Direktang tinanong ni Korina Sanchez si Bea Alonzo kung “weird” bang exclusive star na ng GMA-7 ang dating Kapamilya actress.
Tanong ni Korina: “So now you’re with GMA-7. Does it feel weird to be in GMA-7?”
Sagot ni Bea: “I have to say it felt surreal.
“When I was signing the contract already, parang hindi ako makapaniwala.
“Parang it was like a dream kasi, imagine, I was working for ABS-CBN for twenty years.
“Then all of a sudden, I was signing a contract with GMA, so it was a big shift sa buhay ko, di ba?”
Aminado si Bea na naninibago pa siya kapag ipinakikilala bilang Kapuso. Pero naniniwala siyang tama ang desisyon niyang lumipat sa GMA Network.
“It was a new chapter that would change my life possibly. So, surreal siya sa ‘kin.
“Parang di ako makapaniwala just hearing my name being announced as the 'new Kapuso.'
“Parang merong gaan sa dibdib when you’re doing something that you like to do.
“Yung magaan sa loob. Parang everything is falling into place. I felt that.”
Pumirma ng exclusive contract si Bea sa Kapuso Network noong July 1, 2021.
Nagsimula siya bilang homegrown talent ng ABS-CBN, kung saan siya nakagawa ng malaking pangalan sa telebisyon at pelikula. Nagtagal siya sa ABS-CBN sa loob ng dalawang dekada.
Pero dahil sa pagsasara ng ABS-CBN, isa si Bea sa mga tumawid ng TV network.
Nagkaharap sina Bea at Korina sa virtual anniversary ng isang brand beauty products na pareho nilang iniendorso, noong August 21, 2021.
Nabanggit din ni Bea ang upcoming projects niya sa GMA-7, kagaya ng pelikula nila ni Alden Richards at isang teleserye.
Pero sa ngayon, iikot muna siya bilang guest sa iba't ibang programa sa GMA-7.
Sabi ni Bea, “Gusto kong malibot yung bago kong tahanan at makilala ang mga bago kong kapatid, yung mga bago kong Kapuso.”
KORINA SAYS BEA IS LUCKY
Sa sumunod na pahayag ni Korina, sinabi nitong masuwerte si Bea dahil tuluy-tuloy ang trabaho niya sa kabila ng sinapit ng kanilang dating home network.
“Some of us are really very blessed na ang hirap ng industriya ngayon, alam mo naman ‘yon.
“Nagsarado ang ABS-CBN, tapos nagkaroon pa ng pandemic. Ang daming nawalan ng work. It’s really a struggle.
“Pero you are so blessed na nandiyan ka and really still so relevant,” ani Korina kay Bea.
Gaya ni Bea, si Korina ay nagkapangalan bilang isa sa pinakakilalang news anchor ng ABS-CBN.
Pero noong September 2020, nilisan ni Korina ang ABS-CBN pagkatapos ng 33 taon.
Isa si Korina sa anchors ng ABS-CBN News na nawalan ng trabaho kasunod ng ABS-CBN shutdown noong July 2020.
Nagkaroon siya ng blocktimer TV-magazine show, ang Rated Korina, sa TV5.
Noong June 2021, bukod sa TV5, umere na rin ang show ni Korina sa ABS-CBN platforms, kagaya ng Kapamilya Channel, A2Z, at iWantTFC.
Masayang post ni Korina noong June: “Balik Kapamilya, yes! Pero Kapatid din!”
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
