PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Estrada, Derek Ramsay exchange comments on Instagram

Derek "willing to cameo" for John.
by Erwin Santiago
Published Aug 10, 2021
Just a few hours after Derek Ramsay (right) declared that he is cutting ties with close friend John Estrada (left), Derek reacted to John's comment in an Instagram post.
PHOTO/S: Instagram

Ilang oras lamang pagkatapos lumabas ang interview ni Derek Ramsay kung saan sinabi nitong pinuputol na niya ang pagkakaibigan nila ni John Estrada, nagpalitan ng komento ang dalawang aktor sa isang Instagram post.

Kahapon, August 9, nag-post ng quote card sa kanyang Instagram account ang John en Ellen director na si Willy Cuevas.

Ang John en Ellen ay ang TV5 sitcom na pinagbidahan nina John at Ellen Adarna, ang fiancée ni Derek.

Nakasaad dito: "I'M WRITING A SONG AND I WILL CALL IT 'COCKROACH JUICE.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang nagkomento rito si John.

Sabi ng aktor: "Hanep sa kanta yan kumbrader [three lauging emojis] parang alam ko kung kanino mo ibibigay yan ...."

Ngayong Martes, August 10, nagkomento si Derek kung saan naka-tag pa si John.

Sabi ni Derek: "@john__estrada hahahahahaha!!! Let me know if kailangan nyo mag cameo ako ng Libre Para sayo"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi sumagot dito si John, sa halip ay si Direk Willy ang sumagot sa komento ni Derek.

Sinakyan nito ang offer ni Derek basta wala lamang daw "cut off"

Aniya, "@ramsayderek07 pwede ba? okay lang basta walang [cut] off. hehehe"

FRIENDSHIP OVER?

Base sa palitan nila ng mensahe, tila walang masamang nangyari kina John at Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ni Derek kay Ogie na lumabas kagabi, sinabi nitong tinuldukan na niya ang pagkakaibigan nila ni John.

Deklara ni Derek: "Hindi ko siya kaaway. Hindi ko siya kaibigan. He's no longer a friend of mine. I just don't want to associate myself with John."

Inamin ni Derek na may kinalaman ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang fiancée sa pagkasira ng matagal nang pagkakaibigan nila ni John.

Ito ay kaugnay ng napabalitang pagwu-walkout umano ni Ellen sa last taping day ng John en Ellen sa Laiya, Batangas noong June 25, 2021.

Ayon sa lumabas na report, bigla na lamang daw umalis si Ellen sa set kahit may ilan pa siyang eksena na di nakukunan.

Hindi rin umano nagpaalam ang aktres sa production heads nang umalis ito kasama si Derek.

Kinumpirma naman ng co-star nina Ellen at John na si Long Mejia ang insidenteng pagwu-walkout ng aktres sa huling taping day nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa veteran comedian, nakakabastos umano ang pag-alis ni Ellen nang walang maayos na paalam at di pa tapos ang trabaho.

Wala rin umanong malasakit si Ellen sa mga katrabahong apektado.

Nagpahaging din si Long kay Derek na hindi man lang daw ito gumawa ng paraan para himukin si Ellen na tapusin ang eksena nito.

Mariin namang pinabulaanan nina Ellen, Derek, at John ang isyu.

May usapan umano si Ellen, si John, at ang producer ng show na 12:00 noon ang cut-off time ng aktres. Lumampas pa nga raw ito ng 1:30 p.m. at saka umalis si Ellen.

Kaagad namang naglabas ng public apology si Long sa mga nasabi niyang hindi maganda tungkol kay Ellen. Ayon sa komedyante, hindi niya alam na may usapan pala si Ellen at sa ilang namamahala ng kanilang programa.

Bagamat nagkaayos na sina Ellen at Long, hindi rito natapos ang isyu na may kinalaman sa John en Ellen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Plano umanong ireklamo ni Ellen sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pamunuan ng TV5 sitcom dahil sa paglabag umano ng mga ito sa safety protocols.

Bunsod ng mga pangyayaring ito, nagdesisyon si Derek na putulin na ang pagkakaibigan nila ni John, na line producer ng sitcom nila ni Ellen.

Pero nalito ang mga nakapanood ng interview ni Derek at nakabasa ng mga artikulo tungkol dito dahil sa pagpapalitan nila ng mensahe ni John ngayong araw.

Nag-iwan ito ng ilang katanungan na naghahanap ng kasagutan: friendship over na ba talaga sa pagitan nina Derek at John o nagkasundo na ang dalawa at balik na sa dati ang kanilang pagiging magkaibigan?

O di kaya sarkasitko ang komento ni Derek kaya hindi ito sinagot ni John?

Kung anuman ang sagot sa mga katanungang ito, malinaw na hindi pa rito natatapos ang kuwento sa isyung ito na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng showbiz.

RELATED STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Just a few hours after Derek Ramsay (right) declared that he is cutting ties with close friend John Estrada (left), Derek reacted to John's comment in an Instagram post.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results