Julia Barretto gives Gerald Anderson a kiss at his birthday party in Zambales 

by Rachelle Siazon
Mar 9, 2021
Kuha sa video ang sweet kiss ng magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto noong Linggo ng gabi, March 7. Iyon ang 32nd birthday party ni Gerald na ginanap sa kanyang resort sa Botolan, Zambales.
PHOTO/S: CTTO

Hindi nakaligtas ang magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson sa panunukso ng mga kaibigan nilang imbitado sa birthday party ng aktor.

Linggo ng gabi, March 7, nang ipagdiwang ni Gerald ang kanyang ika-32 kaarawan sa resort niya sa Botolan, Zambales.

Nahagilap ng fans ang maiksing video kunsaan naghayag si Julia ng birthday wish para sa nobyo.

Sabi ni Julia, "...appreciate you and may God bless you."

Continue reading below ↓

Hinawakan lang ni Julia sa braso si Gerald sabay akmang lalayo na sa binata nang tila hinintay ng mga kaibigan na mag-kiss ang couple.

Lumapit naman uli si Julia kay Gerald at saka mabilis na nag-kiss ang magkasintahan.

Panay naman ang sigaw ng mga kaibigan nilang naroon.

Bagamat bahagyang malabo ang video, maaaninag ang mukha ni Gerald at mobobosesan din si Julia habang nagsasalita ang aktres.

Tugma rin ang suot na crop top at long skirt ng babae sa video sa picture ni Julia kasama ng grupo ng mga babaeng naroon din sa party.

Ilan sa mga ito ay natukoy na mga nobya ng mga malapit na kaibigan ni Gerald.

Julia Barretto with Gerald Anderson close friends

Continue reading below ↓

Namataan din sa mga bisita sa party ni Gerald ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto.

Instagram Story: Julia Barretto, mom Marjorie Barretto in Gerald's birthday party

Dumalo rin sa party si Piolo Pascual, na co-star ni Gerald sa pelikulang On The Job noong 2013.

Matagal ding nagkasama sina Gerald, Piolo, at Julia bilang talents ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Pero mula noong September 2020 ay umalis na sina Piolo at Julia sa Star Magic.

Instagram Story: Piolo Pascual in Gerald's birthday party

Base sa ibang litrato na nakalap ng fans, nasa resort din ni Gerald ang halos lahat ng mga malapit niyang mga kabarkada.

Continue reading below ↓

May kuha ang mga ito nang mag-island hopping ang grupo.

Gerald Anderson close friends island hopping

GERALD CONFIRMS RELATIONSHIP WITH JULIA

Dalawang araw bago ang kaarawan ni Gerald, noong March 5, kinumpirma nitong kasintahan niya si Julia.

Base sa panayam ng host na si Boy Abunda, matamis ang ngiting inihayag ng aktor na "very happy" siya sa piling ng nobya.

Continue reading below ↓

Liban doon ay hindi na nagdetalye pa si Gerald kung kailan sila naging opisyal na magkasintahan.

Noong Linggo, March 7, kinumpirma rin ni Julia ang relasyon nila ni Gerald sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang litrato sa beach.

Kasabay niyon ay naging tampok ng espekulasyon sa social media ang relasyon ng dalawa na hinihinalang nagsimula noon pang 2019.

GERALD-BEA BREAKUP

July 21, 2019 nang pumutok ang balita ng hiwalayan ng magkasintahang Gerald at Bea Alonzo matapos ang halos tatlong taong relasyon.

Naglabas ng cryptic post sa Instagram si Bea na waring pinaalalahanan ang sariling hindi na tama ang magkamali siya ng dalawang beses.

Usap-usapan din noon ang pag-like ni Bea sa kumalat na litrato nina Julia at Gerald, na namataan sa labas ng isang restobar sa Taguig City. Dumalo noon ang dalawa sa party ng matalik na kaibigan ni Gerald na si Rayver Cruz.

July 23, 2019 naman nang maiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang impormasyon, mula sa reliable source ng Cabinet Files, tungkol sa pag-uusap nina Gerald at ang ama ni Julia na si Dennis Padilla.

Continue reading below ↓

Ayon sa source, kinumpirma umano ni Gerald na nililigawan niya si Julia.

Nilinaw rin daw ni Gerald na hiwalay na siya kay Bea.

Pagsapit ng July 27, 2019, inihayag ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald, at bigla na lang umanong hindi siya kinausap ng nobyo.

Dito na kumalat ang salitang "ghosting," na ang ibig sabihin ay kumawala sa isang relasyon nang walang pasintabi. Nawala na lang, parang ghost.

GERALD DENIES THIRD PARTY RUMORS

Pinabulaanan naman ni Gerald ang espekulasyong may kinalaman si Julia sa hiwalayan nila ni Bea.

Sa panayam ng TV Patrol noong August 5, 2019, sinabi ni Gerald na sunud-sunod umano ang pag-aaway nila ni Bea hanggang sa humantong sa "one big fight" na ikinasira ng kanilang relasyon.

Sinabi ni Gerald na umiwas siyang magkaroon sila ng komunikasyon ni Bea dahil ayaw na niyang madagdagan pa ang hindi magandang pag-aaway nila.

Kinabukasan, August 6, naglabas naman si Julia ng pahayag via Instagram upang almahan ang pag-react ni Bea sa ani Julia ay "harmless photos" nila ni Gerald nang dumalo sila sa party ni Rayver.

Continue reading below ↓

Hindi iyon nagustuhan ni Julia dahil naging mitsa raw ito para paghinalaan siya ng netizens na may kinalaman sa breakup nina Bea at Gerald.

Pero nanindigan si Julia noong wala siyang kinalaman sa isyu ng magkasintahan.

Balik sa pinakahuling panayam ni Boy kay Gerald nitong March 2021, nanindigan si Gerald na hindi niya ghinost si Bea.

Naging "very toxic" daw sila pareho bilang magkarelasyon, at ipinahiwatig ni Gerald na hindi raw pinakikinggan ni Bea ang anumang eksplinasyon niya.

Liban doon ay hindi raw para idetalye pa niya ang naging mitsa ng breakup at huli nilang pagkikita ni Bea.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuha sa video ang sweet kiss ng magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto noong Linggo ng gabi, March 7. Iyon ang 32nd birthday party ni Gerald na ginanap sa kanyang resort sa Botolan, Zambales.
PHOTO/S: CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results