Bumubuti na raw muli ang kalagayan ni dating Pangulong Joseph Estrada, 83, matapos siyang ibalik sa intensive care unit (ICU) kahapon, April 16, 2021.
Ito ay ayon sa medical bulletin na ipinost ng kanyang panganay na anak na si dating Senador Jinggoy Estrada ngayong araw, April 17, 2021.
Dagdag pa ni Jinggoy, binabawasan na ang gamot niya para sa blood pressure support at nag-i-improve na rin daw ang kidney function ni Erap.
Nananatili rin daw “alert and oriented” ang dating presidente kahit patuloy itong naka-oxygen support.
Narito ang kabuuan ng post ni Jinggoy:
“MEDICAL BULLETIN OF FMR. PRES. JOSEPH EJERCITO ESTRADA:
“My father is doing better today.
“His medications for blood pressure support are being lessened and his kidney function is improving.
“Overall, he seems to be responding well to measures to control the lung infection.
“He is still on oxygen support but continues to be alert and oriented. He still remains at the ICU for further monitoring.
“Please continue to pray that his progress continues.
“Thank you so much.”
Isinugod ang dating Pangulo sa ospital noong March 28 matapos niyang magpositibo sa COVID-19.
Noong April 6, kinabitan siya ng mechanical ventilator upang maayos na makahinga.
At noong April 13, nagnegatibo na sa COVID-19 ang dating public servant.
Kahapon, April 16, ibinalik sa ICU si Erap, pero sa non-COVID area ng ospital, matapos makitaan ng mga doktor na may impeksiyon sa baga ang dating Pangulo.
Kailangan din daw bantayan ang blood pressure ni Erap dahil tumaas ito dahil sa nasabing impeksiyon.
