Nakalipat na sa regular room si dating Pangulong Joseph Estrada matapos itong magnegatibo sa COVID-19.
Ito ang ibinalita ng anak niyang si dating Senator Jinggoy Estrada sa pamamagitan ng Facebook ngayong araw ng Miyerkules, April 14.
Wala nang lagnat at nakakakain na rin daw ang 83-year-old actor-turned-politician.
Sa mga susunod na araw ay ililipat na rin daw sa non-COVID area sa ospital ang dating Pangulo.
Hangad pa rin ni Jinggoy ang patuloy na dasal ng publiko para sa ama at sa iba pang nakikipaglaban sa COVID-19.
Narito ang buong pahayag ni Jinggoy:
"MEDICAL BULLETIN OF FMR. PRES. JOSEPH EJERCITO ESTRADA:
"My father is back to a regular room and will be transferred to the non-covid area in a few days.
"He is still on oxygen but no longer high flow and only by nasal cannula.
"He has no more fever and is eating well.
"He is well-oriented and conversing normally.
"Our family wishes to thank everyone who offered their prayers and support.
"Please continue to pray for him and to all those afflicted by this disease.
"Maraming salamat po."
Kahapon, April 13, ibinahagi naman ni Jinggoy ang larawan ng ama habang naka-thumbs up sign sa hospital bed nito.

Isinugod sa ospital ang nakatatandang Estrada noong March 28 dahil nagpositibo ito sa COVID-19.
April 6, kinabitan siya ng mehanical ventilation upang makahinga nang maayos.
Nagnegatibo sa COVID-19 ang dating mayor ng Manila kahapon din.
