Isang dekada na sa showbiz si Rex Lantano, pero ngayong taon lang siya nabigyan ng pagkakataon na magbida sa Daddy Love series ng HeyPogi streaming service.
Nag-ekstra si Rex sa mga movies na Ekstra (2013), Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap? (2013), Alimuom ng Kahapon (2015), Best Partee Ever (2016), Gasping for Air (2016), What Home Feels Like (2017), Double Twisting Double Back (2018), at Culion (2019).
Nag-bit role siya sa walong episodes ng Maalaala Mo Kaya, ang drama anthology sa ABS-CBN.
Nag-bit role din siya sa Kapamilya shows na A Soldier’s Heart (2020), Kung Ako’y Iiwan Mo (2012), at Princess and I (2012).
Sa Kapuso network, lumabas siya sa Katipunan at apat na episodes ng Maynila.
Sa TV5, nasilayan siya sa Star Confession (2010), Kidlat (2013), Undercover (2013), at Wattpad.
May papel din siya sa Pinoy BL series na Better Days.
Nakausap ng awtor na ito si Rex sa pamamagitan ng palitan ng mensahe via Messenger nitong Huwebes ng gabi, Abril 8.
Dito naikuwento niya ang mga sinalihan niyang bit roles sa telebisyon.
Lahad ni Rex: "Noong 2011 pa po ang first acting project ko sa MMK. Supposed to be ay talent lang po ako.
"Naghanap sila ng pwedeng maging bully sa bida. Nakita ako ng PA. Kahit hindi pa ako marunong umarte, nag-go po ako.
"After that, kinukuha na po ako ng production pero naputol po ang pag-akting ko. Kasi, tinapos ko po muna iyung college, BA Communication sa FEU Manila."

Pagkatapos niyang magtapos ng kolehiyo, bumalik daw siya sandali sa pag-arte pero nahinto muli dahil madalang daw ang proyektong nakukuha niya.
"Bumalik po ako sa akting. Tapos, naputol po ulit. Kasi, sumubok akong mag-business dahil sa kawalan ng project, iyon pong Lola Mame Cafe & Restaurant sa Upper Bicutan, Taguig City. Ang specialty po namin ay kare-kare.
"Ngayong graduate na po ako saka may stable business na po, gusto ko na talagang mag-focus sa acting with the help of my manager Sir Ricky Gallardo."

ON HIS LOVE FOR ACTING: "dITO PO AKO MASAYA."
Aminado si Rex na marami siyang pinagdaanang pagsubok sa showbiz bago siya naging bida sa Daddy Love.
Siya ay 26 anyos ngayon.
"So many rejections po. Yung tipong kine-question ko na iyung sarili ko kung tama pa bang mag-stay ako sa showbiz," pag-amin ni Rex.
"May mga back-up plan po ako pero wala, e, nabalik-balik talaga ako dito sa pag-arte.
"Sa lahat ng mga ginagawa ko, dito ko talaga nakukuha iyung happiness ko.
"Siguro po, maswerte ako na supportive iyung family ko sa pag-arte ko and mga gusto kong gawin sa buhay."
Desidido si Rex na pagbutihan pa ang kanyang pag-arte.
"Nasa point po ako ng buhay ko na ako na lang iyung mahihiya sa kanila kung wala pong mangyaring maganda sa career ko as an actor.
"Yun yung nagpu-push sa akin para mas galingan at makilala po. Kasi, marami akong pinalagpas na opportunity sa ibang field dahil mas pinili ko po itong pag-arte.
"Dahil dito po talaga ako masaya."

on landing a lead role via DADDY LOVE online series
Enero 4 at 5, 2021 nag-shooting si Rex ng Daddy Love sa bahay ng producer na si Celo Sy sa San Juan City, Metro Manila.
Tinapos ng direktor na si Monti Puno Parungao ang 60 sequences sa loob ng dalawang araw.
Sumunod sila sa alituntunin ng IGA (Inter-Guild Alliance) na hanggang labindalawang (12) oras lang ang pagtatrabaho bawa’t araw.
Pebrero 28, 2021 in-upload sa HeyPogi YouTube Channel ang unang episode ng Daddy Love series.
Ang serye ay tungkol sa namuong pag-ibig sa pagitan ng masahistang si Kiko (karakter ni Rex) at IT expert na si Mark (ginampanan ni Victor Sy).
Rumaraket si Kiko bilang online shopper sa PasaBuy. Sideline niya ang pagmamasahe. Bagama’t hindi nag-e-E.S. o extra service si Kiko, nakipag-transact dito si Mark. Naging suki nila ang isa’t isa.
Paano ba siya nai-cast bilang bida sa Daddy Love?
"Nag-ask po sa akin si Sir Ricky last December 2020 kung natanggap ako ng gay role,” saad ni Rex.
"Kahit hindi ko pa po nabasa iyong script, hindi na po ako nagdalawang-isip. Knowing Sir Ricky, buo po ang tiwala ko sa kanya.
"And thankful po ako na ako iyung na-approve ng producer for Daddy Love."
Ayon kay Rex, peg niya sa Daddy Love ang karakter ni Coco Martin Masahista, isang indie film na pinalabas noong 2005.
"Nagplano po akong aralin yung sensual massage para maging makatotohanan sa series, pero dahil sa COVID-19 pandemic, di po possible,” lahad ni Rex.
"Pinanood ko yung Masahista ni Coco Martin. Iyun po yung naging basehan ko, saka mga points ng mga nasa set po.
"Napanood ko na po before ang Masahista dahil idol ko si Coco Martin. Nakakatuwa kasi yung pinagmulan niya at kung nasaan na po siya ngayon.
"Pinanood ko po ulit ang Masahista para dito sa Daddy Love. Magaling po si Coco. At bagay na bagay sa kanya yung role niya doon."
Nagpasalamat naman si Rex sa mga katrabaho na ginabayan siya sa papel niya para sa Daddy Love.
"Habang nasa shoot naman po, nakabantay si Sir Lex Bonife na maraming alam sa massage kaya itinatama po nila iyung mga mali ko.
Also the producer and si Direk Monti mismo, may experiences daw sa massage kaya gina-guide nila ako.
"Pinagtatawanan nila ang mga una kong massage. Hindi raw ako marunong magmasahe. Pang-extra service lang daw ako. Hahaha!
Napanood na ba ng mga kapamilya niya ang Daddy Love?
"Hindi ko po alam if napanood na nila. For sure, maninibago sila. Kasi, hindi nila alam na kaya kong gumawa ng pa-sexy na role.
"Nasanay po kasi sila na pa-cute-cute lang mga projects ko before."
Kaya ba niyang mag-frontal o higit pa sa mga susunod niyang proyekto?
"Basta approved po sa manager kong si Sir Ricky iyung script and all, go po ako. Siya po talaga iyung pinili kong masunod sa career ko po."
INTIMATE SCENES ON DADDY LOVE
Balbas-sarado ang co-star niyang si Victor Sy. Nakiliti ba siya sa balbas nito?
"Hindi naman. Pag-cut ni Direk, tayo at bihis na kami agad. Yung mga ganung eksena, saglit lang po namin kinukunan,” paliwanag ni Rex.
"May kissing scene po kami, pero saktong kissing scene lang. Yung massage scenes sa episode 2, may mga pagdikit-dikit po ng katawan at alam mo na...
"Yung mga sensual scene, super saglit lang po namin ginagawa. Mabilisan lang po talaga lahat hehe."

Sinasabing may pasabog na maselang eksena sina Rex at isa pang co-star na si Khel Cayetano sa online series.
Sabi ni Rex sa WTFu interview with Mr. Fu, dumampi ang labi ni Khel sa kanyang private part.
"Hehe double brief naman. So, noong hinabaran niya ako ng pants at ng brief, may naiwan pang isang brief," paglilinaw ni Khel sa awtor na ito.
"And yes, totoo po iyung naramdaman ko na dumidikit iyung labi ni Khel sa ano ko kahit malayo iyung shot. Pwedeng daya na lang pero parang tinotoo niya."
Nakiliti ba siya sa paghagod ni Khel? Nadarang kahit paano?
Pagmamatwid ni Rex: "Sa totoo lang po, na-weird-uhan kesa nakiliti. Kasi, puwede naman talagang movement na lang ng ulo niya iyun, kasi, back shot naman pero bakit may pagtama?”
"Pero hinayaan ko na po para mabilis po kaming matapos kesa magkailangan pa, magkaproblema pa po sa set hehe.
"Good vibes lang po lahat kami sa shoot that time."

Prangkang inilarawan din ni Rex na hindi siya apektado na bahagyang sumagi ang labi ng co-star sa kanyang private part na natakpan naman daw ng briefs.
"Si Direk Monti, ilang beses akong sinabihan na patigasin ko naman hahaha!
"Na-stress na siya kakasabi sa akin pero wala po talaga, e. Ayaw gumising. Hahaha.
"Kahit po tumama-tama iyong labi ni Khel sa ano ko, wala po talaga, e! Haha!"
Saan ba ang kiliti niya?
Sagot uli ni Rex, "Sa kaliwang binti po. Di ko po kinakaya yung kiliti ko dun. Haha!"
on indecent proposals from GAYS
Naranasan na ba niyang magpa-BJ sa totoong buhay?
Mabilis ang tugon ni Rex, “Naman HAHAHA!"
Pero nilinaw niya na wala pa raw siyang karanasan sa gay.
Nakaranas na ba siya ng indecent proposals mula sa kapwa lalaki?
Pag-amin ni Rex, "So far, pag may nag-a-attempt, naha-handle ko naman po nang maayos.
"Malakas na po ang kutob ko sa ganun, kaya bago lumala, naiiwasan na po.
"Nung lumabas po itong Daddy Love, ang daming messages akong natatanggap na gustong maging sponsor, mostly mga parang tatay na po. Hehe!"
STRAIGHT TALK ABOUT REX'S SEX LIFE
Kinse anyos daw si Rex nang unang makatikim ng halimuyak ng babae.
Sa present time, mahigit isang taon na mula nang itakda ang community quarantine sa bansa.
Paano ang sex life niya during COVID-19 pandemic?
"Wala po! Hahaha kaya babawi after pandemic, aaraw-arawin. HAHAHAHAH."
Tigang na tigang siya?! Nakapagtiis?! Walang outlet?!
"Para safe, kasi, may mga kasama dito sa bahay haha! Mahirap na po, baka mapasarap nga pero baka magkasakit pag saan-saan nagpupunta," katwiran ni Rex.
Sa edad na 26, nagma-masturbate pa ba siya? "Haha palagi!"
Mahusay ba siyang humalik?
Natatawang sagot uli ni Rex, "Master ko iyang kissing, lalo pag good breath ka-kiss ko, laban na laban HAHA!"
Nakakatakot makipaghalikan habang laganap ang coronavirus.
"Haha totoo. Unless magpa-RT-PCR test kaming sabay bago mag-kiss HAHAHAHAH joke!"
Ano ang pinaka-wild na karanasan niya sa pakikipagtalik?
"Sa taas ng bundok po. HAHAHA!"
Ayaw namang banggitin pa ni Rex kung saang bundok at kailan naganap iyon dahil baka mapagtagpi-tagpi raw ng mga nakakakilala sa kanya.
Sa huli, iniugnay ni Rex ang kahalagahan ng safe sex na isa sa mapupulot na paalala sa online series niyang Daddy Love.
“Yung maging maingat po sa pakikipagtalik. Safe sex dapat,” sabi ni Rex.
Gumagamit ba siya ng condom?
"Always po. Kahit nung unang beses ko po. Una, takot akong makabuntis, at takot po akong magkasakit."
