PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ellen Adarna to netizen who accused her of being inconsiderate

"Ang covid walang pinipili.. mayaman man o hindi wag tanga tangahan."
by Bernie V. Franco
Published Aug 10, 2021
Ellen Adarna slams netizen who accused her of being inconsiderate to production people of her TV sitcom: "Dai, ang COVID walang pinipili.. mayaman man o hindi wag tanga tangahan."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram

Kinontra ni Ellen Adarna ang paratang na wala siyang pagpapahalaga sa mga katrabaho niya.

Isa ito sa mga isyung ibinabato sa aktres matapos mapaulat ang diumano’y pagwu-walkout niya sa last taping day ng TV5 sitcom na John en Ellen noong June 25, 2021.

Hirit sa kanya ng isang netizen (published as is): “matuto mo din sanang pahalagahan yung mga taong nagtatrabaho sa industriyang ginagalawan mo,, khit mayaman ka pa Tandaan mo tao din silang tulad mo na kelangan mabuhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot naman ng aktres, hindi puwedeng magpakampante dahil meron pa ring pandemya.

Prayoridad daw ni Ellen ang kanyang kaligtasan at kalusugan.

Nasabi rin ng fiancé ni Ellen na si Derek Ramsay sa isang interview na ito raw ang paraan ni Ellen para mapangalagaan ang mga taong mahal niya.

Buwelta ni Ellen sa netizen (published as is): "dai, ang covid walang pinipili.. mayaman man o hindi wag tanga tangahan.

“Like i said, my safety and health is my number 1 priority and that is my choice. Not yours.”

Sundot pa niya sa netizen, “And tama ka, tao din ako, and gusto ko mabuhay ayaw ko ma dedz sa covid.”

Kinastigo pa ni Ellen ang netizen na nagkokomento pero hindi alam ang tunay na kuwento tungkol sa isyu.

“Isip isip din pag may time wala ka naman alam kung ano ang ngyari diba?

“Nag sorry na nga din si long kc nag salita cya without knowing the facts.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Ellen ay ang co-star nitong si Long Mejia, na kinastigo ang aktres sa isang interview noong August 4 dahil sa walkout issue.

Tinawag pang "unprofessional" ni Long si Ellen at nais niyang mag-sorry ito.

Pero kinabukasan, August 5, si Long ang naglabas ng apology kaugnay ng mga akusasyon niya kay Ellen.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi raw kasi alam ni Long ang tungkol sa usapan ng production heads at ni Ellen na binigyan ng cut-off time ang aktres noong last taping day nila.

ELLEN’S SIDE ON WALKOUT ISSUE

Samantala, una nang nangatuwiran si Ellen na hindi nasunod ng production heads ang ibinigay nilang cut-off time sa aktres na 12:00 noon.

Ayon kay Ellen, nag-extend pa siya ng isang oras sa kanyang cut-off, pero hindi natapos ang kanyang natitirang mga eksena sa takdang oras.

Kaugnay nito, may netizens na umaakusa kay Ellen na wala umano itong konsiderasyon dahil sa bigla niyang pag-alis sa set.

Nadadamay raw pati ang mga taong nais lang magtrabaho.

Sinagot ito ni Ellen ang paratang na ito.Sabi niya, may mga rules na kailangang sundin, kabilang na ang safety protocols, ngayong may pandemya.

Makahulugan din ang sagot ni Ellen na hindi siya ang bumali sa mga napag-usapan noong last taping day.

Nagpahiwatig din ang aktres na hindi umano sumunod sa safety protocols ang produksiyon ng John en Ellen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna slams netizen who accused her of being inconsiderate to production people of her TV sitcom: "Dai, ang COVID walang pinipili.. mayaman man o hindi wag tanga tangahan."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results