Julia Montes breaks silence about not-so-secret relationship

by Rachelle Siazon
Jul 2, 2021
Julia Montes on keeping her relationship low profile: "We just chose this path kasi we both believe na, 'Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong 'to na magulo. Wag na nating paguluhin pati yung atin.'"
PHOTO/S: @montesjulia08 Instagram

Sa unang pagkakataon, inamin ni Julia Montes na masaya ang kanyang buhay pag-ibig.

Hindi niya tuwirang pinangalanan kung sino ang kanyang karelasyon, pero ipinahiwatig niyang nasa mundo rin ng showbiz ang kanyang sinisinta.

Base ito sa eksklusibong panayam ni G3 San Diego sa Mega Magazine na nailathala ngayong Hulyo 2021.

Sabi ni Julia: "Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret.

"We just chose this path kasi we both believe na, 'Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong 'to na magulo. Wag na nating paguluhin pati yung atin.'"

Ipinaliwanag din ni Julia na ang pananahimik nila ng karelasyon ay pareho nilang desisyon.

Ayaw raw nilang mabahiran ng intriga ang kanilang pagsasama.

Paliwanag ng aktres, "Personal choice namin yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami pag ano kasing nandiyan, sisirain.

"Pag hindi kayo, pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. Pag kayo, pagsisirain kayo.

"So, might as well, 'O, anong alam niyo? Okay, kung anong alam niyo, okay po.' Yun na lang."

Continue reading below ↓

Hindi raw para ma-stress pa sila sa kung ano ang opinyon ng ibang tao.

Siniguro naman ni Julia na masaya siya sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanya ng kanyang karelasyon.

"Siguro yun pala yung pakiramdam na inaalagaan ka naman. Hindi lang ikaw yung nagbibigay ng love. Meron ka nang nare-receive na love," kuntentong saad ni Julia.

JULIA AND COCO THROUGH THE YEARS

Hindi kaila sa publiko na matagal nang nauugnay si Julia sa Kapamilya actor na si Coco Martin.

Si Julia ay 26 taong gulang, habang 39 ang edad ni Coco.

Dati silang nagkatambal sa Walang Hanggan, ang prime-time series ng ABS-CBN na umere mula January hanggang October 2012.

Noong April 2019, naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pagkakaroon nina Julia at Coco ng sanggol na anak.

Nanatiling tahimik sina Julia at Coco ukol dito.

Pero noong buwan ding iyon, naglabas si Coco ng pahayag na hindi kailangang pag-usapan sa publiko kung anuman ang nangyayari sa kanyang pribadong buhay.

Continue reading below ↓

Wala naman siyang binanggit kung ano ang eksaktong isyu na tinutukoy niya sa kanyang Instagram post noon.

JULIA AND COCO SIGHTINGS

Hanggang sa unti-unting may mga pahiwatig sina Julia at Coco sa ugnayan nila.

Noong November 2020, marami sa mga mapanuring fans nina Coco at Julia ang napansing may Instagram photos si Julia na tila kuha sa bahay ni Coco.

Noon namang February 2021, naging bukas si Julia sa paglalarawan na ang tipo niyang lalaki ay iyong mahilig magsuot ng leather jacket, moreno, at sakto lamang ang tangkad—mga katangiang taglay lahat ni Coco.

Lalong kinilig ang fans nang mamataang magkasama sina Julia at Coco na nagbakasyon sa Boracay noong March 2021.

Hindi man nag-post sina Coco at Julia ng litrato nilang magkasama sa kani-kanilang social media accounts, makikitang hindi sila umiwas sa mga taong nais magpa-picture kasama nila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Montes on keeping her relationship low profile: "We just chose this path kasi we both believe na, 'Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong 'to na magulo. Wag na nating paguluhin pati yung atin.'"
PHOTO/S: @montesjulia08 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results