Coco Martin, Julia Montes confirm Boracay trip through video greetings, photo-op at airport

by Rachelle Siazon
Mar 26, 2021
Magiliw na pinagbigyan nina Coco Martin at Julia Montes ang masuwerteng ground attendants sa Caticlan airport na humingi ng photo-op at video greetings. Ito ay nang pabalik na ng Manila ang reported couple matapos magbakasyon sa Boracay island.
PHOTO/S: CTTO via @cocojulbukasayo IG / Ninz Magbanua via @cocojulbukayo IG (upper right photos)

"Time is the ultimate truth teller."

Ito ang reakisyon ng masugid na mga tagasuporta nina Coco Martin, 39, at Julia Montes, 26, matapos makumpirmang magkasama nga talagang nagbakasyon ang dalawa sa Boracay.

Kaya't hiniram ng Coco-Julia fans ang mga pamosong kataga ng aktres na si Bea Alonzo para ilarawan ang tingin nila ay senyales na handa nang umamin sina Coco at Julia sa matagal nang hinihinalang relasyon ng mga ito.

Kaugnay ito ng pagpayag nina Coco at Julia na magkasama silang makunan ng litrato at videos bago sila umuwi ng Manila.

COCO AND JULIA'S SEPARATE VIDEO GREETINGS

Natukoy na sina Coco at Julia nga ang magkasama nang paunlakan ng mga ito ang video greeting request ng isang ground attendant sa Caticlan aiport, na siyang point of entry at exit patungong Boracay Island sa Malay, Aklan.

Nag-request ang ground attendant na bigyan ng special shoutout ang kanyang mga kababayan sa Pandan, Antique.

Continue reading below ↓

Sa unang video, mapapanood na masiglang bumati si Coco sa mga taga-Antique.

Ani Coco, "Hi! Kumusta kayo mga taga-Antique? God bless you!"

Sa ikalawang video, si Julia naman ang bumati sa mga taga-Antique.

"Hello sa mga taga-Pandan, Antique! Be safe!" magiliw na sabi ng aktres.

Panoorin ang pinagsamang video nina Coco at Julia rito:

Continue reading below ↓

Alinsunod sa safety protocols, parehong naka-face mask at face shield sina Coco at Julia.

Pero hindi makakailang sila nga ang nasa video base sa mauulinigang boses at malapitang kuha nila sa video.

Bukod dito ay tinukoy rin ng ground attendant na sina Coco at Julia nga ang hiningan niya ng video greetings.

Ibinahagi ito ng ground attendant Miyerkules ng hapon, March 25.

Todo-pasalamat naman ang Coco-Jul fans na nakalap ang video greetings nina Coco at Julia.

COCO DRAWS KILIG REACTIONS FROM GROUND ATTENDANTS

Mahihinuhang hindi rin itinago nina Coco at Julia ang kanilang pagbabakasyon nang magkasama dahil bilang mga artista ay hindi maiwasang marami ang nakakilala sa kanila.

Magiliw naman sina Coco at Julia sa pagkaway sa fans na halatang kinilig na makita silang magkasama sa personal.

Tulad na lamang ng video habang nasa check-in counter sina Julia at Coco.

IG Photo: Julia Montes and Coco Martin in PAL check-in counter

Continue reading below ↓

Makikitang masiglang kumaway si Coco sa mga babaeng ground attendants na tila napatili sa kilig nang makita ang sikat na bida ng ABS-CBN prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

"Cutie!" mauulinigang tili pa ng isang ground attendant.

Panoorin ang full video rito:

COCO-JULIA PHOTO-OP WITH PAL GROUND ATTENDANTS

Pinaunlakan din nina Coco at Julia ang grupo ng ground attendants ng Philippine Airlines.

Continue reading below ↓

Isa sa mga nag-post ng group photo ay nagpasalamat na pinili nina Coco at Julia ang PAL para sa kanilang flight pabalik ng Manila.

Mensahe pa ng PAL ground attendant, "Have a Safe Flight Coco Martin and Julia Montes."

IG Photo: Coco Martin and Julia Montes with PAL ground attendants

KILIG REACTIONS OF COCO-JUL FANS

Tuwang-tuwa ang fans na masilayan kung paano ang kilos nina Coco at Julia offcam, base sa kumalat na mga litrato at videos kahapon, March 25.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansing terno ang kanilang outfit na parehong colored pants at long-sleeved button-down shirt na nakatupi ang manggas hanggang siko. Pareho rin silang nakasumbrero at slip-on sandals.

Napansin din ng fans ang pagiging gentleman ni Coco na consistent daw sa paghawak ng bag ni Julia.

Hawak din daw kasi ni Coco ang bag ni Julia noong unang namataan ang dalawa na papuntang Boracay noong March 21.

Kapansin-pansing terno rin ang outfit nina Coco at Julia noon.

Sabi pa ng fans, "The wait is over na talaga, my heart is full."

IG Comment: CocoJul fans express kilig

Continue reading below ↓

Kulang na lang daw talaga ay direktang pag-amin nina Coco at Julia na opisyal silang magkarelasyon.

Sa ngayon, sapat na raw sa fans na makitang unti-unti nang lumalabas sa publiko ang dalawa na magkasama.

IG Comment: CocoJul fans express kilig

OTHER CLUES ABOUT COCO-JULIA REPORTED ROMANCE

Noon lamang December 2020, napagtagni-tangi ng mapanuring Coco-Julia fans na may mga litrato si Julia na kuha umano sa bahay ni Coco.

Continue reading below ↓

Hindi raw maikakaila nang pagkumparahin nila ang mga litrato ni Coco na kuha sa garden ng bahay nito at sa litrato ni Julia na kuha rin sa isang garden.

Noon namang February 2021, usap-usapan ng fans na si Coco raw ang tinutukoy ni Julia sa tipo ng lalaki ng dalaga.

Sinabi kasi ni Julia na gusto niya ng lalaking "moreno," "sakto lang" ang tangkad, at mahilig magsuot ng "leather jacket."

Higit sa lahat, binanggit din ni Julia ang salitang "probinsyano," na ayon sa fans ay tumutukoy kay Coco na bida ng Ang Probinsyano.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magiliw na pinagbigyan nina Coco Martin at Julia Montes ang masuwerteng ground attendants sa Caticlan airport na humingi ng photo-op at video greetings. Ito ay nang pabalik na ng Manila ang reported couple matapos magbakasyon sa Boracay island.
PHOTO/S: CTTO via @cocojulbukasayo IG / Ninz Magbanua via @cocojulbukayo IG (upper right photos)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results