Watch Now

Ate Gay discloses amounts he received from Vice Ganda, other showbiz personalities when he was hospitalized

by Arniel C. Serato
Sep 10, 2021
Ate Gay financial help
Comedian Ate Gay shares on Facebook today, September 10, how much financial help he received from showbiz and non-showbiz friends during his hospitalization a few months back.
PHOTO/S: Courtesy: @ategay08 on Instagram

Inilapag ni Gil Aducal Morales, mas kilala sa kanyang screen name na Ate Gay, ang listahan ng mga taong nagpaabot sa kanya ng pinansiyal na tulong noong nakaratay pa siya sa banig ng karamdaman.

Pabalik-balik noon sa ospital si Ate Gay dahil sa kanyang rare and serious skin condition na toxic epidermal necrolysis (TEN).

Ayon sa healthline.com, ang TEN ay “adverse reaction to medication like anticonvulsants or antibiotics.” Ang pangunahing sintomas nito ay matinding pagbabalat at pagsusugat.

April 2021, gumaling at nakalabas ng ospital ang stand-up comedian. Itinuring pa nga niyang pangalawang buhay na niya ito.

Pero ngayong buwan, nahalungkat muli ang kanyang pagkakaospital matapos siyang punahin ng netizens dahil sa kanyang Facebook post noong Miyerkules, September 8.

Nagbanta kasi si Ate Gay na buburahin niya ang kanyang Facebook friends na walang tigil sa kakapuna sa gobyerno.

Buong post niya: “Delete ko mga friends ko dito na walang ginawa kundi mangnega ng umaga ang manisi ang sisihin ang gobyerno .. basa din alamin ang pinagmulan ng paghihirap ng pinas.. simulan nyo ng 1986.. [peace sign emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 1986 nang maluklok sa puwesto si dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino mtapos ang matagumpay at mapayapang People Power Revolution.

Burado na ang Facebook post na ito ni Ate Gay, pero may mga nakapag-screenshot nito.

ATE GAY APPEALS NOT TO DRAG HIS FRIENDS

Samu’t saring pangungutya ang natanggap ni Ate Gay mula sa netizens dahil sa kanyang pro-government stance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa pang netizen na sinabihan siyang sana ay hindi na lamang siya tinulungan ni Vice Ganda noong naospital siya.

Isa si Vice sa bukas sa paghahayag ng saloobin at pumupuna tungkol sa tingin niya'y kakulangan ng ating pamahalaan sa pagresponde sa kasalukuyang pandemya.

Marahil ay hindi na nakatiis si Ate Gay sa mga batikos sa kanya ng netizens kaya, sa pamamagitan din ng Facebook, inilabas niya ngayong araw, September 10, ang mga nagpaabot ng tulong sa kanya at kung magkano ang ibinigay ng mga ito sa kanya.

Kabilang sa nagbigay sa kanya ng tulong pinansiyal ay ang showbiz personalities na sina Paolo Ballesteros (60K), Beks Batallion (30K), Ogie Alcasid (10k), at Teri Onor (10K).

Nagbigay rin sa kanya ng pera sina Vice (20K) at Ogie Diaz (10K), na gaya ni Vice, ay hayagan din ang pagbatikos sa gobyerno.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagkakausap nang personal sina Ate Gay at Vice, na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon. Pero sa isang panayam ay labis-labis ang pasasalamat ni Ate Gay kay Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban sa kanila, nagpaabot din ng pinansiyal na tulong ang ilang non-showbiz friends ni Ate Gay.

Ang kapatid daw ng komedyante ang sumagot sa kabuuang P600K na hospital bill niya.

Saad ni Ate Gay (published as is): “Para matigil na ito .. eto mga nagbigay sa aking hindi ko hiningi ...

"Paolo balesteros 30k beks batallion 30k calvin chua 20k vice ganda 20k ogie diaz10k ogie alcasid teri onor 10k sir jon 10k.. at ang kapatid ko 600k...

“yung mga nagbigay sa akin di ginalaw ng kapatid ko bagkus ginastos ko sa renta sa condo maintenace ko at ng nanay ko... wala naman po akong trabaho kaya di sinama ng kapatid ko ang mga bigay ng mga kaibigan ko..”

Pakiusap ni Ate Gay, sana ay hindi na idamay ng netizens ang kanyang mga kaibigan dahil nahihiya raw siya sa mga ito.

Sabi niya, “sana po wag nyo na kayong mandamay ng ibang tao .. nahihiya ako sa kanila ...salamat”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Ate Gay shares on Facebook today, September 10, how much financial help he received from showbiz and non-showbiz friends during his hospitalization a few months back.
PHOTO/S: Courtesy: @ategay08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results