Former President Joseph Estrada's condition is improving, says Jinggoy

by Arniel C. Serato
Apr 7, 2021
Ex-senator Jinggoy Estrada (in striped shirt) issues latest medical bulletin of his father, former President Joseph Estrada's condition, today, April 7: "As per updates from my fathers physicians, he continues to be in stable condition. His kidney function is improving and his requirement for oxygen support is also slowly getting better. His other vital organs are functioning well."
PHOTO/S: Courtesy: JE Estrada / Joseph Ejercito Estrada on Facebook

Nasa maayos na kundisyon na raw ngayon si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, 83.

Ito ang ibinalita ng anak na si former senator Jinggoy Estrada sa kanyang inilabas na medical bulletin ngayong araw, April 7.

Umaasa din siyang tuluy-tuloy na ang paggaling ng ama.

Sabi niya sa kanyang post sa Facebook (published as is):

"Medical Bulletin of Fmr. Pres. Joseph Ejercito Estrada:

"As per updates from my fathers physicians, he continues to be in stable condition.

"His kidney function is improving and his requirement for oxygen support is also slowly getting better.

"His other vital organs are functioning well.

"We were informed by his physicians that his inflammatory markers are on a downward trend for which we are thankful and hopefully this signals that his immune system is responding well.

"We are praying that no new complications set in and that he continues to improve.

"Please continue to pray for him.

Continue reading below ↓

"Thank you very much for all your love and concern for my father. Very much appreciated.

"Maraming salamat muli."

Sa panayam sa Teleradyo kay Jinggoy kahapon, April 6, sinabi niyang nag-positibo din sa COVID-19 ang nakatatandang mga kapatid na babae ng dating Pangulo.

Dinapuan din ng COVID-19 ang kanyang asawa na si Precy Ejercito-Estrada.

Continue reading below ↓

Asymptomatic daw pareho ang kanyang mga tiyahin at asawa kaya hindi raw kinakailangang dalhin sa ospital.

Ayon pa sa dating mambabatas, baka daw nahawahan ang ama, asawa, at mga tiyahin dahil sa isang family dinner na kanilang dinaluhan kamakailan lamang.

Lahad ni Jinggoy: "Nag-dinner pa kami... Yung aking asawa, nag-positive kagabi.

"Yung aking mga tiyahin na kapatid ng tatay ko na mas matanda sa tatay ko, nag-positive rin and I think they are asymptomatic.”

Hindi na pinangalanan ni Jinggoy kung sino sa mga kapatid ng ama ang mga nahawaan.

"RESPECT HIS PRIVACY"

Samantala, nakiusap naman ang isa pang anak ng dating Pangulo na si former senator JV Ejercito sa mga taong huwag na daw ikalat ang mga larawan ng ama sa ospital.

Sabi niya sa kanyang Twitter ngayong araw din, “Sana wag na ikalat ang picture ni President Erap na nasa hospital in his present condition. Respect his privacy please. Ito po ay isang pakiusap.”

Continue reading below ↓

Isinugod sa ospital si dating Pangulong Joseph Estrada noong March 28 matapos itong mag-positibo sa COVID-19.

Kahapon naman, sinabi ni Jinggoy na lumala daw ang pneumonia ng ama kaya kailangan itong ilagay sa mechanical ventilation.

Ito ay upang maayos na makadaloy ang hangin para sa kanyang paghinga.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex-senator Jinggoy Estrada (in striped shirt) issues latest medical bulletin of his father, former President Joseph Estrada's condition, today, April 7: "As per updates from my fathers physicians, he continues to be in stable condition. His kidney function is improving and his requirement for oxygen support is also slowly getting better. His other vital organs are functioning well."
PHOTO/S: Courtesy: JE Estrada / Joseph Ejercito Estrada on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results