PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo criticized for unfinished TV series in ABS-CBN

Bea gets blamed for dropping TV series in ABS-CBN amid GMA Network transfer.
by Rachelle Siazon
Published Jul 4, 2021
Star Creatives Head Henry Quitain takes a swipe at Bea Alonzo for allegedly dropping their ABS-CBN teleserye Kahit Minsan Lang as she transferred to GMA Network. But director Frasco Mortiz maintained that Bea was not to blame for the unfinished TV project.
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / Henry Quitain Facebook / Screengrab from Kahit Minsan Lang

Naging tampulan ng batikos si Bea Alonzo dahil sa kanyang paglipat sa GMA Network gayong may naiwan daw itong unfinished TV series sa ABS-CBN, ang Kahit Minsan Lang.

Isa sa mga nagparinig kay Bea ay si Henry Quitain, creative head ng Star Creatives, isa sa business unit sa ABS-CBN na nagpoprodyus ng mga teleserye.

Hindi binanggit ni Henry ang pangalan ni Bea, pero mahihinuhang ang aktres ang tinutukoy nito.

Noong Huwebes, July 1, pumirma ng exclusive contract si Bea sa Kapuso network.

Kinabukasan, July 2, dismayadong naglabas ng saloobin si Henry.

Patutsada ni Henry sa kanyang Facebook post (published as is): "Pag may iniwan kang project at gumastos na ang kompanya ng milyon.

"Sana bayaran mo na lang yung nagastos. Anyway siguro naman kikitain mo lahat yan.

"Kasi naghihikahos na nga kami, hindi naman biro yung itatapon na lang na pera ng kompanya kasi iniwan mo na lang basta."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumikha ito ng debate sa masugid na fans ni Bea laban sa Kapamilya fans na dismayado sa aktres.

May ibang netizens na nagparating din ng kanilang panghihinayang sa direktor ng Kahit Minsan Lang na si Mae Cruz Alviar.

Pero paglilinaw ni Mae (published as is), "I only did the scenes shot in Gen San. From what I recall, the rest were shot by Henry King Quitain."

Prayer emojis naman ang sinagot ni Mae sa Kapamilya fans na umaapelang sana ay matuloy pa rin ang serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FRASCO DEFENDS BEA

Sa kabilang banda, dinepensahan ng direktor na si Frasco Mortiz si Bea sa mga nagsasabing basta na lang umalis ang aktres ng ABS-CBN kahit may nakabinbin pa itong trabaho.

Hindi raw dapat sisihin si Bea sa naunsiyaming teleserye nila ni Richard.

Nakuha ng netizens ang screenshot ng reply ni Frasco sa kapalitan nito ng mensahe sa Facebook.

Pahayag ni Frasco (published as is): "I was one of the directors attached to that project.

"Gusto ko na magtweet pero nagpipigil na lang ako, sayang ang energy.

"It's unfair to say na may project naman tapos siya yung umayaw kasi maraming nangyari and ang daming factors na nagresulta to her decision to leave the project."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BEA'S SUPPOSED TV SERIES IN ABS-CBN

Tampok sa Kahit Minsan Lang sina Bea, Richard Gutierrez, Rafael Rosell, Jameson Blake, at Christian Bables.

September 2019 nang umpisahan nilang mag-taping at naiulat noon ang ilang eksenang mga kinunan sa General Santos City.


Pero noong September 2020, nag-anunsiyo ang Star Creatives na hindi muna matutuloy ang taping ng Kahit Minsan Lang dahil sa "restrictive scenarios of shooting" gawa ng pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ay naiulat sa Cabinet Files na may plano pa rin ang Star Creatives na ituloy ang programa, pero hindi na si Bea ang lead actress.


November 2020 nang makumpirma ang pag-alis ni Bea sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at paglipat niya bilang talent ni Shirley Kuan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa PEP Exclusives interview noong February 2021, sinabi ni Bea na hindi siya tali sa ABS-CBN dahil wala na siyang kontrata sa network.

Pero noong panahong iyon ay hindi pa nagbitiw si Bea ng salita kung lilipat din siya ng TV network o mananatiling Kapamilya star.

Pagkatapos pumutok ng balitang pumirma na ng exclusive contract sa GMA-7 si Bea, kakatwng biglang lumabas ang "official trailer" ng Kahit Minsan Lang.

Mapapanood sa "official trailer" ang mga eksena ng mga batang gumanap sa mga karakter nina Bea, Richard, at Rafael at ilang eksena nang lumaki na ang mga karakter nila.

Hindi malinaw kung sino ang naglabas ng "official trailer" ng naunsiyaming teleserye ni Bea, pero kumalat ito sa YouTube at sa social media.

Dahil dito, lalong umingay ang isyu tungkol sa pag-iwan umano ni Bea sa Kahit Minsan Lang.

BEA'S STATEMENT ON shelved PROJECT in abs-cbn

Sa mediacon ni Bea bilang bagong Kapuso noong July 1, sinabi niyang "mutual" ang desisyon nila ng ABS-CBN na i-shelve ang Kahit Minsan Lang dahil sa pandemic restrictions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Bea: "I was doing a soap for them. But then, nagkaroon ng pandemic.

"And alam naman natin na maraming pagbabago. So, nagkaroon rin ng pagbabago sa story.

"And we came to a decision na hindi na lang matutuloy yung soap."

Nilinaw rin ni Bea na isang taon na siyang walang kontrata sa ABS-CBN.

Aniya: "Malaking-malaki ang respeto ko sa ABS-CBN lalong-lalo na sa production team nila.

"And of course, nirespeto natin ang mutual decision namin na yun.

"And if I’m not mistaken, parang one year na rin akong walang ginagawang soap at walang contract."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Creatives Head Henry Quitain takes a swipe at Bea Alonzo for allegedly dropping their ABS-CBN teleserye Kahit Minsan Lang as she transferred to GMA Network. But director Frasco Mortiz maintained that Bea was not to blame for the unfinished TV project.
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / Henry Quitain Facebook / Screengrab from Kahit Minsan Lang
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results