Heaven Peralejo says past months “a rollercoaster" amid breakup rumor with Kiko Estrada

by Arniel C. Serato
Sep 8, 2021
Heaven Peralejo says she's trying to ignore online bashers: "So, I guess for me, hindi ko na lang din papa-affect yung critics sa akin. More like I’m gonna find myself, I’m gonna know more about myself, and I’m gonna love myself."
PHOTO/S: Courtesy: @heavenperalejo on Instagram

Nasangkot sa kaliwa’t kanang sigalot si Heaven Peralejo sa pagpasok ng taong 2021.

Noong Marso, idinawit siya bilang third party sa hiwalayang Kiko Estrada at Devon Seron.

Pero mariin niya itong itinanggi.

Noong Hunyo, namataan sila ni Kiko sa Boracay kaya marami ang nagdudang may katotohanan ang noo’y haka-haka pa lang nilang relasyon.

Unang linggo ng Agosto, inamin nina Heaven at Kiko na may relasyon nga sila.

Ngunit makalipas lamang ang isang linggo, lumutang naman ang balitang hiwalay na umano sila.

Paano niya mailalarawan ang mga nakalipas na buwan ng buhay niya?

Pahayag ni Heaven sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, “The past few months, I guess, it was a rollercoaster.

“And right now, I’m in the phase of loving myself.

"No joke, as in every morning and every night, nandoon ako sa mga affirmations 'coz they say, di ba, na pag sinasabi mo ‘yan sa sarili mo, na parang magnet iyon, e, so iyon yung magiging buhay mo. So, ganun.

Continue reading below ↓

“Alam mo, yung mga things na hindi ko alam na kaya kong gawin, nagagawa ko pala, in a good way, I think.”

Sa ngayon, nakatuon daw ang atensiyon ng Kapamilya young star sa kanyang mga aso.

Aniya, “And ngayon, mas nagpu-focus ako siguro sa dalawa kong anak-anakan, yung dalawa kong aso.

"Sobrang fur mom na ako, guys, alam mo yun, sobrang na-enjoy ko na yung pet, mobile pet grooming.

"So, natutuwa ako, like ginu-groom ko sila, so... like, there’s more to it.”

“I’M GONNA LOVE MYSELF”

Nagpasalamat naman si Heaven sa kanyang supporters.

Tungkol naman sa kanyang mga kritiko, sinusubukan na lamang daw niyang mag-adapt sa kalakaran sa showbiz.

May napanood daw kasi siyang video ng isang Hollywood star na nagsasabing hindi na siya nagpapaapekto sa mga sasabihin ng mga tao.

Sabi niya, “So, I guess for me, hindi ko na lang din papa-affect yung critics sa akin.

"More, like, I’m gonna find myself, I’m gonna know more about myself, and I’m gonna love myself, so yun lang ang masasabi ko.”

Continue reading below ↓

Alam din daw niyang walang celebrity na handa sa mga sasabihin ng netizens noong binuksan na nila ang kanilang buhay sa publiko.

Si Heaven ay produkto ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 noong 2016.

Sabi pa niya, “I guess, wala namang ready talaga.

"In every aspect of life, hindi ka naman talaga magiging ready, kahit sabihin mong ready ka, di ba?

“Hindi mo naman makikita, like, kung gaano yung gravity ng isang bagay, especially, kunyari, when it comes to bashing, and kung paano pala 'yan makaka-affect sa ‘yo and sa family mo.

“Ako, I’ll say na hindi ako ready talaga. Though alam ko na meron, yes, pero hindi ako ready.

"So ngayon, I’m getting used to it. Parang nag-a-adapt ako slowly."

Samantala, hindi naman natalakay sa panayam ang totoong estado ng relasyon nila ngayon ni Kiko.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo says she's trying to ignore online bashers: "So, I guess for me, hindi ko na lang din papa-affect yung critics sa akin. More like I’m gonna find myself, I’m gonna know more about myself, and I’m gonna love myself."
PHOTO/S: Courtesy: @heavenperalejo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results