Kiko Estrada finally confirms breakup with Devon Seron: “I'm single.”

by Arniel C. Serato
Apr 26, 2021
Kiko Estrada reveals he is single now following rumor of his breakup with Devon Seron in March 2021.
PHOTO/S: Courtesy: Screenshot from Magandang Buhay on YouTube / @devonseron on Instagram

Kinumpirma ni Kiko Estrada na single na siya ngayon.

Ibig sabihin, hiwalay na talaga sila ng ex-girlfriend niyang si Devon Seron.

Sa Magandang Buhay episode ng ABS-CBN ngayong araw, April 26, naging panauhin si Kiko at ang ina niyang si Cheska Diaz.

Inusisa ng mga host na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal si Cheska tungkol sa lagay ng puso ng anak.

Pero ayon kay Kiko, siya ang nararapat sumagot sa katanungan tungkol sa kanyang love life.

Sabi ng 25-year-old Kapamilya actor, “I guess I can answer that. Yeah, I'll take this one from my mama.

“I think it's a proper way for a boy, for a man to say my status in life, not his mother."

Wala mang binanggit na pangalan, sinagot na ni Kiko ang matagal nang katanungan ng marami kung break na nga ba talaga sila ni Devon.

"Well, yeah, I'm single,” sabi niya.

Dagdag pa ni Kiko, “So, I focus on work. Kasi ang pangit if my mom's going to say this for me.

Continue reading below ↓

“So, I will take this, Mom. My mom told me that for people to respect me you have to do the right thing."

Pumutok ang isyung hiwalayan nina Kiko at Devon noong March 2021 dahil sa cryptic post ng aktres sa Instagram.

Nakalagay sa post ni Devon: “The tongue may hide the truth but the eyes never.

“I asked God for a sign but I witnessed it for myself.”

Kaagad namang naghinala ang netizens na may problema sa relasyon nina Devon at Kiko.

Dito na rin lumutang ang pangalan ni Heaven Peralejo, na itinuturo ng netizens na diumano’y third party sa hiwalayan ng dalawa.

Magkasama sina Heaven at Kiko sa teleseryeng Bagong Umaga.

Mariin namang pinabulaanan ni Heaven na may kinalaman siya sa hiwalayan nina Kiko at Devon.

Pati ang ina ni Heaven na si Shiela Luanne Peralejo-Angeles ay naglabas din ng pahayag kaugnay sa pagkadawit ng anak sa hiwalayan ng dalawa.

Continue reading below ↓

Humingi siya ng public apology mula sa mga taong kumaladkad sa pangalan ni Heaven sa issue.

Samantala, hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Devon sa breakup nila ni Kiko.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiko Estrada reveals he is single now following rumor of his breakup with Devon Seron in March 2021.
PHOTO/S: Courtesy: Screenshot from Magandang Buhay on YouTube / @devonseron on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results