Kinumpirma ng talent manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis na hiwalay na ang aktor sa aktres na si LJ Reyes.
Sa kanyang Instagram post kagabi, August 22, sinabi ni Lolit na walang third party sa hiwalayan ng Kapuso stars.
Kaya huwag na raw idamay ang pangalan ni Yen Santos (na naisulat ni Lolit bilang Yeng) sa hiwalayan nina Paolo at LJ.
"Open secret” din daw kung sino ang totoong karelasyon ngayon ni Yen.
Magkapareha sina Paolo at Yen sa pelikulang A Faraway Land, na kasalukuyang napapanood sa Netflix.
Sabi ng showbiz columnist at talent manager (published as is): “Naku ha, smokes screen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yeng Santos Salve.
“Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yeng Santos noh!
“Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas, mas shocking pa ang mangyari.”
Ang tinutukoy na “Salve” ni Lolit ay si Salve Asis, ang entertainment editor ng Pilipino STAR Ngayon, kung saan may regular column ang manager ni Paolo.
Ayon kay Lolit, “na-outgrow” na nina Paolo at LJ ang isa’t isa.
“Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes, it was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon.”
Naghiwalay raw nang maayos sina Paolo at LJ upang maiwasan ang pagtatalo.
Dasal din daw ng dalawa na maging magkaibigan sa huli alang-alang sa kanilang anak na si Summer.
Saad ni Lolit, “Kesa naman humantong pa sa pag aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag end as friends.
“Huwag na natin idamay pa si Yeng Santos dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ noh!
“Huwag ng guluhin ang issue, huwag ng magdagdag ng casting para hindi lumaki ang production cost, hah hah.
“Stop na natin script sa ending nila Paolo at LJ, huwag ng dagdag subplot para hindi gumulo ang istorya.”
Sabi pa ni Lolit tungkol sa relasyon nina Paolo at LJ, “Ganuon lang iyon, nawala ang romance, stop, bago maging horror story.
“Bongga di ba Salve at Gorgy, ayaw nyo ng triangle love affair di bah? Kaya, tapusin na duon ang story. Finish na. Babuuuu ! #classiclolita #74naako #takeitperminutemeganun”
Halos anim na taon ang itinagal ng relasyon nina Paolo at LJ.
View this post on Instagram
Umingay ang hiwalayan nina Paolo at LJ noong August 19 matapos mapansin ng netizens na in-unfollow ni Paolo si LJ sa Instagram.
Bukod dito, binura rin ng aktor lahat ng larawan ni LJ sa kanyang account.
Hanggang ngayon ay walang direktang pahayag sina Paolo at LJ tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ng dalawa ukol sa usaping ito.
