Nanawagan ang local government unit (LGU) ng Quezon City sa lahat ng pumunta at nakipila sa community pantry ni Angel Locsin na dumulog sa kanilang tanggapan upang ma-swab test.
Kasunod pa rin ito sa hindi nakontrol na dagsa ng tao sa community pantry na inorganisa ni Angel para sa pagdiriwang ng kanyang ika-36 kaarawan noong nakaraang Biyernes, April 23, 2021.
Dahil sa libu-libong taong pumunta at pumila sa nasabing community pantry, hindi nasunod ang social distancing at iba pang health protocols ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ang COVID-19.
Sa Facebook page ng lungsod kagabi, April 24, inanunsiyo na yung mga taong pumunta sa event na nakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19, katulad ng ubo at lagnat, ay hinikayat nilang magtungo sa tanggapan upang ma-check up.
Nakalagay sa accouncement: “Residents and fans of Angel Locsin who went to the community pantry set up by the actress-philanthropist are invited by the Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) to avail of the city’s free swab testing service.
“According to CESU chief Dr. Rolando Cruz, residents who are showing COVID-19 symptoms such as flu and cough after going to yesterday’s event at the Titanium Bldg., Brgy. Holy Spirit need to come forward and have themselves checked.”
Ni-repost naman ito ng aktres sa kanyang Instagram.
Nakalagay sa kanyang caption, "According to CESU chief Dr. Rolando Cruz, residents who are showing COVID-19 symptoms such as flu and cough after going to yesterday’s event at the Titanium Bldg., Brgy. Holy Spirit need to come forward and have themselves checked.
"Affected residents may book an appointment online via http://bit.ly/QCfreetest.
"They may also call any of the following QC Contact Tracing Hotlines: 8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086, 0931-095-7737."
View this post on Instagram
Naging hot topic sa social media ang ginanap na charity event ni Angel dahil isang senior citizen, ang 67-year-old na si Rolando dela Cruz, ang hinimatay habang nakapila at binawian ng buhay nang dalhin sa ospital.
Bukod dito, dumagsa ang libu-libong tao, na ilan sa kanila, ayon sa kapitan ng Brgy. Holy Spirit na si Felicito Valmocina, ay mga fans na dumayo mula sa iba't ibang lugar.
Humingi na ng paumanhin si Angel sa mga pangyayari.
Ang sabi niya sa TV Patrol, "Humihingi lang din po ako ng tawad sa lahat ng naabala. Hindi ko po talaga intensiyon, pansensya na po talaga.
"Alam ko wala pong papel or silbi ang paghihingi ko ng tawad o pasensiya dahil sa mga nangyari pero wala na po talaga akong masasabing iba kundi sorry lang po talaga."
