Kasabay ng kanyang ika-35 kaarawan kahapon, June 24, ipinakilala ni Gigo de Guzman sa pamamagitan ng Instagram ang nobyo niyang si Lewis Eugenio.
Si Gigo ay anak ng namayapang beteranang singer na si Claire dela Fuente.
Sa post ni Gigo, sinabi niyang pareho sila ng kaarawan ng boyfriend na nagdiwang naman ng kanyang ika-22 kaarawan.
Ito rin ang petsa ng kanilang monthsary.
Mensahe ni Gigo sa kanyang post: “24. The date a few months ago when we met. The date a month ago when we made things official. And the date every June when we share our birthday.”
Maraming pinagdaanan si Gigo ngayong taon, partikular na ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa Christine Dacera case at sa pagpanaw ng ina dahil sa COVID-19.
Pero iba raw ang iyak niya kahapon dahil sa hindi inaasahang regalo ng nobyo.
Pagpapatuloy ni Gigo, “I have been crying a lot this year. Yesterday I cried again, but for any unexpected reason.
“A beautiful container filled with candies and print outs of IG posts you have been posting all this time in your very private IG account that no one can follow…
“All about me… You shared your most private thoughts to me…”
Hindi maikakailang labis na dagok ang mga pinagdaanan ni Gigo ngayong 2021, pero ibang sorpresa raw ang pagdating ni Lewis sa kanyang buhay.
Saad niya, “To say that my year so far has been so hard is an understatement; I almost gave up at one point.
“But I made it thru on my own… and just when I thought the surprises were over, you came unexpectedly.
“You made me laugh out loud, made me smile, comforted me when I needed someone, and most of all, made me happy again.
“You make me feel safe; you push all my anxiety away. You make me feel seen; the way I’ve always wanted to be seen.
“And most of all, you make me feeling like I’m so easy to love; the way I’ve always dreamt of being loved.”
Pagbati pa niya sa karelasyon, “So before this day ends, I just wanted to thank you for being my blessing and my miracle. I love you babu.
"Happy 1st Monthsary… and Happy Birthday to us [heart emoji]"
View this post on Instagram
Naging prominente ang pangalan ni Gigo dahil sa kamatayan ng flight attendant na si Christine Dacera.
Isa siya sa labing-isang respondents na idinawit sa pagkamatay nito.
Sa isang panayam, inamin ni Gigo na bakla siya at ang kanyang mga kasama kaya hindi raw maaaring masangkot sila sa panghahalay na ibinibintang sa kanila.
Na-dismiss na ng Makati Prosecutor's Office ang reklamong inihain ng pulisya laban sa kanila.
