Kinilig ang maraming netizens sa bagong post ni Juliana Gomez sa Instagram kagabi, July 15.
Ibinahagi ni Juliana ang ilang larawang kuha sa lake adventure niya kasama ang ilang kaibigan at ang rumored boyfriend na si Miggy Bonnevie-Bautista.
Si Juliana ay ang unica hija ni Ormoc City Mayor Richard Gomez at Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez.
Sina Juliana at Miggy ay parehong miyembro ng Philippine Fencing Association, kung saan si Richard ang head coach.
Sa mga in-upload na larawan ni Juliana, makikitang magka-holding hands sila ni Miggy na tumalon sa Lake Danao sa Ormoc City.
Two-piece orange swimsuit ang suot ni Juliana, at pareho silang nakatalikod ni Miggy sa camera.
Meron din siyang larawan ng boquet of flowers na posibleng bigay ni Miggy sa kanya.
Simpleng caption ng dalaga: “When Manila comes to Ormoc.”
View this post on Instagram
Unang nag-comment sa post ni Juliana si Miggy.
Sabi lang niya, “good day.”

Ni-repost ni Miggy sa kanyang Instagram Stories ang larawan nila ni Juliana, pero wala siyang inilagay na caption.

May apat na linggo na ang nakararaan, nag-post si Miggy sa Instagram ng larawan nila ni Juliana habang nasa isang duyan.
Caption niya, “jus talking about who got more sunburnt this year”
View this post on Instagram
December 2020 nagsimulang mag-post sina Juliana at Miggy ng mga larawan nilang magkasama sa kani-kanilang Instagram accounts.
Tila mahilig ang dalawa sa swimming dahil ito ang madalas nilang mode of recreation.
Mukha ring may basbas ng mga magulang ni Juliana kung anuman ang namamagitan sa kanila.
