Kim Chiu says ex-boyfriend doesn't want to be friends with her

by Rachelle Siazon
Jun 1, 2021
When asked if she experienced being cheated on by someone, Kapamilya actress Kim Chiu candidly replied, "Yeeesss! Truuuuth! True!"
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram

Natatawa na lang si Kim Chiu, 31, nang mapag-usapan ang tungkol sa dati niyang nobyo na hindi niya pinangalanan.

Sa kanyang vlog noong May 30, sumabak siya sa "Truth or Drink Challenge" kaya nausisa ito kung payag ba siya sakaling makipagkaibigan sa kanya ang ex-boyfriend.

"Friends naman kami. Friends kami!" natatawang saad ni Kim.

Sabay ipinahiwatig niyang hindi sila nanatiling magkaibigan ng tinutukoy na dating karelasyon.

Natatawang hirit niya, "Ayaw lang niya ako maging friend!"

Tinanong din si Kim kung naranasan na ba niyang manloko ng karelasyon.

Sagot niya, "Never!"

Sumunod na tanong sa kanya: "Have you ever been cheated by someone?"

Diretsong sagot ni Kim, "Yeeesss! Truuuuth! True!"

Dati nang nabanggit ni Kim sa isang TV interview na naranasan niyang maloko ng isa nitong ex-boyfriend.

Natawa naman ang mga kasama ni Kim na kumukuha ng vlog niya, pero hindi na nagdetalye si Kim tungkol sa karanasang iyon.

Ang hindi raw naranasan ni Kim ay ang magpautang sa isang karelasyon.

Continue reading below ↓

Sabi niya, "No, wala pa. Pasalamat na lang sa Diyos at mga naging karelasyon ko ay may pera naman sila."

Hindi kaila sa publiko na isa lang ang ex-boyfriend ni Kim, at iyon ay ang dati rin niyang ka-love team na si Gerald Anderson.

Apat na taon silang magkarelasyon hanggang sa naghiwalay sila noong 2010.

Kilala ang kanilang tambalan bilang Kimerald.

Nagbalik-tambalan sila sa Kapamilya teleserye na Ikaw Lang Ang Iibigin, na umere mula May 2017 hanggang January 2018.

Sa ngayon, si Kim ay masaya sa piling ng longtime boyfriend na si Xian Lim. Siyam na taon na silang magkasintahan.

Si Gerald ay masaya rin sa bagong karelasyon na si Julia Barretto.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When asked if she experienced being cheated on by someone, Kapamilya actress Kim Chiu candidly replied, "Yeeesss! Truuuuth! True!"
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results