sa first time ko siyang nakita.

“Like, something changed inside me!” at saka siya tumawa na may halong kilig.

Pagbabalik-tanaw ni Bea, 13 anyos siya nang mangyari ito sa kanya.

“Nasa audiition ako, ‘tapos nag-walk in yung guy.

“’Tapos, parang natulala ako sa kanya.

“Di naman niya ako pinansin. Di niya ako type, so…”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung isasapelikula raw ang buhay niya, anong genre ito?

“Minsan rom-com, minsan horror. Minsan horror din,” sambit ng aktres.

Naging kontrobersiyal ang love life ni Bea nang maghiwalay sila ni Gerald Anderson noong 2019.

Inakusahan si Gerald noon na pinagtaksilan si Bea dahil kumalat sa social media ang paparazzi shots nila ni Julia Barretto, ang third party diumano sa kanilang breakup.

Ayon kay Bea, wala silang formal breakup ni Gerald at bigla na lang itong hindi nagparamdam sa kanya.

Itinanggi naman ni Gerald ang paratang ni Bea, at nilinaw na hindi raw third party si Julia.

Nito lamang Biyernes, March 5, 2021, inamin ni Gerald na karelasyon nga niya si Julia.

Iniuugnay naman ngayon si Bea kay Dominic Roque, pero wala pang pormal na pag-amin ang dalawa.

HOT STORIES

Use these BeautyMnl promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo asked if she is willing to give up career and money for love. "Only if he's worth it."
PHOTO/S: YouTube (Bea Alonzo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results