Handa na raw sana si Ellen Adarna, 32, na maging "matrona" bago niya nakilala ang boyfriend na si Derek Ramsay, 44.
Nangyari ang pag-aming ito ni Ellen sa virtual interview ng celebrity photographer na si Raymund Isaac sa kanilang dalawa ni Derek noong March 6, Sabado.
Nagsimula ito nang ikinuwento ni Derek na hindi nagkataon ang pagkikita nila ni Ellen sa isang restaurant.
Tinawagan daw siya ng kaibigang si John Estrada na sumunod sa isang restaurant para makilala si Ellen.
Magkasama noon sina John at Ellen para pag-usapan ang kanilang TV5 sitcom.
Nang dumating daw si Derek sa restaurant, medyo nakainom na sina John at Ellen.
Ayon kay Derek, unforgettable ang una nilang pagkikita ni Ellen dahil tinitigan siya ng aktres.
Pagbabalik-tanaw ng aktor, “Ellen was coming from the toilet and I go, ‘Hi.’ And she just stops and stares at me. It was freaky."
Ito raw ang naibulalas ni Ellen: “Shit, ang guwapo!”
Sabi naman ni Ellen tungkol sa pagkikita nila ni Derek, “Nag-stop yung mundo ko. Hindi ko siya type sa pictures.
“'Tapos nung finally nakita ko na siya in person, ‘Ay, shet.’"
Natatawa pa niyang pag-amin, “Ready na akong maging matrona, actually. Ayoko na ng lalaki.”
Inusisa ni Raymond si Ellen kung seryoso ang kanyang sinabi.
Sagot niya, “Yes, as in I would tell my friends, ‘I don’t like men. I don’t trust them anymore.’”
Dahil daw sa failed relationships ni Ellen noon, nagdesisyon siyang pagtuunan ng atensiyon ang sarili at ang ang two-year-old son niyang si Elias, anak ng aktres sa dating partner na si John Lloyd Cruz.
Planado na rin daw ang magiging buhay ni Ellen sa Cebu.
Sabi niya, “Happy na ‘ko, e. Happy na ‘ko with Elias.
“Happy na ako with my life in Cebu. Everything was planned.
“I wasn’t looking for it at all. Self-love lang talaga.”
Matapos ang breakup nila ni John Lloyd noong 2019, kinumpirma ni Ellen noong April 2020 na may long-distance relationship siya sa Spanish guy na si Carlos Lemus.
Hindi naman tiyak kung kailan sila naghiwalay.
Kagaya ni Ellen, desidido rin daw si Derek noong huwag munang makipagrelasyon.
“I was tired, I was tired of being in relationships. Like, ‘Ano ba ‘to?’” pagtukoy ng aktor sa kanyang failed relationships.
Ang pinakahuling nakarelasyon ni Derek ay si Andrea Torres.
Kinumpirma ni Derek ang paghihiwalay nila ni Andrea noon lamang September 2020, pagkatapos ng isang taong relasyon.
Saad pa ni Derek, “I have to regroup if I really wanna find the right person, and have time naman for myself and here I am."
UNEXPECTED LOVE
Noong February 26, 2021, kinumpirma nina Ellen at Derek sa PEP.ph na isang buwan na silang magkarelasyon.
Whirlwind romance ang nangyari sa dalawa dahil nito lamang January 2020 sila nagkakilala.
Si Derek mismo ay aminado na unexpected ang pagmamahalan nila ni Ellen.
Paglilinaw niya, hindi nila itinanggi ang pagkakamabutihan nila. Pero may denial daw sa kanila ni Ellen na nagkakagustuhan na pala sila.
Saad ng aktor, “We never denied it. We just didn’t know. We didn’t know it was going.
“We just enjoyed our time. Everything happened so quick. Everything just clicked.”
Dagdag ni Derek, “Everybody around us knew, except us.”
Basta na lang daw nangyari ang lahat.
“When we both talked about it, there was no plans. She posted, I posted.
“We didn’t really talk about it. It just happened.
“In denial pa nga at first. Meron akong rule, two years ayoko ng relationship… boom.”
Use these Nike promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
