Hiwalay na ba ang magkasintahang Justin Cuyugan at Dawn Chang?
Sa Instagram account ni Justin nitong mga nakalipas na linggo, mapapansing puro hinanakit sa isang tao ang laman ng posts ng aktor.
Pero last week, mukhang may hugot si Justin tungkol sa isang taong inilarawan niya bilang "narcissist" o makasarili.
Sa post niya, ipinakita ng aktor ang mga gamit niyang nakaligpit na tila aalis na sa bahay.
Makikia rito ang isang kama, LPG, electric fan, at ilan pang mga nakakartong gamit na nasa garahe ng isang bahay.
Makahulugang caption ni Justin: “Let this be a warning to everyone. If you give your life to a narcissist, this is all they will leave you while they swim in the riches you help them build.
“This do not happen only in loving relationships. This is also rampant in work situations and much worse if you sink your life in both.”
Paalala pa niya sa mga taong may kahalintulad na sitwasyon, hindi nagpapabaya ang Diyos dahil maaga ka Niyang iminulat sa maling relasyon.
Saad ni Justin, “If you were in this situation? Know that your God was beside you the whole time because if not, you will stay in a narcissistic relationship longer putting you in deeper shit.
“REMEMBER: If you come to this, it is your fault because you let them. Be aware, love yourself and save yourself for your family."
Nilagyan pa niya ito ng mga sumusunod na hashtags: #mentalhealthawareness, #narcissisticabuse. #mentalhealthmatters, at #narcissism
View this post on Instagram
Kasunod nito ang sangkatutak na cryptic posts kung saan may pahiwatig siya sa #mentalhealthawareness.
Sa pinakahuli niyang post ngayong araw, July 28, tila nagpaalam na si Justin.
Mababasa sa post niya: “When you are true to yourself, the right people will flock towards you and the wrong ones will… just vanish. Isn’t that great???”
Caption ni Justin, “Bye!”
View this post on Instagram
“YOU’LL GET IT SOMEDAY.”
Sa nasabing post, isang netizen ang nagbanggit sa pangalan ni Dawn Chang sa komento nito.
Si Dawn ang huling napabalitang karelasyon ni Justin.
Sabi ng netizen, “Si dawn chang chill lang ..ikaw di maka move on panay parinig ..”
Tugon niya lang, “You’ll get it someday.”
Tila alam ng netizen na tapos na ang relasyon nina Dawn at Justin.

Parang naumay naman ang isa pang follower ni Justin sa araw-araw raw nitong parinig sa kanyang Instagram account.
Komento ng netizen, “kasawa@kaomay n etong ganitong post ni @thejustincuyugan obvious n nadumped pinalayas at bitter at jilted p cya-ginagamit un socmed pra ilabas nya un disgusto nya ki @thedawnchang.
"utang n loob di n eto awareness kundi pangsariling interest n nya eto pra manira ng dating karelasyon.sabi nya may newpartner n cya at hapu nmn cya,eh bat panay parinig pa din.move on n boy”

Pabirong tugon ni Justin: “I think you secretly love me because you choose to stay and spend your time with me. I love you too.”

DAWN CHANG REACTS?
Isang oras matapos ang "Bye!" post ni Justin, si Dawn naman ang may cryptic message na ibinahagi sa kanyang Instagram ngayong araw rin.
Kalakip ng larawan ng isang pink rose, ito ang simpleng caption ni Dawn: “Always choose happiness.”
View this post on Instagram
January 2018 nang kumpirmahin ni Dawn na magkarelasyon sila ni Justin.
Sa panayam sa kanya noon ng radio jock na si DJ Jhaiho sa online program na Hotspot, inamin ng former Pinoy Big Brother housemate na may namumuong magandang samahan sila ni Justin.
Sabi ni Dawn, “Hindi ko naman ipu-post yun kung wala, di ba, parang ano naman… di ba? It’s 2018, so yeah, we’re dating.”
Pero nasa “getting to know each other” stage pa lamang daw sila.
Aniya, “Well, I guess, sa buong relationship naman ng dalawang tao, it’s always gonna be, 'you get to know each other every day.'
"But, yeah, I guess it’s safe for me to say that we’re together."
Nagustuhan daw ng dancer kay Justin ang pagiging malawak ng kaisipan nito.
“Puwede mo siyang kausapin ng about anything with no judgment. Siya yung taong napakasarap kausap at sobrang maintindihin.”
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
