Showbiz History: Gerald Anderson tearfully admits hurting Kim Chiu’s feelings

by Jet Hitosis
Oct 12, 2020
On October 12, 2010, Gerald Anderson suddenly bursts into tears during a press conference for his movie Till My Heartaches End with then love team partner and rumored girlfriend Kim Chiu after he was asked about the current status of their relationship.
PHOTO/S: @andersongeraldjr, @chinitaprincess on Instagram, PEP file

October 12, 2010.

Eksaktong sampung taon na ang nakalipas nang naging malaking balita ang pag-iyak ni Gerald Anderson habang inaaming nasaktan niya ang damdamin ng love team partner at noon ay rumored girlfriend na si Kim Chiu.

Nangyari ito sa press conference ng pelikula nina Kim at Gerald, ang Till My Heartaches End, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Compound, Quezon City.

Twenty-one years old noon si Gerald, at 20 years old si Kim.

Apat na taon na noon ang kanilang love team, na binansagan ng fans bilang “Kimerald.”

Apat na taon na rin ang “special relationship” sa pagitan nila.

Pero bago pa ang presscon, kalat na ang balitang tapos na ang anumang namamagitan kina Kim at Gerald.

Iniuugnay ang kanilang breakup sa pagkaka-link ni Gerald sa iba’t ibang babae, na natural na ikinagalit ng maraming Kimerald fans.

Iyon din ang mga panahong nababalita ang panliligaw ni Gerald sa isa pang Kapamilya actress na si Bea Alonzo.

Continue reading below ↓

TEARFUL, APOLOGETIC GERALD

Kumpirmadong apektado noon si Gerald sa sapin-saping intrigang kinakaharap niya.

Hindi niya kasi napigilan ang sariling maging emosyunal sa question ng isang entertainment columnist: Natanong na ba ni Gerald si Kim kung mahal siya nito?

Sa halip na sagutin ang tanong, inamin ni Gerald ang mga naging pagkukulang niya kay Kim.

“Sa loob po ng four years, na nagkaroon kami ng special relationship, we shared very happy moments together. We cared for each other.

“There are times nga na we hurt each other. Mas madalas mas ako. Pero, masakit kasi...” dito na nagsimulang mapaiyak si Gerald habang katabi si Kim.

“Ang dami kong ibinigay kay Kim na problema, heartaches,” pag-amin ni Gerald. “Pero tinanggap pa rin niya ako.

“Sa akin kasi, alam ko kahit kailan, kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin mapapantayan yung lahat ng ginawa ni Kim para sa akin. Yung pagtanggap sa akin.

Continue reading below ↓

“Ayoko kasi nung makaka-hurt ako ng tao.”

Gerald and Kim at Till My Heartaches End presscon

THREATS FROM FANS

Ibinunyag noon ni Gerald na ilang Kimerald fans ang nagagalit sa kanya dahil sa pananakit sa damdamin ni Kim.

Buong pagpapakumbabang inamin ng aktor na tulad ng karaniwang tao ay nagkakamali rin siya.

Continue reading below ↓

Pero ayon kay Gerald, hindi na sana umaabot sa puntong nadadamay na ang kanyang pamilya.

Nakakatanggap na raw kasi noon ang aktor ng mga pagbabanta sa kanyang buhay.

“Siguro nakalimutan nila [fans] na tao din ako,” patuloy ni Gerald habang umiiyak. “Nagkakamali rin ako.

“Magiging sinungaling din po ako kung sasabihin ko na hindi ako nasasaktan. Na may mga fans na nag-backout at ayaw na akong suportahan.

“Marami na akong natatanggap na hate mails sa bahay ko. Mga mahal ko sa buhay nadadamay.

“Kasi kung ako lang, kaya kong tanggapin lahat ng mga [ibabato] sa akin. Pero iba na pag nadadamay na pati pamilya ko.

“May tumawag nga noong isang araw at sinabi sa nanay ko na papatayin daw ang anak niya. Siyempre po, medyo iba na yun, di ba?”

Kasunod nito, tumayo si Gerald at tinungo ang backstage.

Hindi na nakabalik sa presscon si Gerald. Nagkaroon siya ng medical emergency matapos mag-hyperventilate dulot ng sobrang bugso ng damdamin.

Continue reading below ↓

KIM TO FANS: “TANGGAPIN NA LANG NATIN”

Naiwan sa stage si Kim at ang iba pang cast members ng Till My Heartaches End.

Napaiyak na rin si Kim nang makiusap sa Kimerald fans na tigilan na ang pagbabanta kay Gerald, at maging kay Bea.

“Sana maging okay ang lahat. Kasi ako, okay ako,” umiiyak na sabi ni Kim.

“Ayoko lang nung—'papatayin si Bea, tatapunan daw ng asido, papatayin si Gerald.' Ayoko yung ganun, e.

“Tanggapin na lang natin kung anuman yung nangyari. Sana tanggapin nila at maintindihan nila na may personal din kaming buhay.”

Pakiusap ni Kim sa fans, intindihin na lang nila si Gerald.

Nasasaktan daw kasi siya sa mga negatibong sinasabi ng tao tungkol sa kanyang love team partner.

“Yung mga taong nagsasabi ng masama tungkol kay Gerald, minsan, ako rin yung nasasaktan para sa kanya.

“Kasi tao din naman siya, nagkakamali.

“Sana intindihin na lang siya. Tanggapin natin kung ano ang nangyayari,” sabi ni Kim.

Continue reading below ↓

RELATED STORY

THE KIMERALD

Taong 2006 nang mabuo ang Kimerald love team nina Kim at Gerald bilang kapwa housemates sa Pinoy Big Brother: Teen Edition.

Si Kim ang nagwagi sa nabanggit na reality TV series, habang third placer naman si Gerald.

Patok na patok noon ang tambalang Kimerald, kaya naman pagkalabas sa Bahay ni Kuya, nagsunud-sunod na ang projects nina Kim at Gerald bilang Star Magic talents.

Ang Star Magic ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Napanood ang Kimerald sa Kapamilya fantasy-romance series na Love Spell at sa sitcom na Aalog-alog.

Nang taong ding iyon, ginawa nina Kim at Gerald ang una nilang pelikula, ang First Day High, kung saan co-stars sila nina Maja Salvador, Geoff Eigenmann, at Jason Abalos.

Pagsapit ng 2007, bida na sina Kim at Gerald sa una nilang primetime series, ang Sana Maulit Muli.

Top-rating ang unang seryeng ito ng Kimerald bilang Poknat (Kim) at Bokbok (Gerald).

Kalaunan ay napanood din ang Sana Maulit Muli sa Taiwan, China, at Singapore.

Continue reading below ↓

Kim and Gerald for Sana Maulit Muli

Sa parehong taon, ipinalabas ang launching movie nina Kim at Gerald, ang I’ve Fallen For You.

Sa pelikulang ito kinilala ang Kimerald bilang “Most Popular Loveteam” ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Usap-usapan na noong totoong nagkakamabutihan na sina Kim at Gerald.

Pero todo-tanggi noon si Kim, habang si Gerald, aminadong gusto niyang ligawan ang ka-love team.

Continue reading below ↓

A PINK CAR from gerald, GOLF CART from kim

Nang magdiwang ng 18th birthday si Kim noong April 19, 2008, nagpahayag si Gerald ng kagustuhang pormal na ligawan ang young actress.

At mukhang desidido talaga ang aktor na mapasagot ang ka-love team.

Sa belated birthday celebration ni Kim sa Glass Garden sa Pasig City noong April 26, 2008, totoong nanggulat at nagpakilig si Gerald sa iniregalo niya para sa 18th birthday ng dalaga.

Isang brand-new pink Ford Lynx car.

Reaksiyon ni Kim: “Nagulat na lang ako, kasi sinabi ko 'yon sa birthday presscon ko, na gusto ko ng pink car.

“Hindi ko naman alam na tototohanin niya [Gerald] pala.

“Nagulat ako, 'tapos sabi ko, ‘Bakit?' Sabi niya ‘Wala. Kasi kung magbibigay ako ng iba, hindi mo naman magagamit,’” kuwento ni Kim sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nag-alanganin pa noon ang aktres na tanggapin ang mamahaling regalo ni Gerald.

Sa katunayan, ipinapasauli raw ng ama ni Kim ang kotseng bigay ng aktor, pero kinontra ito ni Gerald.

Continue reading below ↓

“Nung una ayaw niyang [ama ni Kim] tanggapin," sabi ni Kim.

“'Tapos nagagalit pa siya [Gerald], sabi niya, ‘Sayang naman yong effort ko na maghanap ng ganitong kotse 'tapos papakulayan ng pink.’ Sayang naman daw,” dagdag ng aktres.

Nilinaw noon ni Kim na hindi ang matamis niyang “oo” ang kapalit ng kotseng regalo ni Gerald.

Doon na umamin si Kim na nag-aalanganin talaga siyang magkaroon ng romantic relationship sa ka-love team, dahil posibleng maapektuhan nito ang kanilang trabaho.

Katwiran noon ni Kim: “Dahan-dahan lang, kasi nakakatakot din pag kayo magka-love team.

“Paano kung mangyari mag-away kayo, masisira yung trabaho… kasi ako yung breadwinner ng pamilya ko.”

Continue reading below ↓

Para tumbasan ang mamahaling regalo ng ka-love team, binigyan ni Kim ng two-door refrigerator si Gerald nang magdiwang ng 20th birthday ang huli.

Sa 21st birthday ni Gerald, isang Louis Vuitton bag at golf cart naman ang natanggap ng aktor mula kay Kim.

MATURE ROLES FOR KIMERALD

May 2008, nagbida si Kim sa Pinoy adaptation ng Korean series na My Girl. Siyempre pa, si Gerald ang katambal ng aktres.

Nang sumunod na taon, 2009, kasabay ng pag-amin nina Kim at Gerald na exclusively dating sila, mas matured na ang roles ng Kimerald sa teleseryeng Tayong Dalawa.

Sa serye, gumanap na kapatid ni Gerald si Jake Cuenca.

Iisa lang ang pangalan ng karakter nina Gerald at Jake—David Garcia Jr.

Iisa lang din ang kanilang ambisyonang makapagsilbi sa military.

At iisa rin ang babaeng kanilang minahal—si Audrey (Kim).

Sa serye ring ito unang nagkaroon ng love scene sina Kim at Gerald, dahil gumanap sila sa papel ng mag-asawa.

Continue reading below ↓

Gerald and Kim in

THE END OF A SPECIAL RELATIONSHIP

Pinaka-busy ang taong 2010 para sa Kimerald. Gumawa kasi ng dalawang pelikula at isang teleserye sina Kim at Gerald.

Muli silang napanood sa isa pang top-rating primetime series, ang Kung Tayo’y Magkakalayo.

Bukod dito, magkasunod ding ipinalabas ang mga pelikula nilang Paano Na Kaya? at Till My Heartaches End.

Continue reading below ↓

Gerald and Kim in Till My Heartaches End

Pero iyon din ang taon na nagtapos ang anumang espesyal na namamagitan sa dalawa.

Noong una ay kapwa umiwas sina Kim at Gerald na magdetalye tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Iyon ay sa kabila ng kahit minsan, hindi inamin ng magka-love team na nagkaroon nga sila ng romantic relationship.

Continue reading below ↓

Sa interview ng defunct ABS-CBN showbiz talk show na The Buzz kay Gerald noong September 5, 2010, ipinaliwanag ng aktor ang namagitan sa kanila ni Kim.

“Nagkaroon po kami ng isang special relationship,” pag-amin ni Gerald sa host na si Boy Abunda.

“We cared for each other. We were there for each other.

“Nagkaroon ba kami ng commitment? Hindi po. Hindi po kami boyfriend-girlfriend, but we had a special relationship,” rebelasyon ni Gerald.

Sa panayam na iyon ay nagbanggit si Gerald ng dahilan sa kanilang hiwalayan.

Sabi ni Gerald: "Na-realize namin na ang priority namin ngayon is our careers. Trabaho po namin. Na-realize namin na bata pa kami.”

Mapapansing career ang idinahilan ni Gerald kay Boy sa breakup nila ni Kim.

Pero sa presscon ng Till My Heartaches End, inamin ni Gerald na nasaktan niya ang damdamin ng ka-love team sa pagkaka-link niya sa ibang babae.

Mahigit isang buwan lang ang pagitan ng interview ni Boy kay Gerald at ng pagdalo ng aktor sa presscon.

Continue reading below ↓

KIMERALD GOING SEPARATE WAYS

Nang sumunod na mga buwan, nagkani-kanya na ng projects sina Kim at Gerald.

Ipinareha si Kim sa bagong love team partner niya, ang Kapamilya actor na si Xian Lim.

Samantala, kumpirmadong nakarelasyon nga ni Gerald si Bea noong 2010, pero naghiwalay rin sila makalipas ang ilang buwan dahil na rin sa pressure ng Kimerald fans sa aktor.

Sa pelikula, ipinareha si Gerald sa singer-actress na si Sarah Geronimo noong 2011. Parehong blockbusters ang pinagbidahan nilang Catch Me I’m In Love at Won’t Last A Day Without You.

Pero noong November 2012, muling nagtambal sina Kim at Gerald para sa isang segment ng 24/7 In Love movie.

Pinagsama-sama kasi sa pelikula ang lahat ng Kapamilya love teams bilang 20th anniversary offering ng Star Magic.

REUNITED: KIM AND GERALD

Makalipas ang limang taon, nagdiwang ang Kimerald fans noong 2017 nang magkaroon ng reunion project sina Kim at Gerald.

Continue reading below ↓

Muli silang nagtambal sa drama series na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Nang mga panahong iyon, longtime boyfriend na ni Kim ang love team partner niyang si Xian.

Si Gerald naman, ilang buwan pa lang ang nakalipas nang makipagbalikan kay Bea.

Kim and Gerald in Ikaw Lang Ang Iibigin presscon

NON-COMMITTED RELATIONSHIP HAS NO CLOSURE

Sa interview ng dating Kimerald sa Tonight With Boy Abunda noong April 28, 2017 para i-promote ang Ikaw Lang Ang Iibigin, nagbalik-tanaw ang magka-love team sa kanilang past.

Continue reading below ↓

Inusisa ng host na si Boy Abunda kung ano ang ginawa ni Kim sa pink car na birthday gift ni Gerald, pagkatapos nilang maghiwalay.

“Wala na po,” sagot ni Kim kay Boy. “Nakatulong naman siya, kasi nag-foundation naman ako dun sa ibinenta kong kotse.”

Sa isang bahagi ng panayam, naitanong ni Boy kina Kim at Gerald kung paano ba talaga sila naghiwalay noong 2010.

Matagal na natigilan ang dalawa, na nagkatinginan pa.

Maya-maya, natatawang inamin ni Kim na wala silang maayos na closure ni Gerald.

Sabi ni Kim: “Walang closure. Basta hindi na lang kami nag-text.”

Alanganin namang sinang-ayunan ni Gerald ang sinabi ni Kim. Hindi na raw kasi niya maalala ang mga nangyari, ayon sa aktor.

KIM AND GERALD NOW

Sa ngayon, nananatiling matatag ang relationship ni Kim sa reel-and-real life partner na si Xian.

Noong nakaraang buwan lang nagtapos ang matagumpay nilang afternoon soap na Love Thy Woman.

Continue reading below ↓

Samantala, muling nagkahiwalay sina Gerald at Bea noong July 2019.

Kontrobersiyal ang ikalawang breakup nina Gerald at Bea dahil itinuturong third party ang young actress na si Julia Barretto.

Bukod dito, iginiit ni Bea na na-ghosting siya ni Gerald dahil basta na lamang daw siya hindi kinausap ng aktor.

Ibig sabihin, hindi maayos na nakipaghiwalay si Gerald kay Bea, gaya ng kung paanong wala ring closure noon si Gerald kay Kim.

Makalipas ang mahigit isang taon, wala pa ring isinasapublikong girlfriend si Gerald hanggang ngayon.

Gayunman, hindi matapos-tapos ang pagli-link ng netizens sa kanya at kay Julia.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On October 12, 2010, Gerald Anderson suddenly bursts into tears during a press conference for his movie Till My Heartaches End with then love team partner and rumored girlfriend Kim Chiu after he was asked about the current status of their relationship.
PHOTO/S: @andersongeraldjr, @chinitaprincess on Instagram, PEP file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results