PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derek Ramsay recalls secret marriage rumor involving Bea Alonzo

Derek Ramsay wants to work with Bea Alonzo in GMA-7.
by Melba R. Llanera
Published Aug 25, 2021
Derek Ramsay on Bea Alonzo's confirmation that she is in a relationship with Dominic Roque: "I'm looking forward to meeting Bea and Dom. Sana matuloy yung dinner na pinaplano namin na sobrang tagal na."
PHOTO/S: @ramsayderek07 Instagram

Natawa si Derek Ramsay nang maalalang minsan siyang naugnay kay Bea Alonzo, at kumalat ang fake news na lihim silang nagpakasal.

Nagtataka ang Kapuso actor kung saan nagmula ang isyung iyon, na tulad daw ng intrigang pag-uugnay sa kanya kay Pops Fernandez.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 18, sinagot ni Derek ang pagli-link sa kanila noon ni Bea.

Sabi ni Derek, "Hindi ko nga alam kung saan galing yun, lahat na lang yata ginagawan ng issue.

"Nabuntis ko si Pops... Lahat ng paninira ginawa sa akin, pero tahimik lang tayo.

"But tama ka, one of them is pinakasalan ko si Bea. Hindi ko alam kung saan nanggaling yun.

"Kasi last time na nakita ko si Bea was sa after-party yata namin dun sa Kasal, so that was the premiere night of our movie.

"Yun ang issue, pinakasalan ko si Bea."

Huling nagkatrabaho sina Bea at Derek sa pelikulang Kasal, na iprinodyus ng Star Cinema, noong 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON BEA AND DOMINIC

Pareho sina Derek at Bea na masaya ngayon sa kani-kanilang buhay pag-ibig.

Si Derek ay ikakasal ngayong taon sa fiancée na si Ellen Adarna, habang si Bea ay umaming nobyo na nito si Dominic Roque.

Masaya si Derek na makitang masaya si Bea, na kapareho na rin niyang nasa bakuran ng GMA-7.

"May dinner na matagal na naming pinaplano. Nung nag-uusap pa kami wala pa siyang boyfriend.

"Ayun, excited ako. Well, na-meet ko na si Dom. Nakatrabaho ko na 'yan way back. Baguhan pa lang ako, kasabayan ko na si Dom."

Ang "Dom" na tinutukoy ni Derek ay si Dominic. Nagkatrabaho ang dalawa sa Kapamilya prime-time series na Habang May Buhay noong 2010.

Dagdag ni Derek, "I'm looking forward to meeting Bea and Dom. Sana matuloy yung dinner na pinaplano namin na sobrang tagal na."

HOT STORIES

OPEN TO WORKING WITH BEA IN GMA

Excited naman si Derek sa posibilidad na makapareha muli si Bea Alonzo ngayong pareho silang nasa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huli silang nagkatrabaho sa pelikulang Kasal noong 2018.

Noong kapwa pa sila nasa bakuran ng ABS-CBN, nagkatambal sila sa prime-time series na Magkaribal (2010) pati na sa mga pelikulang One More Chance (2007) at And I Love You So (2009).

"Most definitely, she is one of my all-time favorite leading ladies," saad ni Derek.

Patuloy niya, "Every time I work with Bea, it's always a wonderful experience. The last time we worked together is Kasal.

"We had a very successful teleserye way back when I was with ABS CBN, Magkaribal.

"Nakatrabaho ko na siya sa pelikula quite a few times—One More Chance, And I Love You So, and Kasal.

"She's one of the most talented actresses of all time.

"To be partnered with her sa isang project sa GMA, siyempre I look forward to that. I'm really looking forward to that."

personal choice NOT to do taping DURING PANDEMIC

Sa ngayon, bukas sa pagsasabi si Derek na hindi muna gumawa ng anumang acting project bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakatakda sanang pagbidahan ni Derek ang Kapuso series na To Have and To Hold, pero napunta ang kanyang role kay Rocco Nacino.

Wala raw kaso iyon kay Derek.

"Dun sa question sa pinapalit sa akin, bakit ako masasaktan? Well, you know, you can ask GMA, it's my choice that I don't want to work.

"Kung mapalitan man ako ng ibang aktor, that's a great opportunity for them.

"Like I've said, other people need to work, want to work. It's an opportunity for them, so I'm happy for those who are given an opportunity, and I'm thankful that I was offered the show."

Nanghihinayang man si Derek sa puwede niyang kitain, ayaw muna raw nitong tumanggap ng trabaho dahil prayoridad niya ang kalusugan ng pamilya.

Paliwanag niya: "Ang priority ko ngayon is pamilya ko.

"Yes, malaki ang nawawala sa akin. Pero alam mo ang thinking ko, pera 'yan, di ba?

"Hayan na naman, baka sabihin nila, 'Ang yabang mo, porke't may pera ka.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Guys, we all want to make money. But money is there to be made. It may be hard but it's always there to be made.

"Work hard, find ways, be honest, be hardworking, invest wisely. Don't get involved with drugs, gambling.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on Bea Alonzo's confirmation that she is in a relationship with Dominic Roque: "I'm looking forward to meeting Bea and Dom. Sana matuloy yung dinner na pinaplano namin na sobrang tagal na."
PHOTO/S: @ramsayderek07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results