Kristoffer Martin confirms relationship with co-star Liezel Lopez; addresses cheater allegation

by Bernie V. Franco
Apr 6, 2021
Kristoffer Martin finally confirms relationship with Babawiin Ko Ang Lahat co-star Liezel Lopez. Last February, Kristoffer was accused of cheating his former live-in partner after breaking up with her and confirmed he found a new love.
PHOTO/S: @kristoffermartin_ and @liezel.lopez on Instagram

Tinuldukan na ni Kristoffer Martin, 26, ang mga bulung-bulungan tungkol sa relasyon nila ng kapwa Kapuso star na si Liezel Lopez, 23.

“Yes,” diretsahang pagkumpirma ni Kristoffer nang matanong kung sila na nga ba ni Liezel.

Nausisa si Kristoffer sa April 4 episode ng Kapuso late-night comedy talk show na The Boobay And Tekla Show.

Sina Kristoffer at Liezel ay magkasama sa GMA-7 afternoon drama series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Ipinagsigawan din ni Kristoffer ang pagmamahal niya kay Liezel sa kabila ng batikos na natatanggap ng kanilang relasyon.

Natanong kasi si Kristoffer kung mahal ba niya si Liezel at handa raw ba niyang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Walang alinlangang sagot ng aktor, “Yes and yun ang ginagawa ko ngayon... namin ngayon. Lumalaban kami parehas.”

Nasulat na rin dito sa PEP.ph na hindi na itinatago ni Kristoffer ang relasyon nila ni Liezel, pero walang kumpirmasyon mula sa panig ng aktor.

Continue reading below ↓

Naging kontrobersiyal ang relasyon nina Kristoffer at Liezel dahil inakusahang third party si Liezel kaya nakipaghiwalay si Kristoffer sa long-time girlfriend na si AC Banzon.

Noong February 2021, kinumpirma ni AC sa exclusive interview ng PEP.ph na nakipaghiwalay sa kanya si Kristoffer.

Ang ibinigay raw na rason ni Kristoffer, napagod na siya sa relasyon nila ni AC.

Hindi nagtagal, umamin din si Kristoffer na may ibang babae na siyang napupusuan. Lumulutang na noon ang pangalan ni Liezel.

Nakipag-break si Kristoffer kay AC isang araw matapos makabalik ng aktor mula sa lock-in taping ng pinagsasamahan nilang teleserye ni Liezel.

Pitong taon ang itinagal ng relasyon nina Kristoffer at AC. Mayroon silang anak na babae, ang apat na taong gulang na si Pré.

KRISTOFFER ADDRESSES CLAIMS THAT HE IS A CHEATER

Kaugnay ng masaklap na paghihiwalay nila ni AC, pinaratangan si Kristoffer ng panloloko.

Tuwirang sinagot ni Kristoffer ang akusasyong cheater siya.

Continue reading below ↓

Nirerespeto raw ni Kristoffer ang opinyon ng ibang tao sa kanya at idinagdag na nagkaayos na sila ng dating live-in partner.

Sabi niya, “For me naman, lahat ano, e, lahat naman entitled sa kanya-kanyang opinions.

“Natapos ko naman kung anong dapat tapusin. So, we are moving forward. Naayos na.”

Samantala, natanong din si Kristoffer kung ano ang kanyang ideal girl.

“Yung tanggap ka. Iba rin kasi yung sinusuportahan ka sa lahat ng bagay,” sagot ng aktor.

Nang makausap ng PEP.ph si AC, nausisa siya kung ano ang natutunan niya sa failed relationship nila ni Kristoffer.

Sagot ni AC noon, importante ang komunikasyon. Mahihinuhang kakulangan ng komunikasyon ang isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nila ni Kristoffer noon.

Pagbabahagi ni AC: “Kasi before, Ton [Kristoffer] told me, ‘I’ve been telling you this. I’m not okay, but you didn’t listen.’"

Naging vocal noon si Kristoffer na dumaan siya sa anxiety.

Pagpapatuloy ni AC, “It’s important to listen. It’s important to communicate, and it’s important to be consistent to your partner from start to finish.”

Continue reading below ↓

KRISTOFFER ON DAUGHTER, LOVE LIFE

Samantala, naging emosyonal si Kristoffer nang matanong kung ano ang nais niyang iparating sa kanyang anak.

Sabi ng aktor, “Hi, Pré, lagi ko ‘tong sinasabi, Daddy misses you every day.

“Magulo man ngayon, alam mong mahal na mahal kita kahit ganito man ang sitwasyon.

“Always know na kasama mo pa rin ako sa utak mo. Hinding-hindi kita papabayaan. Mahal na mahal ka ni Daddy.”

Inamin ni Kristoffer na nagkaroon na siya ng apat na girlfriends, at dalawa dito ay aktres, kabilang na nga rito si Liezel.

Sa kabila ng kanyang failed relationships, naninindigan si Kristoffer na hindi siya nagkamali sa mga taong minahal niya.

“Hindi mo naman mamahalin yung tao kung alam mong mali siya.

“Kung may makikita kang mali, makikita mo pa rin yung tama dun sa tao,” paliwanag ni Kristoffer.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristoffer Martin finally confirms relationship with Babawiin Ko Ang Lahat co-star Liezel Lopez. Last February, Kristoffer was accused of cheating his former live-in partner after breaking up with her and confirmed he found a new love.
PHOTO/S: @kristoffermartin_ and @liezel.lopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results