PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos on how she dealt with ABS-CBN shutdown

"I know we can survive kasi hindi naman kami magarbong pamilya."
by Rachelle Siazon
Published Jun 28, 2021
Judy Ann Santos on living a simple life amid uncertainties brought about by the pandemic and closure of ABS-CBN: "Ito lang ipon ko, pero I know we can survive kasi hindi naman kami magarbong pamilya. Hindi naman kami kailangan kumain sa ganito, or mag-stay sa ganitong hotel. Basta magkakasama kami, okay kami."
PHOTO/S: @jingmonis Instagram / Jerome Ascano for PEP.ph

Aminado si Judy Ann Santos, 43, na matinding dagok ang dala ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN kasabay ng COVID-19 pandemic.

March 2020 ang unang bugso ng pandemya sa bansa.

Noong May 4, 2020 nagtapos ang prangkisa ng ABS-CBN, at kinabukasan ay ipinatigil ng gobyerno ang broadcast operations ng network.

Noong July 10, 2020, tuluyang ibinasura ng Kongreso ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

Lahad ni Judy Ann sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal):

"Parang medyo nakakatulala at some point. 'So, ano na? Ano na ang mangyayari?'

"Ako mismo, nawawala sa sarili ko.

"Ako mismo nagtatanong sa sarili ko nung first part ng pandemic, 'Bising-busy ka ba Juday? Bakit parang pagod na pagod ka?'"

In denial pa raw siya noong una.

Kung wala raw ang suporta ng asawa niyang si Ryan Agoncillo at pagmamahal ng mga anak niya ay hindi malalaman ni Judy Ann kung paano haharapin ang hirap na walang kasiguraduhan ang trabaho niya at ng ibang mga Kapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I guess, malaking factor na Ryan was talking to me and asking me if I'm okay. Akala ko kasi nung una, okay lang ako with the closure of ABS, the pandemic, everything.

"Everything is okay. Naglalaro kami ng mga bata, lutu-lutuan kami. Tatanungin ko sila kung ano pwede lutuin for the day. Gawa ako ng, let's say, Chinese night.

"Yung akala ko okay ako, pero nililibang ko lang pala sarili ko to just not think of what's the real situation."

Hanggang sa hinarap daw ni Judy Ann ang full impact ng problemang dinadaanan ng kanyang home network.

Pag-amin niya: "Yun pala, I am mentally exhausted. I am emotionally exhausted kasi isinasantabi ko yung pagpapasara sa ABS.

"Yung galit at hinanakit sa puso na wala kang magawa at wala kayong magawa because ganun, e. E, pag nagsalita ka, masama ka pa.

"Kailangan ko himayin yung mga bagay that will serve me good at the end of the day, because hindi ko naman din talaga makukumbinsi itong mga tao na 'Eto pinanggagalingan ko.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa oras ng kagipitan, napatunayan daw ni Judy Ann kung sino ang tunay na maaasahan.

"Dun nahiwalay yung dekolor sa puti. Sa nangyari sa ABS, nakita mo ang kulay ng mga tao. May nakakalungkot, nakakabigla, nakakamangha.

"Pero ang anchor mo na lang is yourself. Inangkalahan ko asawa ko, inangklahan ko sarili ko, inangklahan ko ang Diyos na matatapos din ito."

Nakaharap ng editorial team ng PEP.ph si Judy Ann sa PEP Exclusives, isang on-cam interview via Zoom call, noong June 14.

ON DEALING WITH UNCERTAINTIES AND THINGS SHE CAN CONTROL

Sa personal na aspeto, siniguro raw ni Judy Ann na maging productive siya kaysa maparalisa ng kanyang mga agam-agam.

Nagkaroon siya ng weekly docu show na Paano Kita Mapapasalamatan, na umere sa Kapamilya Channel mula June 13, 2020 hanggang June 26, 2021. Idinirek iyon ng asawa niyang si Ryan Agoncillo.

Tinutukan din niya ang paggawa ng cooking vlogs niya via Judy Ann's Kitchen at patuloy na operasyon ng negosyo nila ni Ryan na Angrydobo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aminado si Judy Ann na hindi pa siya makasabak sa full-length serye dahil inaalala niya ang safety ng kanyang pamilya.

Lahad ni Judy Ann: "Siyempre nandun yung paano nga ba ang gagawin natin? And then at some point, nag-let go na lang ako. Alam ko naman na God will provide.

"As long as Angrydobo is here, as long as Judy Ann's Kitchen is here, I can move forward slowly.

"Kasi nung time na yun, hindi rin naman ako makakatanggap ng movie or ng TV project na would require me na bubble taping for two weeks kasi hindi naman kaya ng katinuan ko yun.

"Baka ikasira ng ulo ko na mawalay ako sa mga inakay ko at sa asawa ko. Parang ikakabaliw ko ata yun."

Inisip daw ni Judy Ann na gagawin niya ang mga bagay na sakop ng kanyang kontrol, at ang iba ay ipinaubaya na lang niya sa Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ng actress-host: "At some point, I just really let go and just allowed the universe to work its way. Kasi hindi ko rin alam kung ano pa kaya kong i-offer, e.

"Kapag nasa sitwasyon ka pala na wala kang magawa, maghihintay ka na lang ng pagkakataon na makabalik ka at mapakita kung ano pa ang pwede mong i-offer sa trabaho mo or sa sarili mo mismo.

"Nag-focus ako sa mga anak ko, kay Ryan. Nag-focus ako sa sarili ko.

"Nag-focus sa pagtulong kasi ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong ka sa mga tao, pero hindi mo kailangan mag-promote ng something.

"It was just sheer out of you just want to help. Hindi ka humihingi ng kahit anong kapalit para i-acknowledge na sa iyo nanggaling yung tulong."

NOT SCARED TO LIVE A SIMPLE LIFE

Mahirap man daw kumita ng pera sa panahon ng pandemya at kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN, isa sa mga pinanghawakan ni Judy Ann ay ang simpleng pamumuhay ng kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit certified celebrity A-lister siya ay hindi naman daw siya maluhong tao.

"Ang realization ko sa lahat ng nangyari na ito, I always take out the positive things that I learned more than the negativity.

"Kasi wala na akong magagawa sa mga nangyari, e. Nandiyan na 'yan.

"Pero alam ko sa sarili ko, sa puso ko, na I can do something for the people, for myself, for my husband, for my family.

"Na ito lang ipon ko, pero I know we can survive kasi hindi naman kami magarbong pamilya. Hindi naman kami kailangan kumain sa ganito, or mag-stay sa ganitong hotel.

"Basta magkakasama kami, okay kami. And ganun din naman ang mga anak namin. Ayaw nga nila kaming lumabas ng bahay, e."

May mga hindi rin inaasahang blessings na natanggap ang mag-asawang Judy Ann at Ryan pagdating sa pagkakaroon nila ng sponsors o ads.

"Sobra akong grateful because we had clients who renewed our contracts in the middle of the pandemic. There are new clients who inquired for a new product.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Napaka-blessed nung taon para sabihing hindi kami hinayaan ng Diyos na maligwak at mawala sa sarili namin.

"More than anything, you need someone that you'll be able to talk to at the end of the day."

NOT TRANSFERRING TO ANOTHER NETWORK

Sa huli, tinanong si Judy Ann kung nakatanggap siya ng offer mula sa ibang TV network.

Mabilis na sagot ni Judy Ann, "Ay, honestly, safe to say, wala naman.

"Though alam kong may nagtatanong kung may mga artist na gustong lumipat.

"Pero walang nakarating sa akin, specifically if I wanted to transfer. Safe naman ako diyan!"

Umaasa si Judy Ann na makakabangon din ang ABS-CBN.

Sabi niya, "I am just hoping that one day ABS-CBN will be back and it will be a better comeback.

"And it's for the good of everyone. Everything happens for a reason.

"Lahat tayo naging compassionate. The bosses are more than ever compassionate now. Nagtulung-tulong talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit ni Judy Ann: "Wala naman history na walang ending. Lahat nga ng textbook may simula, may katapusan.

"Tapos may test sa dulo. Ito na yung test.

"Hihintayin ko na lang yung next textbook sa pagbubukas ng ABS-CBN."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos on living a simple life amid uncertainties brought about by the pandemic and closure of ABS-CBN: "Ito lang ipon ko, pero I know we can survive kasi hindi naman kami magarbong pamilya. Hindi naman kami kailangan kumain sa ganito, or mag-stay sa ganitong hotel. Basta magkakasama kami, okay kami."
PHOTO/S: @jingmonis Instagram / Jerome Ascano for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results