Kristoffer Martin, Liezel Lopez now more open about their relationship

by Ruel J. Mendoza
Jun 13, 2021
Ibinahagi ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa kanyang Instagram Stories ang naging date nila ng girlfriend na si Liezel Lopez sa isang restaurant kahapon, June 12, with the caption “may nag-date.”
PHOTO/S: @kristoffermartin on Instagram

Pagkatapos aminin ang kanilang relasyon, malaya nang mag-post ng mga larawang magkasama sila sa social media ang Kapuso stars na sina Kristoffer Martin at Liezel Lopez.

Sa Instagram Stories ni Kristoffer nitong June 12, Sabado, ibinahagi niya ang naging date nila ni Liezel sa isang restaurant with the caption “may nag-date.”

Nilagyan pa niya ng caption na “‘mine & hers” ang in-order nilang drinks.


Continue reading below ↓


Sa larawan naman ni Liezel na nasa loob ng sasakyan, nilagyan ito ni Kristoffer ng caption na “Eto ang pinakapaborito kong porma mo @liezl.lopez.”


Continue reading below ↓

Sa Instagram account naman ni Liezel last June 4, may post ang StarStruck 6 alumna na may caption na “YOU want to know who I am in love with? Read the first word again.”

Nag-comment si Kristoffer ng “gulat me.”

Nag-reply naman si Liezel ng kiss at two hearts emoji.


Continue reading below ↓

KRISTOFFER AND LIEZEL CONFIRM THEIR RELATIONSHIP

Sa April 4 episode ng programang The Boobay And Tekla Show, inamin ni Kristoffer na totoo ang balitang may relasyon sila ni Liezel.

Hindi nagdalawang-isip na sagutin agad ni Kristoffer ang tanong sa kanya ng hosts ng TBATS na sina Boobay at Super Tekla kung totoong karelasyon na niya si Liezel.

Handa raw ipaglaban nila Kristoffer at Liezel ang kanilang relasyon.

Gumanap na magkapatid sina Kristoffer at Liezel sa Kapuso afternoon drama series na Babawiin Ko Ang Lahat, na nagtapos noong May 21.

"Yes, and yun yung ginagawa namin ngayon. Lumalaban kami,” pahayag ng aktor.

Dinepensahan din ng aktor ang sarili sa akusasyong isa siyang “cheater” at “two-timer.”

Sagot ni Kristoffer: "Natapos ko naman kung ano yung dapat tapusin, and we are moving forward.”

Ang pagkakaroon ng lihim na relasyon nina Kristoffer at Liezel ay isiniwalat ng dating ka-live-in ng aktor na si AC Banzon.

Continue reading below ↓

Nagkaroon pa ng mainit na sagutan sina Kristoffer at AC tungkol sa naturang issue. Deleted na ang mga naging sagutan nila sa Twitter.

Si AC ang ina ng four-year old daughter ni Kristoffer na si Precious Kristin o Pre.

Isinapubliko ng aktor ang tungkol sa anak niya noong January 2021.

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinahagi ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa kanyang Instagram Stories ang naging date nila ng girlfriend na si Liezel Lopez sa isang restaurant kahapon, June 12, with the caption “may nag-date.”
PHOTO/S: @kristoffermartin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results