PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mura reacts to Mahal's death

Mura to Mahal: "Mahal, sana masaya ka sa iyong paroroon."
by Arniel C. Serato
Published Sep 1, 2021
Mura Mahal death
Mura (right) still in disbelief over longtime friend Mahal's untimely passing: "Hindi ko pa maiisip na yun ang mangyayari sa kanya. Ang lakas-lakas niya pa nang pumunta dito, yung di ko alam kung paano ko paniniwaalaan, e, bigla e."
PHOTO/S: Courtesy: MYGZ MOLINO on YouTube

Hindi makapaniwala si Mura, Allan Padua sa tunay na buhay, na pumanaw na ang screen partner niyang si Mahal, Noeme Tesorero ang tunay na pangalan.

Namatay si Mahal dahil sa “gastro illness” at COVID-19 infection, kahapon, August 31. Siya ay 46 taong gulang.

Nitong Agosto lamang ay dinalaw pa ni Mahal, kasama ang kaibigang si Mygz Molino, si Mura sa Guinobatan, Albay.

Naitampok din ang kanilang muling pagtatagpo sa Kapuso Mo, Jesscia Soho (KMJS) ng GMA-7 noong August 22.

Noong nakarating kay Mura ang balita sa pagpanaw ni Mahal, hindi raw kaagad siya naniwala.

Lahad niya sa panayam ng ABS-CBN News ngayong Miyerkules, September 1, "Sabi ko, ‘Maniwala kayo diyan, fake news lang 'yan.’

“Tapos nalaman ko nga dun sa nagba-vlog sa akin dito na totoo nga. Tinanong ko nga siya kung saan nakuha ang balita, sabi niya... nag-post ang kapatid na si Irene.”

Si Irene Tesorero, ang U.S.-based younger sister ni Mahal, ang nagkumpirma mismo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagpanaw ng kapatid na komedyante sa isang ospital sa Batangas kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Mura, hindi niya akalaing may dinaramdam na pala si Mahal dahil ang saya pa nito noong huli silang nagkita.

Sabi niya, "Hindi ko pa maiisip na yun ang mangyayari sa kanya.

"Ang lakas-lakas niya pa nang pumunta dito, yung di ko alam kung paano ko paniniwaalaan, e, bigla e.

"Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam, ang saya-saya namin dito, e.”

PREMONITION?

Sa vlog ng kaibigan ni Mahal na si Mygz Molino, pati na sa umereng video ng KMJS, tila may pagpaparamdam na ang komedyana na hindi kaaya-aya.

Ayon sa maraming netizens na nakapanood sa video, maaaring premonition ito ni Mahal.

Pag-alala ni Mura, “Sabi niya sa akin, 'Huwag kang mag-alala, Mura. Kahit ano pasensiyahan mo na itong konting tulong ko, pero kahit matanda na ako...’

“Sabi nga niya, 'Kahit wala na ako, tutulungan pa rin kita.'

"Parang kakaiba, di ba, parang yung namamaalam ka sa akin na ganun, dinaan lang namin sa biro-biro yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May plano pa nga raw si Mura na lumuwas ng Maynila ngayong buwan dahil may gagawin silang vlog ni Mahal, pati na ang paggawa ng iba pang proyekto. May nakaplano rin silang gagawing pelikula.

Mahirap daw para kay Mura na tanggapin ang pagpanaw ng kaibigan na halos dalawang dekada niyang katrabaho.

Nabuo ang tambalan ng dalawa na "Mahal at Mura" noong 2003 sa Masayang Tanghali Bayan (MTB), ang defunct noontime show ng ABS-CBN, kung saan nagpakilala pa si Mura na babae noon.

Mensahe pa ni Mura sa pumanaw na kabigan: “Mahal, sana masaya ka sa iyong paroroon at nagpapasalamat ako sa 'yo at pinuntahan mo ako dito. Binigyan mo ako ng tulong.

"At sa mga kamag-anak niya, nakikiramay ako. Gustuhin ko man na pumunta diyan pero papaano, mahirap ngayon, e. Pasensiya na po.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mura (right) still in disbelief over longtime friend Mahal's untimely passing: "Hindi ko pa maiisip na yun ang mangyayari sa kanya. Ang lakas-lakas niya pa nang pumunta dito, yung di ko alam kung paano ko paniniwaalaan, e, bigla e."
PHOTO/S: Courtesy: MYGZ MOLINO on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results