PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DJ Loonyo reveals relationship with non-showbiz girl

DJ Loonyo bids goodbye to playboy days, says hello to new love Faye Protacio.
by Melba R. Llanera
Published Aug 18, 2021
DJ Loonyo on girlfriend Faye Protacio: "Malaking tulong na mayroon tayong special na tao sa buhay natin... Blessing siya, I'm really inspired to do more."
PHOTO/S: @djloonyo Instagram

Hindi man nauwi sa isang totohanang relasyon, siniguro ni DJ Loonyo na naging maayos ang paghihiwalay nila ng landas ng Kapamilya actress at sikat na YouTuber na si Ivana Alawi.

Ito ay sa kabila ng kontrobersiyal na pagkaudlot ng magandang samahan nila noong summer 2020.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si DJ Loonyo nang ilunsad nito ang kanyang second single na "Kaya Natin 'To" kamakailan.

"Actually, I don't wanna answer this, matagal na naming ayaw pag-usapan, pero I think we ended up na maayos naman," saad ni DJ Loonto tungkol kay Ivana.

"I believe wala naman akong ginawa sa kanyang masama.

"Never akong nag-hate kung anuman ang nangyari, so yun na yun. So far so good."

Hindi na nagdetalye pa si DJ Loonyo, pero hindi kailang nanligaw ito noon kay Ivana.

Naging bukas din noon si DJ Loonyo kung bakit natuldukan ang pagkakaibigan nila ni Ivana.

DJ LOONYO REVEALS NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND

Sa kasalukuyan, masaya at kuntento si DJ Loonyo sa bago niyang pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang girlfriend na si Faye Protacio ay isa ring choreographer at aktibo sa social media gaya niya.

Noong August 10, pormal na ipinakilala ni DJ Loonyo si Faye nang ibahagi niya ang litrato nila sa Instagram.

Kuwento ni DJ Loonyo, "Malaking tulong na mayroon tayong special na tao sa buhay natin.

"Na-try ko na wala, and there are times you wanna celebrate pero wala kang mapagsabihan.

"You have slight or small problems, pero wala kang mapagsabihan.

"Yun naman talaga ang pinakamagandang epekto ng mayroon kang partner. Mayroong makikinig sa iyo, mayroon kang paglalabasan, mayroon kang second opinion parati.

"Blessing siya, I'm really inspired to do more."

Suportado raw ng nobya niya ang kanyang pag-aartista.

Paniniwala ni DJ Loonyo, ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ang daan para magkaintindihan at mas tumatag ang kanilang relasyon.

"Ngayon non-showbiz siya, pero she has a lot of followers sa TikTok. Influencer din siya, gets naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Every time there's a job, hindi naman ako nagkukulang na sabihin, ipaintindi na, "Ito ganyan, ito ganyan.'

"Gets ko naman 'yan, nagkakaintindihan naman kami sa side na 'yan."

PRAYING THAT THEIR RELATIONSHIP WILL LAST

Nakita na ba ni DJ Loonyo kay Faye ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay?

Sagot niya, "Actually, bago ako pumasok sa relationship na ito, ipinagdasal ko ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Matagal din akong single talaga. Maraming issues when it comes to girls.

"I made sure na pag papasok ako dito, it's a brand new me, it's pure intention and purpose."

Patuloy niya, "Kung papasok ako dito, I wanna make this work out until kung ano yung meant to be.

"Ngayon, kung ito yung blessing ni God for me, why not?

"Di lang kami nagmamadali. Ipagdasal natin na kung siya na talaga, siya na talaga."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REGRETS PAST AS A "PLAYBOY"

Isa sa paratang na ibinato noon sa choreographer-social media influencer ay ang pagiging playboy nito.

Ayon kay DJ Loonyo, tanggap niya ang kanyang mga pagkakamali pagdating sa pag-ibig.

"To be honest, ngayon, wala, e, nangyari yun, e. Ikinakahiya ko yung ganung klase.

"I thought, akala ko dati it's cool, parang normal sa isang lalake.

"When you realize kung ano talaga ang buhay, magpo-focus ka on things that really matter. You will learn to evaluate yourself, 'Ito ba yung gusto kong maging imahe?

"'Ito ba yung gusto mo? Na may shit kang ginagawa every time?'"

Magaan daw ang pakiramdam ni DJ Loonyo ngayong sinisikap niyang maging mas mabuti.

Lahad niya: "To be honest, buong-puso kong sasabihin, 500 percent sobrang saya na wala kang shit na ginagawa o wala kang mabahong ginagawa.

"Kaya mong tumingin sa tao nang diretso, kaya mong makipag-usap sa tao nang diretso.

"Kung mayroon mang magsasabi sa akin, tinatanggap ko kasi yun ang past ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


HOT STORIES

HOPING PEOPLE WOULD GIVE HIM A SECOND CHANCE

Sana raw ay mabigyan siya ng isa pang pagkakataon para patunayan ang kanyang kakayahan.

Apela ng 25-year-old na si DJ Loonyo, "Yun lang ang hinihingi ko, tulungan ninyo rin ako o kung sino man ang tao na willing magbago kaysa hatakin natin pababa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Everybody deserves a second chance para mag-grow ka sa buhay.

"Kahit bashers, I'm willing to have an open and honest communication kasi I wanna learn kung ano yung takbo.

"Napakasarap mabuhay na bukas ang isip, bukas yung puso, sobra."

Aminado rin si DJ Loonyo na naging kontrobersiyal ang opinyon niya noon tungkol sa mass testing.

Nagsilbi raw iyong malaking aral sa kanya.

Ipinangako raw niya sa sarili na magiging maingat na siya sa pagbibigay-opinyon sa mga isyu, lalo't ilang beses na siyang napahamak sa ganito.

"'Yan ang biggest na adjustment na ginawa ko. Kasi dati, aminado ako, di ako nag-iingat sa pinagsasabi ko.

"Never pumasok sa utak ko na nagma-matter pala kasi may mga nagpa-follow pala o may mga sumusuporta sa akin."

Natutunan daw niya maging mapagkumbaba.

"Ngayon, hindi sa umiiwas, pero if there are things na di ako sigurado, at the end of it, pag wala akong alam, sasabihin ko talaga wala akong alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For other people siguro, mahirap magpakumbaba, mahirap umamin kung mayroon ba tayong kasalanan o wala.

"If ever mayroon tayong hidwaan, ako na ang unang-unang hihingi ng patawad sa iyo, ng pasensiya sa iyo. Tapon na natin, let's move forward, di ba?"

NEW SONG FOR FRONTLINERS

Sa ngayon, pinagkakaabalahan ni DJ Loonyo ang pagpasok niya sa music scene.

Nakapag-compose siya ng kanyang second single under Universal Records, ang "Kaya Natin 'To" na handog niya sa mga frontliners.

"Itong 'Kaya Natin 'To, natapos namin siyang buuin nung May pa, mid-April or March pa yata.

"Ito yung nag-ECQ tayo, so sabi ko, parang pagod na naman ang mga frontliners natin.

"The intention or pure purpose ng track na ito is acknowledgement and pasasalamat sa mga frontliners natin."

Dagdag ni DJ Loonyo, "Kumbaga, it's just a reminder for us na sana wag tayong mapagod na magpasalamat sa kanila.

"Habang tayo ay namomroblema sa quarantine kung ano ang gagawin natin sa loob ng bahay, sila namomroblema sa kinakaharap nilang digmaan sa pandemyang ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama raw ni DJ Loonyo na nag-compose ng kanta ang kanyang pamangkin.

"Lahat ng kanta ko, parati naming isinusulat na kasama ang pamangkin ko.

"Kasi siya ang nagga-guide sa akin when it comes to writing a song, and then paggawa ng melody.

"Actually, ilang beses naming ni-revise ito kasi may mga punto na may iba kaming gustong puntahan.

"Itong final output, ito yung napagkasunduan namin at gusto naming i-deliver talaga."

POSSIBLE ACTING STINT?

Bukod sa napapanood siya ngayon bilang head hunter sa Pop Pinoy, ang reality talent search show ng TV5, may movie offers ding natatanggap si DJ Loonyo.

Bukas na raw siyang pasukin ang pag-arte.

Paliwanag ni DJ Loonyo, "Actually, may nag-offer na sa akin since last year pa. Yun nga, parang nag-e-enjoy pa ako sa pagpe-perform, alam mo yung sasayaw ka sa harap ng maraming tao.

"Isa sa ipinagdarasal ko, 'Lord, ayokong madistorbo. Gusto ko kung ano yung right timing, ibigay mo sa akin, iparamdam mo sa akin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Up to now, may mga nag-i-inquire, pini-fix ko yung schedule and all.

"Masaya, excited, if ever makapasok ako dun, another platform yun para mag-grow tayo."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Loonyo on girlfriend Faye Protacio: "Malaking tulong na mayroon tayong special na tao sa buhay natin... Blessing siya, I'm really inspired to do more."
PHOTO/S: @djloonyo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results